Chelsy's P.O.V
"Kinakabahan na ako." Sabi ko sa mga kasama ko.
Halos ngatngatin ko na ang buong kuko ko sa mga daliri ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Kaya mo yan Chelsy i chicheer ka namin." Sabi ni Eunice sa akin habang hawak-hawak pa niya ang balikat ko.
Pinapunta kami ni ma'am Ruby sa unahan para sa aming speech. Mabilis lang natapos si Jacob sa kanyang speech kaya sumunod agad si Jenny na halos mag-isang oras na dahil sa kung ano-anong pinag-sasabi kahit wala ng connect sa pagiging president.
Nang sumunod na si Kiara ay nag-tahimikan ang lahat, siguro ay suportado nga siya ng lahat? Siguro ay lahat ng boto ay mapupunta kay Kiara? Naku! Hindi ako papayag! Kailangan kong galingan para kay Kenneth, hindi naman ako talaga sasali dito kungdi dahil kay Kenneth e kaso nga lang wala pa siya ngayon. Saan nga ba siya nag-punta?
"Go Chelsy kaya mo yan!" Natigilan ako sa pag-iisip nang marnig ko ang Sigaw ng tatlo habang hawak hawak ang papel na ang nakasulat ay "GO CHELSY".
Teka? Ako na ba ang kasunod? Hindi ko manlang narinig na mag-salita si Kiara.
Dahan-dahan akong lumakad paunahan, nanginginig man ay kailangan kong i-usad ang speech ko dahil kung hindi... Baka hindi ako iboto ng mga kaklase ko at hindi ako manalo.
"H-hi classmate." Nanginginig kong panimula sabay kaway sa kanilang lahat.
"Ako si Chelsy Demores tatakbo ako bilang class president kasi gusto kong tumulong na maging maayos ang silid na aking tinatapakan." Tumingin kong sa upuan ni Kenneth na hanggang ngayon ay walang Kenneth na nakaupo dito. "Gusto kong ipakita sa inyong lahat na kahit mababa ang mga scores ko sa test ay kaya kong panindigan ang isang responsableng leader ng klaseng ito. Yun lang at salamat."
Nakakalungkot kasi wala si Kenneth hindi niya manlang narinig yung speech na ginawa namin.Ilang oras lang kasi ang nakakalipas nang tulungan ako ni Kenneth sa pag-gawa ng speech ko, sabi niya na ang sasabihin ko ay yung totoong layunin ko sa classroom namin. Isa pa sa tumatak sa akin yung sinabi niyang hindi ko na kailangang i-sulat at i-memories ang isusulat ko, on the spot ko daw ito sabihin para hindi ako ma-mental block. Napaka-talino talaga ni Kenneth!
"OK pwede na kayong bumoto." Sabi ni ma'am Ruby.
"Pero ma'am wala pa po si Kenneth." Paalala ko kay ma'am.
"May inutos si Prof. Vendel tungkol sa novels kaya exempted siya sa boto." Kalmado niyang sagot sa akin.
Nagsimula na ang pag boto nilang lahat, syempre kaming mga tumatakbo bilang president ay naka-tutok lang sa mga kaklase kong bumoboto.
Panatag naman ang loob ko dahil iboboto naman ako ng mga kaibigan ko kaya hindi ako mapapahiya kung walang mang boboto sa akin.
Matapos nilang bumoto ay pinag-tally ni ma'am Ruby si Mark na nakikipag-harutan kay Dexter.
Nag-bubutil ang pawis ko sa noo nang mag-simula ng buksan ang kahon na puno ng boto nila, pano nalang kung sina Eunice lang ang bumoto sa akin? Nakakahiya!
Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang pagkatalo ko, pinilit kong hindi na ito pakinggan.
"Jacob 4 votes
Jenny 6 votes
Kiara 14 votes
Chelsy 15 votes." Anunsyo ni Mark na nag babasa ng mga boto.Abot langit nalang ang ngiti ko nanh iluwa ng pinto si Kenneth na animoy naliligo sa sariling pawis.
"Kenneth bumoto ka na." Aligagang utos ni Jimmy.
"Si Kiara." Malamig at wala niyang emosyong sagot.
Bigla akong nanlumo sa sinabi ni Kenneth, ang alam ko kasi ako talaga ang iboboto nya.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...