Epilogue

178 5 7
                                    

*Chelsy's P.O.V*

(1 month after final exam)

"Waaahhhh!!" Napasigaw ako ng malakas ng maka recieve ako ng text message mula kay Kenneth... gusto niyang lumabas kaming dalawa.

"Anak! Bakit? May problema ka ba dyan?" Pag aalalang tanong sa akin ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"O-ok lang po ako ma! May pupuntahan pa po pala ako!" Sigaw ko.

Nang di ko na maramdaman ang presensya ni mama ay tsaka ako huminga ng maluwag at muling tumingin sa cellphone ko. Hindi ako namamalik mata,totoo nga ang text niya sa akin. Ngayon ko lang mararanasan ang ganito! Ahaha!

Dahil malapit lang ang silid ni Kenneth sa amin ay hindi na ako nag-atubiling pumunta sa kanila,baka naman binibiro lang ako nito. Hindi ako papayag nito pag biro lang ang text message na iyon.

"Kenneth!" Sigaw ko kasabay ng pagkatok ko sa pinto. Wala pang ilang minuto ay lumabas na din si Kenneth at halatang bagong ligo dahil sa basa nitong buhok.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong niya sa akin.

Doon ko na napatunayan na totoo nga ang text message niya sa akin.

"B-bakit mo ako inaakit umalis? M-mag d-date ba tayo?" Nanginginig ang labi ko ng tanungin ko siya.

"Anu ba sa tingin mo?"

Bigla akong nakaramdam ng pag iinit sa magkabila kong pisngi. Ibig sabihin ba nito na mag dedate nga kaming dalawa?

"Hindi ka pa ba magbibihis?" Wala ako sa katinuan ng tumingin ako sa kanya tsaka tumakbo pabalik ng kwarto.

'Kailangan kong bilisan,nakakahiya kay Kenneth na pag hintayin siya!' Sigaw ko sa utak ko,magmumukha akong tanga kapag sinigaw ko dito sa loob ng kwarto nandito kasi sina mama at papa.

Mabilis lang pagligo ko,parang wala pang sampung minuto tapos na ako ganito siguro ka-excited.

Pagdating sa mga damit ay naging mapamili ako. Kailangan ko ay magandang damit para naman hindi nakakahiya kay Kenneth. Humigit kalahating oras bago nalapili ng isang damit at ang kinuha ko mula sa aparador ay isang dress na kulay pink,simpleng dress lang pero sa tingin ko ay ok na ito alam ko kasing walang hilig si Kenneth na magarbong mga damit gusto niya ay normal lang.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko agad si mama.

"Aba anak? Bihis na bihis ka? Saan ang lakad mo?" Tanong sa akin ni mama.

"May lakad lang po ako mama,promise po mabilis lang to." Nakataas ang kabila kong kamay habang nangangako pero ang totoo ay baka gabihin pa kami.

"Oh sige anak,mag iingat ka ha?"

Pagkalabas ko ng pintuan ay bumungad na agad sa akin si Kenneth,naka black and white na t-shirt habang ang terno nito ay black jeans. Ang simple talaga nitong manamit pero yung totoo? May patay ba?

"Bat naman ganyan ang kulay ng damit mo? Parang may pupuntahan kang burol?" Pang aasar ko sa damit niya pero wala siyang reaksyon.

"Bakit ang tagal mo?" Duon lang nag sink in sa utak ko na seryoso ang kanyang mukha.

"S-sorry,ang hirap kasing mamili ng damit na susuotin." Maikli kong paliwanag sa kanya.

"Tara na." Aniya kasabay ng paghila sakin palabas ng apartment.

Aaminin ko,kahit ang sungit sungit niya sa akin pakiramdam ko nilalambing niya ako. Ang kiri ko diba?

"A-aray Kenneth!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin kaya tumigil kami sa pag lalakad. "Saan ba tayo pupunta? Parang daliang dalian ka?"

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon