8th Period

160 21 1
                                    

Lumabas si Eunice sa silid ng walang nakakaalam.

Tinungo pala nito ang clinic para masilayan ang doktor.

"A-ah doc nalimutan ko po Kala yung libro ko." Aniya na malapit ng maihi sa kilig.

"Ah.. Iyo pala yon? Mahilig ka pala tungkol sa mga scientific?"

"Eheh.. Opo kailangan ko po kasi yan." Sabi nito at tinanggap ang libro.

Habang si Eunice at nakikipag-usap kay doc Nathan,ay nakasilip pala si Dexter sa dalawa pero bigla siyang tinulak paloob ng mga lalaking estudyante.

Laking gulat ni Eunice ng makita si Dexter na nakadapa sa sahig.

"H-hi doc." Aniya papalapit sa dalawa.

"Doc mag papacheck lang po sana ako...." Sabi ni Dexter.

Tinititigan ito ni Eunice ng masama pero balewala ang ginawa ni Eunice.

"May heart problem po kasi ako,bata palang daw po aki malala na daw po ito." Paliwanag niya.

"Dexterr..." Suway ni Eunice.

"Doc aalis na po ako... Thank you po." Pag papaalam nito ng nakangiti sa doctor.

***

Kinaumagahan....

"Manong pakiusap naman po... Kailangan lang po talaga ito ng anak ko... Papasukin nyo na ako..." Pagmamakaawa nito sa gwardya.

Pero di nito pinagbigyan ang lalaki.

Sa di inaasahan nakita nito si Eunice na papasok na rin ng school.

"Miss kilala mo ba si Dexter Alvares?" Aniya na dala ang maliit na supot.

"Opo ako nga po." Sagot nito.

"Pwede mo bang ibigay to kay Dexter nakalimutan kasi nya." Pakiusap nito.

Naawa naman si Eunice kaya tinanggap nito ang supot...

Pumasok na si Eunice ng school bitbit ang isang maliit na supot.

*Eunice's P.O.V*

Haytss... Nautusan pa ako ng tatay ni Dexter na panira sa mga plano ko para masilayan si Doc.Nathan.

Habang nilalakad ko ang daan patungo sa classroom ay aksidente kong nahulog ang supot na nag lalaman pala ng gamot.

"Di naman yata nagasgasan." Nabasa ko ang gamot na para pala sa puso.

Nag flashback sakin ang mga sinabi ni Dexter kay doc Nathan.

Totoo nga na may sakit sya sa puso.

Mabilis kong ibinalik ang mga gamot sa plastik at tinungo ko na ang classroom namin.

Pagpasok ko ng silid ay bumungad sakin si Dexter na kumakain ng tsitsirya."Oh yung gamot mo."

Agad na tinanggap ni Dexter ang gamot. "Salamat."

Bigla akong naawa sa kay Dexter dahil sa sakit nya. Pero bakit di ko yun napapansin,siguro sinisekreto nito sa barkada. Siraulo talaga si Dexter kahit kailan.

"Pssst.... Dexter diba magpapatulong ka sakin? Ano ba yon?" Bigla nalang bumait ako kay Dexter.

"Pwede mo ba akong tulungan dito?" Aniya na nagpapabebe pa sakin.

Inilabas nya ang assigment na patungkol sa science.

"Parang sobrang hirap naman nito para sayo." Sabi ko.

Madali naman talaga ang assigment... About star lang naman ang topic diba?

"Wala ka bang naintindihan?" Tanong ko.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon