*Eunice P.O.V*
Tumigil bigla ang oras ng makita ko si doc Nathan sa canteen, hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing makikita ko siya pag nakakasalubong ko siya sa paglalakad at naiistatwa ako, ibang iba talaga pag si doc Nathan na ang pag uusapan.
Matapos ang pang yayaring iyon ay hinila ako si Chelsy papabalik ng classroom ayaw daw niyang makakita ng mga gulo.
"Wala ka ba talagang balak na kausapin ako?" Ang unang salubong sakin ni Dexter nang makaupo kami.
Mag dusa siya napaka burara talaga niya.
"Ibabalik ko nalang bukas.... plsss...."
"Kahit anong gawin mo hindi mo na maiibalik ang nakaraan. Kung burara ka, burara ka!" Mahina pero madiin kong sambit nang harapin ko si Dexter.
Taimtim na sumimangot si Dexter at tumalikod sa akin,napa oa yata yung sinabi ko.
"A-ahh.... Dexter?" Hahawakan ko siya nang bigla siyang humarap sakin.
"Ok na.... alam kong burara ako. Kasalanan ko ang lahat." Matamlay siyang nagsalita sa akin.
Hala? Masyado na yatang sineryoso niyo yung pagkakasabi ko.
Iimik palang ako ng bigla siyang tumayo at umalis ng silid, hindi ko alam kung saan siya pupunta at tanging pagsulyap lang sa kanya ang aking nagawa.
"Eunice! Hindi ka pa aalis?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Chelsy. Hindi ko namalayan na uwian na kaya pala umalis na si Dexter, kinabaham tuloy ako pero parang gusto kong magsorry sa kanya ayaw kong magkaroon pa ng away sa pagitan naming dalawa.
"Sorry Chelsy, hindi ako makakasabay." Sabay takbo palabas ng school.
Hinanap ko agad kung saan patungo si Dexter at sakto namang nakita ko siyang naglalakad kaso malayo na siya.
Mapapagod ako nito.
Bumili ako ng energy drink para di agad mapagod kaso sa pagnamadali ko ay nalimutan kong isauli yung bote.
"Dexter wait!" Di siya lumingon.
Hindi nya yata ako naririnig.
Sino ba naman kasing makakarinig sakin e halos ilang metro pa ang layo namin.
Tatakbo na ako papalit sa kanya nang mat lumapit sa kanyang grupo ng mga kalalakihan.
Sino ang mga yon?
Bumagal ang takbo ko hanggang maging maliit na hakbang nalang ang nagawa ko para di nila ako mapansin.
Nakikita ko silang nag uusap pero di ko marinig.
Lalapit pa ako.
Di ko parin marinig.
Lapit pa....
Ayan ok na.
"Sabing wala na akong pera!" Boses ni Dexter na nagmamakaawa.
"Talaga ba?" Sabay tawa nung isang lalaking kaharap ni Dexter.
Hinablot nung isang lalaki na naka hood yung bag ni Dexter at hinalungkat ito.
"Sabing wala na akong pera! Bakit ba ang kukulit nyo!?" Pilit niyang hinihila ang bag niya kaso mukhang sa height palang ng mga lalaking ito ay lamang na sila kaysa kay Dexter.
Hindi na ako nagdalawang isip na lumbas sa likod ng puno at marahas na binasag ang bote ng energy drink.
"Hoy!" Sigaw ko habang palalalit sa kanila.
"Anong ginagawa nyo sa kanya?!" Nangmakalapit ako ay itinutok ko sa kanila yung sharp edge nung bote.
Sheyt nanghihina ako.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...