2nd Period

409 27 5
                                    

Chelsy's POV

"Ma,may bagong lipat!" Sigaw ko kay mama pagpasok ng pinto.

"Ha? Sino? Saan?" Sunod sunod na tanong ni mama at bigla nalang tumayo sa sofa.

"Nakita kong pumasok yung bagong transferred sa school namin at kaklase ko pa siya." Paliwanag ko kay mama.

"Kung ganon, bigyan natin ng pag-kain yung bagong lipat para naman maganda ang salubong natin sa kanya?" Suhesyon ni mama.

Nag-taasan bigla ang mga balahibo ko sa narinig ko kay mama. Isa talagang hulog ng langit sakin si mama, ngayon ay makaka-first move na ako kay Kenneth.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ko dahil sa sobrang excitement ay mabilis akong nakapag-palit ng damit.

"Yehey! Pupunta ako sa kwarto ni Kenneth." Nilapatan ko ito ng tono para maging espisyal kaya lalo pa akong kinikilig.

"Teka? Kailangan kong maging maganda at presentble sa harap ni Kenneth." Palihim akong lumabas ng kwarto para pumunta sa kwarto ni mama. Nakita ko doon ang make-up kit ni mama kaya palihim ko itong kinuha at itinago sa damit ko.

Sumilip ako sa kusina at nakita ko si mama na abala sa pag-luluto kaya't nilisan ko ang kwarto nina mama nang may tuwa at galak sa aking mga mata.

Di man ako bihasa sa pag memake up, basta kay crush kakayanin ko at walang pwedeng pumigil sa akin

Nagsimula ako sa foundation, dapat ay katamtaman lang yung hindi mahahalatang mayroon ka nito. Konting dampit lang at ok na! Isusunod ko ang red lipstick, dito dapat hiyang ako yung tipong pang kissing scene? Ganern! Kaya naman medyo kakapalan ko. Ang last but not the least ang eye shadow! Of course kasama ito sa kagandahan ko pero hindi naman ako pokpok noh. Dahan-dahan lang ang pag lalagay baka sumobra.

"Chelsy! Ibigay mo na toh!" Nagulat ako nang marinig ang pag-sigaw ni mama kaya medyo napa-kiwa ang pag lalakagay ko pero ok lang naman yon hindi naman halata sa face ko.

Lumabas ako ng kwarto ng may successful face na dala pero nag-taka ako sa facial expression ni mama na parang nakakita ng alien na ewan.

"A-anu bang ginawa mo sa sarili mo?" Nagugulumihang tanong ni mama sa akin.

"Masama ba mama magpaganda?" Sarcastic kong tanong kay mama sabay wahi ng buhok ko.

Di na sumagot si mama at ibinigay nalang sa akin ang isang mangkok na naglalaman ng kaldereta nang silipin ko ito.

Dali-dali akong lumabas at tinungo ang silid ni Kenneth. Dahan-dahan naman akong kumatok sa pinto at agad agad din naman itong nagbukas.

"H-hi Kenneth." Kabado kong bati sa kanya nang iluwa siya ng pintuan.

Wala syang reaksyon nang makita ako pero pinag-masdan lang niya ako mula ulo hanggang paa. Ganyan ba talaga sya?

"Pwede bang pumasok?" Nilaksan ko ang loob ko para makapasok sa kwarto ni Kenneth at para makilala ko na rin ang mga magulang nya.

Pinapasok naman ako ni Kenneth kaso di nya ang ako pinapansin o kinakausap manlang kaya ako na ang nagsimula ng topic.

"Nasan yung magulang mo?" Tanong ko.

"Wala." Matipid nitong sagot.

"Nasan sila?"

Tumingin siya ng masama sakin na para bang may sinabi ba akong mali? Ano bang mali sa tanong ko?

"A-ah may h-hinada kami na pagkain para sa inyo." Pag-iiba ko ng usapan sabay ngiti sa kanya.

Nakita ko ang pagtayo niya at ang pag-lapit sa akin, hindi ko pa na-iipatong yung ulam sa lamesa nang hilahin niya ako palabas sa pamamagitan ng pag-hila sa aking damit.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon