28th Period

89 11 0
                                    

"So ano? Kumusta ang first date nyo ni Kenneth?" Ito agad ang bumungad kay Chelsy pag pasok ng classroom.

"W-wala naman." Namula ang pisngi niya na halatang kinikilig.
"I-kwento mo naman sa akin kung anong nangyari kagabi? May kissing scene bang naganap?" Namulaga si Chelsy sa tanong ni Eunice dahil kahit magkasama silang dalawa ni Kenneth ay hindi niya naisip ang ganong bagay.

"W-wala. Ano ka ba? Masyado pa akong bata para sa mga ganyan, pero..."

"Pero gusto mo?" Nag-init ang magkabila niyang pisngi nang marinig niya iyon.

"H-hindi noh." Tanggi nito kahit totoo ang sinabi ni Eunice.

"Ikwento mo naman sakin ang nangyari." Ulit ni Eunice.

Huminga muna ng malamin si Chelsy bago magsalita.

"Ang totoo kasi niyan ay hindi kami nakapanood ng soccer game kagabi."

"Ano? Papaanong hindi kayo nakapanood e sabi mo kahapon binili ka ng papa mo ng dalawang ticket?" Di makapaniwalang turan niya.

"Naloko si papa ng tindero, binili lang ni papa ang ticket sa murang halaga."

"So anong ginawa ninyo?"

Nagpalinga-linga si Chelsy sa paligid, wala pa sina Dexter, Jimmy at Kenneth.

"Umupo kami sa bench..." Mahina niyang sabi pero kinikilig siya kapag inaalala ang pangyayaring iyon. "Ang romantic diba?"

Napanganga si Eunice.

"Ano naman ang romantic don? Umupo lang tapos...." sandaling tumigil si Eunice sa pagsasalita at tumingin kay Chelsy.

"Nag kiss kayo!?" Nagtinginan sa kanilang dalawa ang lahat ng kaklase nilang nasa loob at isa na doon si Kiara. Tinakpan ni Chelsy ang bibig ni Eunice tsaka hinila palabas, dala rin nito ang tubigan upang kumuha (kunwari) ng tubig sa canteen.

"Ano ka ba Eunice? Ang ingay mo naman."

"Edi totoo nga, nagkiss kayo ni Kenneth." Nagsimula nang mangisay si Eunice sa kilig pero ang totoo ay hindi iyon totoo. Pinapangunahan lang talaga siya ni Eunice.

"Hindi kaya! Masyado pa akong bata para sa mga ganyan." Tanggi nito sa sinabi ng kaibigan.

Huminto sa paglalakad si Eunice at na patingin sa dalang tubigan ni Chelsy.

"Puno ang bote mo? Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa kaibigan.

"Wala, nagpapahupa lang ng tensyon sa classroom." maiksi nitong paliwanag.

"Para saan yang tubigan mo?"

"Syempre para may dahilan tayo para lumabas, ayaw kong pag usapan tayo."

Napa palakpak si Eunice at akmang luluhod upang purihin si Chelsy dahil sa katalinuhan nito.

Nagulat si Chelsy sa gagawin ni Eunice kaya mabilis nitong hinawakan si Eunice at hinatak patayo.

"Para kang kalog."

"Ang talino mo kasi!" sabay siko nito sa kasama.

*Kenneth's P. O. V*

Maaga akong nakarating sa school pero pagpasok ko nag tinginan sakin lahat ng tao sa loob. Di ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o may problema lang talaga.

Nang maka-upo na ako ay lumapit sakin si Kiara.

"Kenneth? T-totoo ba yung sinabi ni Chelsy?" Malikot ang mga mata ni Kiara kaya lalo akong nagtaka sa mga kinikilos nila.

"Ang alin?"

"N-nag k-kiss kayo ni Chelsy?" Nagulat ako sa sinabi ni Kiara.

Ako?! Nakipag halikan kay Chelsy?

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon