15th Period

108 11 1
                                    

*Kenneth's P.O.V*

Tumayo ako sa kama ko at balak kong tawagan si Chelsy. Nitong nakaraang araw ay masyado na akong na-wiwirduhan sa kanya. Teka? Bakit ako nag aalala sa kanya? Ano toh Kenneth? Anung gagawin mo? Mag tatanong kung ok lang sya? Tss... Wag nalang baka ang isipin pa non ay pinag iisipan ko pa sya ng masama.

At dahil walang pasok ay i-eenjoy ko nalang ang araw na ito kasi next week ay mag kakaroon na ng pasok,di ko manlang naipagpahinga ang sarili ko.

"Kenneth? Diba wala kang pasok ngayon? Tra sumama ka samin at mag bobonding tayo!" Natutuwang pangangakit ni mama sakin.

"Ayaw ko,kayo nalang." Pag putol ko sa kasiyahan nya

"Ha? Bakit? Wala naman ka namang gagawin dito. Maliban nalang sa pag babasa mo ng mga libro." Ani ni mama na parang nag mamakaawa na sumama ako. "Sayang naman kung di ka sasama samin,ngayon na nga lang tayo mag sasama-sama."

Lumayo ako kay mama bago ko siya sinagot. "Pwes,problema mo na yon." Mahina kong turan. Sigurado akong mag mumukmok nanaman ito. Tsss... Napapaka maiyakin naman ng nanay ko.
Ang tanong.... Nasan ang pake ko?

Lumabas ako ng apartment at nakita ko si Chelsy na nag tatanggal ng kadena sa bike.

"San ka pupunta?" Seryoso Kong tanong.

Nagulat sya sakin ng makita ako.
"Ikaw pala Kenneth,pupunta kasi ako ng bookstore,sale daw kasi." Paliwanag nito.

Tahimik lang ako habang nakatitig sa kanya,baka may sasabihin pa siya.

"Pwede mo ba akong samahan,baka wala kang ginagawa."

Sabi ko na eh,may sasabihin pa sya. "Ayaw ko." Mahina kong sabi.

"Ok...." Malumanay nyang sabi.

Himala! Di nya ako pinilit? Dahil ba ito sa mataas na score nya sa exam? Haahaha! Nakakatawa.

"Sige aalis na ako baka humaba pa ang pila doon." Napatitig ako sa kanya ng biglang kumapit yung kamay ko sa kamay nya. Ano to? May sariling buhay ba yung kamay ko?

"S-sasama na pala ako,m-may bibilhin akong libro." Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko,bigla ko nalang pinigilan si Chelsy na umalis. Bakit? Para saan? Hmmmm.... Sabagay bibili naman talaga ako ng libro kaya wala dapat akong isipin tungkol doon.

Tinanggal ko ang kadena sa bike ko at sumbay kay Chelsy papunta sa bookstore.

Nasaharap kami ng bookstore para mamili na ng libro pero hahakbang palang ako ng biglang humarang sakin si Chelsy.

"Bakit ka ulit sumama?" Nakita kong namumula sya ng tanungin nya ako.

"Bibili ng libro,bakit?" Mahinahon kong sagot. Bakit? Ano bang sagot ang gusto nya?

"Talaga? O baka naman magkikita kayo ni Kiara?" Nakapameywang sakin si Chelsy.

Sumilip ako sa likuran nya at nakita ko si Kiara na nasa loob na ng bookstore. Tama si Chelsy nandyan nga si Chloe,book sale siguro kaya nandito siya.

"W-wala,nagkataon lang siguro. Bakit nag seselos ka ba?"

"Oo." Narinig kong bumulong siya sa gilid nya.

Tumitig ako aa kanya ng walang reaksyon kaya napatingin ka sakin.

"Bakit?"

"Sa susunod na bubulong ka siguraduhin mo na walang makakarinig."

Umalis ako sa harap nya at tuluyang pumasok sa loob.

"Teka lang Kenneth! Intayin mo ako." Narinig ko pa syang sumigaw ng makapasok ako.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon