*Chelsy's P.O.V*
"Hindi ko alam na ganyan pala ang tipo mong damit." Pinipilit ko ang pagtawa para irespeto ang suot niya.
"Ha? Lalabhan kasi yung mga damit ko kaya ito muna ang sinout ko." Paliwanag niya. "Saglit lang ha?"
Pumasok ulit siya sa loob, baka may kukunin?
Pagbalik niya ay iba na ang suot niyang damit. Nahiya na siya sa suot niya dahil sakin? Grabe naman ito.
"Bat ka nagpalit ng damit?" Tanong ko.
"Wala lang. Baka arborin mo yung suot ko. Hehe." Biro niya sa akin.
Tama naman siya. Baka ma-arbor yung damit niya. Ganun din ang suot ni Kenneth kaso isang mukha lang ang nakalagay e.
"Bakit ka pala pumunta dito?"
"Ay oo nga pala. Kaya ako pumunta dito para humiram ng speaker, meron ka ba?"
"Meron kaso di masyadong kalakasan, ok lang ba sayo?"
"Oo! Tamang tama yan. Nasan ba?" Pasilip silip ako sa loob ng bahay nila kung nasan yung speaker.
Napansin kong ibang iba na ang loob ng bahay nila. Ang huling punta ko kasi dito ay nung burol ni lola. Ngayon napansin kong medyo makalat at madilim sa loob, feeling ko ang lungkot lungkot ni Jimmy hindi na niya malinis ang bahay sa sobrang busy niya sa school at sa training niya sa swimming.
"Pumasok ka muna." Pag aanyaya niya sakin. Syempre hindi na ako nagdalawang isip kaibigan ko naman siya e.
Binigyan niya muna ako ng isang basong tubig bago umakyat sa taas. "Kukunin ko lang yung speaker sa taas." Aniya.
Habang mag iintay ay tahimik kong pinagmamasdan paligid ng bahay ni Jimmy. May ilang gamit ang sira at mukhang nalimutan ng ipaayos hindi naman pala ganoong makalat madilim lang dahil sa kurtinang naka harang sa bintana.
"Chelsy ok na ba ito sayo?" Tanong ni Jimmy habang bitbit ang speaker. "Wireless yan kaya pwede kahit saan kaya lang dapat I-charge yan ng over night para pang matagalan ang pag gamit niyan. Saan mo ba gagamitin?"
Kailangan ko nanamang mag-isip ng palusot para di malaman ni Jimmy na para kay Kenneth ito. Baka bawiin niya sa akin yung speaker.
"Birthday party?" Nakakainis! Wala na akong mapiga sa utak ko.
"Ha? Kelan?"
"Sa lunes, birthday ng pinsan ko."
"Diba sa lunes na yung bonfire party? Paano ka makaka punta?"
Chelsy! Relax! Kaya mo pa yan. Isip ka pa ng palusot."Inutusan ako ni mama para sa birthday party ng pinsan ko kaya nanghihiram ako. Wag ka mag alala ibabalik ko agad kinabukasan." Wika ko na namumuo na ang pawis sa buong katawan ko.
"Ahhh ok. Gusto mo bang ihatid na kita? Medyo mabigat yang speaker." Ngumiti pa ito ng nakakaloko.
"Ikaw? Baka masira ko pa itong speaker mo e." Gumanti ako sa kanya ng nakakalokong ngiti.
At gaya ng sabi ni Jimmy ihahatid daw niya ako hanggang sa labas at isasakay na daw niya ako para daw makita niyang safe yung speaker.
---***---
Papasok na sana ako ng gate nang biglang lumabas si Kenneth mula dito. Natanggal tuloy yung damit na nakabalot sa speaker at muntik ko na itong mabitawan. Nakakainis!
"S-sorry." Sabi ko habang naka yuko.
Napansin kong umalis na siya at mukhang wala siyang balak kausapin ako. Mabuti nalang talaga at hindi siya nagtanong tungkol sa speaker, ayaw ko nang magpiga ulit ng palusot. Baka sumabog bigla yung utak ko.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...