*CHELSY's P.O.V*
Napabangon ako nang makarinig ako ng malakas katok mula sa pintuan.
Arrg! Kala ko totoo na yon... Panaginip lang pala... Nakakainis talaga...
Bumaba ako ng kama at marahang hinaplos ang labi ko,parang totoo na hinalikan ako ni Kenneth.
Napangiti nalang ako,kahit na panaginip lang iyon feeling ko sasabog ako dahil don.
Dahil sa panandaliang kilig ay di ko na napansin na may tao na pala sa pinto. Pumunta ako sa pinto at nakita sina Eunice,Jimmy at Dexter sa labas.
"Anong ginagawa nyo dito?"
"OK ka lang ba? Di ka ba nila inaabuso?!" Ang oa ng tanong ni Eunice parang pinilit nila ako napumunta dito.
"Ang oa mo naman Eunice. Bakit nila pahihirapan ang baliw na yan." Isa pa tong si Dexter,inaasara nanaman ako ito ba yung matinong kaibigan?
Iimik na sana ako pero biglang nagsalit si Jimmy. "Meron akong dalang pagkain tsaka gamot baka sakaling gumaling ka."
Binigay sakin ni Jimmy ang isang plastick na nag lalaman ng tinapay at may gamot.
"Di naman ako nilalagnat ih. Pero salamat dito sa dala nyo ha. Bakit ba kayo nandito?"
"Tinitignan lang namin ikaw kung ok ka lang ba. Mukhang ok ka naman dito." Ani ni Eunice.
Nagpalinga-linga ako,hinahanap ko si Kenneth. "Nasan si Kenneth?"
Nagkibit-balikat yung tatlo,wala talaga silang alam. San nagpunta si Kenneth siya pa naman yung hinihintay ko.
"Hoy! Anong ginagawa nyo diyan?! Umalis kayo diyan at magsibalik na kayo sa mga klase nyo!" Narinig ko ang sigaw ng guro,mukhang pinalaalis silang tatlo. Nataranta naman sila kaya napaharurot ng takbo.
"Bye Chelsy! Babalikan ka nalang namin." Sigaw ni Dexter kahit malayo na sila.
Hay! Mag isa nanaman ako dito. Nakakainis kasi,wala naman akong sakit bakit pa nila ako kinulong dito. Sana makuha ko na yung test para mapatunayan na wala talaga akong flu.
*****
Gumawa ako ng paraan para matanggal ang umay ko dito sa loob. Nagbilang ako ng buhok kahit imposible kong mabilang to tapos sinubukan kong maglakad ng nakabaliktad pero natumba lang ako nagkagalos tuloy ako sa may braso pagkatapos naman ay nag try akong umuyak ng nakahiga sa kama. Ang tahimik talaga dito ang tagal pang pumunta dito ni Doc Nathan tsaka sina Eunice,sabagay di ko sila masisisi kasi may klase pa silang papasukan...
Kakahiga ko lang ng kama ng bigla kong nalala yung libro na binili ko sa bookstore.
Oo nga! Yung libro ko na binili,nasa bag ko lang yon,dapat kinuha ko muna yon bago ako mag pahatak dito.
Nakarinig ako ng kaluskos mula sa bintana ng clinic. "Sino yan?"
Dahan dahan akong lumapit papunta sa bintana,narinig ko ulit ang kaluskos kasama ang pag galaw ng isang sanga. Bumilis yung heartbeat ko,di kaya minumulto na ako? Wag naman sanang magkatotoo yung mga napapanaginipan ko.... Maliban nalang dun sa kissing scene namin ni Kenneth... Ayeiii.... Kinikilig nanaman ako....
Sisilip na sana ako ng biglang may umimik. "Chelsy ako to! Si Jimmy!" Kaya napaatras ako mula rito...
"Anu ba yan Jimmy... Nakakagulat ka naman. Anung ginagawa mo diyan?" Nakasilip ako sa kanya mula sa bintana.
"Binabantayan kita." Sagot niya.
"Ibigsabihin kanina ka pa?" Namula ako sa ng bigla kong naalala yung pinag gagawa ko kanina sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...