"Eh pano kung ang i-report nalang natin yung bird flu na kumakalat?" Suhesyon ni Kiara na mukhang siya ang leader ng grupo. "Ok lang ba yon Kenneth?"
Napaharap ako sa kanya ng tanungin nya ako. "Pwede naman."
She making her move para dumikit sakin. Ang hirap talaga pag si Kiara na at si Chloe na ang nakaharap ko.
"How about..... Yung bird flu ang i-report natin?" Ulit ni Kiara.
"Bird flu nga ang i rereport."
Nakitang kong namutla si Chloe ng sabihin yon ni Kiara,siguro nahiya sya? Di kasi nakikinig."Wala ba tayong manila paper na pag susulatan ng report? Kung di pa tayo mag susulat ngayon baka di tayo makapag report kasi next subject na natin ang A.P." Mabilis naman silang kumilos ng sinabi ko iyon. Di ba nila naisip yon? Kung di pa ako mag sasalita di pa sila gagawa.
"Here!"
Inilapag ni Chloe ang manila paper habang si Kiara naman ay naglabas ng marker pen.
Napaisip nalang ako sa sitwasyon namin.... Kami lang bang tatlo ang magkakagrupo dito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko pa ang iba kong ka-group, walo kami pero lahat sila walang ginagawa. Unlike kayna Kiara at Chloe na supportive sakin.
Nagsulat ako sa scratch paper about sa news na bird flu,ang alam ko laganap na ito sa pilipinas kaya karamihan sa mga manok ay pinapatay at binabaon sa hukay.
Wait.... Kung may bird flu na kumakalat ngayon..... Ibig sabihin yung chicken sandwich na ibibigay sana ni Chelsy sakin ay may flu? God! Sabi na nga at may masamang epekto yun sakin.
"Nandyan na si ma'am!" Sigaw ng pabida naming classmate.
Tsaka lang ako natauhan ng sumigaw ang bida-bida. Teka! Di pa nila naiisulat ito sa manila paper. Agad kong ibinigay kay Kiara ang papel para malipat sa manila paper alam kong mabilis syang magsulat.
"Bilisan mo ang pag susulat." Bulong ko.
Tumango sya sakin bilang sagot.
Habang nagrereport ako ay biglang umubo si Kiara kaya nagtinginan ang lahat sa kanya.
"Kiara OK ka lang ba?" Mahinang tanong ni Chloe rito.
"Baka nahawaan ka na ng bird flu?" Tanong ng nasalikod nila.
"OK nga lang sya diba?!" Tumaas ang boses ni Chloe na halatang nagalit sa sinabi nito.
"Class please quite.... Continue Kenneth." Suway ni ma'am.
Sinunod ko nalang si ma'am para matalos ko na ito,and hirap talaga pag ako na and nag rereport pakiramdam ko walang nakikinig sa akin kaya minsan feeling ko nahawaan na sila ng bird flu. Pero impossible kasi di nakakahawa ang bird flu.
Matapos kong mag report ay napansin ko nalang na ubo ng ubo si Kiara kaya nagtinginan and mga kaklase namin.
"Chloe dalhin mo na kaya si Kiara sa clinic."
"O-ok l-lang ako." Patuloy parin ang pag ubo ni Kiara pakiramdam ko susuka na sya ng dugo.
"Tara na Kiara sa clinic baka kung ano pang mangyari sayo." Inakay ni ma'am Ruby si Kiara palabas ng classroom.
"Nakakatakot naman si Kiara,baka naman may bird flu sya."
"Omg! Ayaw ko pang mamatay!"
Naririnig ko ang mga bulungan ng ilan kong kaklase kaya hindi na mapigilan ni Chloe na sigawan ang mga ito,buti nalang at kasama ni ma'am si Chloe sa palabas.
"Ano ba! Narinig nyo naman ang sinabi nya! Ok lang sya!" Nakapameywang pa itong humarap sa kanila.
"Naniniguro lang kami Chloe. Dalikado na baka mag kahawaan pa tayo." Sagot naman ng isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Подростковая литератураPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...