*Dexter's P.O.V*
"Jimmy!? Akala ko patay ka na!? Ilang linggo ka ring nawala." Hirit ko kay Jimmy nang muli namin siyang nakasama. Isa din itong himala, akalain mo? Akala ko talaga hindi na siya papasok at maglalayas na dito sa school.
"Siraulo!" Sabay batok sakin.
"Hindi pa ba sayo kinukwento ni Chelsy?" Sabi ni Eunice habang kumakain.
Nasa canteen pala kami para kumain ng tanghalian, actually hindi pa pala tanghalian. Bakante nanaman ang science namin. Sana di na yun magturo nakakatamad din naman ang nga lesson niya.
"Huh? Ang alin?" Napatingin naman ako kay Chelsy para tanungin pero naunahan na ako.
"Patay na ang lola ni Jimmy..." sinubukan niyang ibulong sakin kahit nasa pagitan namin si Jimmy.
"Teka. Bat di mo manlang sinabi sa amin? Kaibigan mo kamj Jimmy! So ano hanggang ganito lang? Wala na bang tu--" natigilan ako ng biglan isinubo ni Eunice ang isang buong tinapay sa bibig ko.
Ang bastos ha? Pero masarap yung tinapay.
"Ang dami mong daldal. Pwede bang private lang ang tungkol doon." Ani ni Jimmy na hindi naman kumakain.
Inubos ko muna ang tinapay sa bibig ko bago ulit magsalita.
"Ikaw naman Kenneth? Alam kong tahimik ka kahit saang parte nitong School pero bakit ang tahimik mo? Ibig kong sabihin ang wierd mo?" Tama naman ako e. Ang wierd niya. Kanina pa siya walang galaw yung tipong parang statwa na siya dahil nakatulala lang siya sa pagkain niya na di ginagalaw.
"M-may problema pa ba kayo ni Chelsy?" Tanong ni Eunce kay Kenneth.
"Ehem!" Napatingin naman kami kay Chelsy.
Mukhang may maling nasabi si Eunice.
"I mean may galit ka pa ba sa amin ni Chelsy?" Nakatingin lang kami kay Kenneth at iniintay ang magiging sagot niya.
"Pa-library lang ako." Tumayo na si Kenneth para umalis pero bago maka layo siya ay hinawak ni Jimmy ang braso ni Kenneth.
"Kinakausap ka namin diba?" Matalim ang tingin ni Jimmy dito. Ganon din naman ang tingin niya kay Jimmy.
So ano? Nag uusap sila gamit ang mata? Sooo.... wierd.
"Tumigil na nga kayo! Baka kung ano pang magawa ninyo dito." Pagpigil ni Eunice sa dalawa.
"Wala akong kinalaman diyan ha." Singit ko.
"Akala ko ba magkakaibigan tayo ha?" Sabi naman ni Chelsy sakin.
"Kalimutan mo na yon... hihi..."
Nakita kong kumalas na si Jimmy sa pagkakahawak kay Kenneth at hinayaan na naming makaalis.
"Pssst... Dexter... sundan mo si Kenneth..." mahinang sabi ni Eunice.
"Ha? Bat ako?"
"Sayo lang naman walang galit si Kenneth a. So kausapin mo siya. Pakalmahin mo lang." Suhesyon niya.
Ok. Basta si Eunice susundin ko agad.
----***----
Kasalukuyan kong sinusundan si Kenneth at papunta siyang bench at hindi sa library. Ang laking sinungaling noh?
Palihim ko lang siyang sinusundan hanggang sa makaupo siya. Wala masyadong tao dito sa bench at marami pang nagkaklase. Ito ang tamang oras para kausapin si Kenneth. Pero ang sasabihin ko? A basta! Kung ano man ang lumabas sa bibig ko, ok na yon.
"Kenneth!" Tawag ko sa kanya at agad naman niya akong napansin.
Tumakbo ako sa kinaroroonan niya at muntik pa akong madapa, mabuti nalang at wala gaanong tao dito.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...