44th Period

78 4 0
                                    

*Chelsy' P.O.V*

Mabilis akong bumaba mula sa rooftop ng building, ayaw kong lalo akong masaktan sa mga nakikita ko. Ayaw kong magkaroon ng gulo pag ako ang sumabog sa galit.

"Teka Chelsy! Hinatayin mo ako!" Sigaw ni Eunice na habol-habol ang hiniga dahil sa pagkakahabol sa akin.

"U-umiiyak ka ba?" Nagtatakang tanong ni Eunice nang maabutan niya ako.

Oo, umiiyak ako dahil alam kong may gustong iba ang gusto ko. Wala naman akong magawa, wala namang kami at hindi ko mababago ako desisyon niya.

"Wag mo nang isipin iyon, magpasalamat ka nalang dahil nailigtas nila si Kiara." Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"B-baka pakana lang iyon ni Kia-" tumigil ako sa pagsasalita nang makita ko si Kenneth na pababa na ng hagdan.

"Chelsy, magpapaliwanag ako. Gusto kitang makausap." Hahawakan sana ni Kenneth ang braso ko pero mabilis ko itong iniwas.

"Hindi na Kenneth, sapat na yung mga nakita ko bilang paliwanag mo. Sige aalis na ako, baka may gagawin pa kayo. Enjoy..." ngumiti ako sa kanya kahit bakas na bakas sa akin ang matinding kalungkutan. Ayaw kong makikita ako ng ganita, gusto kong makita parin nila ang Chelsy na positibo.

"Tara na Eunice." Hinila ko si Eunice paababa ng hagdan at iniwan doong mag-isa si Kenneth.

Tama ang ginawa ko, ako ang dapat lumayo, ako ang dapat masanay na wala siya at may iba ng kasama.

*Third Person's P.O.V*

Balibalita sa buong skwelahan ang paglipat ni Kiara ng ibang school sa ibang bansa dahil na nga sa pangyayaring iyon naisip ng mama ni Kiara na kulang ang serbisyong ginagawa ng skwelahan, magkulang din daw sila ng pagbabantay sa anak dahil alam naman nitong may sakit itong nararamdaman.

"Kung pwede lang po ay dito nyo na patapusin si Kiara. Sayang naman po dahil malapit na ang final exam na nila, mahihirapan po siyang mag-adjust pag lumipat pa siya." Wika ng kanilang guro na si ma'am Ruby.

Nasa faculty sila at pinag uusapan ang pag-alis ni Kiara sa kanilang skwelahan.

"Hinding hindi na po iyon nauulit dahil mas paiigtingin namin ang pagbabantay sa iyong anak." Sabi naman ni doc. Nathan na kasama din sa pag uusap.

"Hindi na talaga mauulit yon dahil sa ayaw at gusto niyo ililipat ko ang anak ko sa ibang skwelahan na mas makakabuti sa kanya!" Nag aapoy ito sa galit dahil sa pangyayari.

"P-pero Ms.-"

"No more buts, alam ko ang mas nakakabuti sa anak ko at mas nakakabuti sa kinabukasan niya." Himinga ito ng malalim matapos nitong magsalita.

Hinawakan nito ang kamay ng nanay ni Kiara."Kahit isang pagkakataon lang po,ipapakita po namin ang pagiging responsible di lang sa iyong anak kundi na rin sa buong studyanteng aking pinaghahawakan."

Tumayo ito at lumabas ng faculty, doon na pala nagtatapos ang pag-uusap na iyon.

---***---

Tahimik na nagbabasa si Chelsy ng libro sa loob ng library kahit di siya sanay na nagbabasa ng libro pinilit parin niya. Gusto lang niyang mapag-isa at magmuni-muni.

Hindi muna niya isinama si Eunice dahil alam niyang nakakaanala na ito dito.

"Ang sakit sa ulo ng mga letters." Bulong niya.

"Sano na namang matalino ang gagawa nitong kakapal na libro." Sabi pa niya habang tinititigan ang librong nasa harap.

Ibinagsak nito ang kanyang ulo sa librong nasa harapan niya. "Bakit ba napakamalas ko!" Sigaw niya sa sarili niya.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon