Naiwan ng luhaan ang nanay ni Kenneth sa harap ng kwarto ng anak... Di siya makapaniwala na nasabi iyon ng anak nya,sa harap pa nya mismo. Pero tanggap ni iyon. She deserve it. Dahil iniwan nya ang sariling anak sa nanay nya. Pero sa di inaasahan na buntis pala ito,di nya ito pinaalam sa nanay at anak nito dahil alam nya na magagalit lang ito kung aaminin nya. Humanap sya ng magandang trabaho sa ibang bansa at ilang taong din siyang nanirahan doon.
Wala syang magagawa,nangyari na ang nangyari at di nya ito mababalik. Gagawin nya ang lahat mapatawad lang sya ng anak.
Habang nag luluhaan ang kabilang silid ay siyang kabaliktaran ng kwarto nina Chelsy. Masaya at walang galit,masaya sila dahil nakapasa ang anak nilang si Chelsy,sasabog ba sila sa tuwa dahil lang doon.
"Eh! Anu ng palano mo sa college? Lalo na't last year na kayo sa school?" Tanong ng ina nito.
"Wala pa po akong naiisip na kukunin kaya baka mahirapan ako sa pag kuha ng kurso." Aniya.
"Bakit di ka mag patulong kay Kenneth?" Suhesyon ng nanay niya kay Chelsy.
"Siguro po. Pero nahihiya ako... Pag iisipan ko nalang.." At ipinag patuloy na nito ang pag kain.
*****
*Chelsy's P.O.V*Nasan ako? Anung ginagawa ko dito? Bakit nasa basement ako ng bahay namin?
Matagal na naming iniwan toh dahil.... Dahil..... Dahil m-may nag m-multo dito.....
Ilang taon na namin tong iniwan,bakit buo pa ang basement? Omg!
Nilibot ko ang paligid,isang ilaw lang abg nag bibigay liwanag sa buong kadiliman ng silid. Una kong hinanap ang pinto kaso na lock... Bakit naka lock? Sinung nag kulong sakin?
Maraming bumabagabag sa isipan ko ng biglang narinig ko ang pinto na bumukas.
"S-sinu yan?" Walang sumagot.
Patuloy ang pag bukas ng pinto pero di ko maaninag kung sino ang pumapasok.
"S-sinu y-yan?" Bumilis ang tibok ng puso ko... Di naman ako kinikilig... Natatakot na kasi ako....
Unting unti ay nakikita ko ang taong pumapasok dahil sa liwanag ng ilaw.
Kung mag lakad sya ay nakadapa parang gagamba,nakatakip ang mukha nya ng buhok na parang white lady,at ang mas ikinatakot ko ay ang duguan nyang damit. Wala na akong nagawa kundi ang sumigaw ng malakas....
Dahan dahan syang lumapit sakin at unting unti kong nakikita ang nakakakilabot nyang katawan...
Tumigil sya sa harap ko at tumawa ng malakas parang nanggaling pa sa ilalim ng lupa ang babaeng ito....
"G-gum-mi-sing k-ka...." Narinig ko itong nag salita kahit putol putol ito.
"Gumising ka Chesly... Bumangon ka na dyan.... Baka mabawasan ang score mo sa test." Nagbago ito bilang boses ni mama.
Iminulat ko ang mata ko. "Nandito na ako!" Sigaw ko.
"Bilisan mo na dyan. Wag nang kung anung ginagawa!" Sigaw ulit ni mama.
Grabe naman tong si mama di manlang ako tinanong sa panaginip ko... Hmmmm... Sabagay... Busy nga naman... Ahihihi....
Lumabas ako ng kwarto at napansin ko na wala si papa.
"Nasan po si papa?" Tanong ko.
"May inaasikaso lang." Sagot nya habang nag hahalo ng fried rice....
Hmmm.... Ang bango naman,parang ang sarap sherep....
Tinungo ko ang lamesa at nag handa na sa pagkain...
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...