*Chelsy's P.O.V*
"Chelsy gising!" Niyuyugyog ako ni Eunice dahil nakatulog na pala ako dahil sa pag hihintay dito sa classroom.
Nilibot ko agad ang paligid, lahat ng kaklase ko ay nandito na pati na rin si Kenneth.
Nagtataka ko siyang tinitigan. Teka? Totoo ba yung nangyari? Yung sinabi niya?
"Psst... Eunice? Anung oras dumating si Kenneth?" Tanong ko dito.
"Huh? Halos kararating lang niya. Bakit? Ok na ba kayo?" Mabilis akong umiling sa sinabi niya.
Kung kararating kang ni Kenneth. ..ibig sabihin... panaginip lang ang lahat?!
Bwiset!!! Bibigay na ako sa kanya e, tapos panaginip lang pala! Ina this!
"C-chelsy ok ka lang? Namumula ka yata?" Nag aalalang tanong ni Eunice nang mapansing namumula ako.
"Wala... naalala kong binangungot pala ako hehe..." sabay bawi dito.
Letche! Hindi na talaga ako maniniwala pag may magandang nangyayari sa akin.
Dumating na ang subject teacher namin at namigay ng mga papel para check-kan. Bigla aking kinabahan sa magiging score ko sa test kahit pang quiz ang mga tanong hinulaan ko ang ibang questions.
Nag aabang ako ng papel na che-checkan at saktong napa-punta sa akin ang papel ni Kenneth.
"Eunice, palit tayo." Bulong ko dito.
Sinilip nito ang papel na hawak ko tsaka siya umiling. "Sayo na yan, bawal daw palitan."
Wala na akong nagawa kung di ang pirmahan ang ibabang parte ng papel nito.
'Checked by: Chelsy'
Hindi na ako nagulat sa naging score ni Kenneth, alam ko namang halos ma-perfect niya itong test dahil naka 45 siya over 50. Sowww! Amazing!
Isa isa ng tinatawag ang mga pangalan namin at nauna ang mga lalaki. Kinakabahan na ako sa magiging score ko.
Nang tawagin na ang pangalan ni Kenneth nagpalakpakan ang iba kong kaklase dahil siya ang naka-high score. Tumingin ako sa kinauupuan ni Kenneth, nahuli ko siyang nakatingin siya sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin pati na rin siya. Bwiset!
This time, mga babae na ang tinatawag bahagyang nanginginig ang mga daliri ko dahil parang ayaw kong marinig ang resulta ng test ko.
"Del Morre?" Tawag ni Ma'am pero walang sumagot.
"Del Morre?!" Ulit nito, tsaka ito nagsalita.
"32!" Napatingin ako kung saan naggaling ang boses na yon. Nagulat ako nang makita kong si Kenneth ang may hawak ng papel ko.
Anu ba? Bat ako namumula? Di mo na siya crush... may iba na siya...inhale, exhale... kalma self.
Hindi ko namalayan na tapos na pala magrecord si Ma'am ng score at hindi ko manlang nakita siyang umalis.
"Pssst... Chelsy tara..." pag aakit ni Eunice sa akin na nasa pintuan na.
"Saan?"
"Sa canteen? Duhh... recess na, duh..." nag crossed arm ito at nag taas ng kilay na kunwari ay tinatarayan ako.
Tumayo na ako sa desk ko para sumama sa kanya. Naalala ko, wala pala kaming second at third subject dahil nag aasikaso sila ng final exam namin this month.
Nakita kong tumayo din si Kenneth na parang may pupuntahan din, hindi ko na masyadong pinansin ang mga kilos niya ang alam ko lang ay sa sa front door ako lumabas dahil sa back door siya dumaan.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...