41st Period

92 6 0
                                    

*Third Person's P.O.V*

Abala ang lahat sa pag hahanda sa bonfire party mamayang hapon at hindi maiiwasang ma-excite ni Chelsy. At talagang pinag handaan ito ni Chelsy. Naka-gayak na ang extrang damit na susuotin, mga pagkain na hindi dapat kalimutan, at ang speaker na hiniram pa niya kay Jimmy. Parang wala ng paglalagyan ang excitement ni Chelsy kasi feeling niya magiging successful ang gagawin niyang sorpresa kay Kenneth. Nanalangin din siya na sana makiaayon ang panahon para maging maayos ang kanyang gagawin.

Matapos maghanda ay nagpaalam siya na pupuntahan niya si Eunice para kausapin tungkol sa darating na bonfire party mamaya.

Natagpuan niyang abala si Eunice sa pag-gagayak ng mga gamit na dadalhin nito. Alam niyang excited ito dahil naiinis ito pag kinakausap.

"Anu ba Eunice, mamayang hapon pa ang bonfire party kaya wag kang O.A. Anung oras pala oh." Ipinakita niya sa kanya ang relo niya. "7:15 palang ng umaga. E, 2:00 p.m pa ang start ng bonfire party."

Pero hindi nagpatinag si Eunice sa mga sinasabi ni Chelsy, iniisip kasi nito na pag tumigil ito sa pag gagayak ay baka tamarin na siya kaya kailangan niyang tapusin ang kanyang ginagawa.

"Teka lang, matatapos na din naman ako. Ano bang sasabihin mo? Maliban doon sa surprise mo?"

"Eee... para naman tong kalong e. Tungkol nga doon ang sasabihin ko." Pumadyak padyak pa ito sa sahig na parang bata.

"Anu ka ba Chelsy? Pinag-usapan na natin kagabi na magpapatulong tayo kay Dexter sa pag set-up." Wika ni Eunice na malapit na ding matapos sa ginagawa.

"Paano si Jimmy? Baka malaman niya, baka kunin niya yung speaker tapos--" biglang tinakpan ni Eunice ang bibig ni Chelsy.

"Ssshh... alam mo, napaka nega mo. Wag mo ngang isipin ang mga ganyan. Pag nakataon magkatoto ang mga sinasabi mo." Pagbabanta nito sa kanyang kaibigan.

Natuwa si Chelsy nang nakitang tapos na si Eunice sa pag aayos ng mga dadalhin kaya inaya niya itong pumunta sa bahay nina Dexter at doon pag-usapan ang mga dapat gawin.

---***---

Alam ni Eunice ang bahay nina Dexter kaya walang hirap na napuntahan nila ang bahay nina Dexter nakita pa nilang lumabas ng kanilang ang tatay nito na parang pupunta ng opesina.

Nang makasakay na ng taxi ang tatay nito ay agad silang nag door bell para tawagin si Dexter, di naman gaanong kalakihan ang bahay nina Dexter pero masasabi mong may kaya sila.

Nakailang pindot din sila ng doorbell bago lumabas si Dexter pero nagbukas na't lahat ang gate pero todo pintod parin si Chelsy na parang ngayon lang nakakita ng doorbell.

"Hoy bano! Pumasok ka na." Sigaw ni Dexter kay Chelsy.

Nang makapasok na sila ay pinaupo muna sila sa coach na kaharap ng t.v tsaka sila binigyan ng isang pitsel ng juice at biscuit.

"Ang aga aga nambunulabog ka ng mga tao." Tinutukoy ni Dexter si Chelsy na ngayon ay kumakain ng mga buscuit. Hindi pa pala siya nag aalmusal simula kanina.

"Hayaan mo na nga yan. Importante lang daw ang pag uusapan natin." Wika ni Eunice na kumakain na din ng buscuit.

"Pasalamat ka Chelsy dahil kasama mo si Eunice kung hindi ipapa-kain kita sa mga aso namin diyan." Ani ni Dexter na may halong pagbabanta. "Ano ba ang pag uusapan?"

"Hihingi kami ng favor ni Eunice na kung pwede kang tumulong sa pag seset-up ng surprise kay Kenneth sa bonfire party."

Hindi pwedeng hindi papayag si Dexter dahil kasama si Eunice sa favor ni Chelsy pero bigla niyang naalala na bonfire party na mamaya kaya bigla siya nang malaman iyon.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon