42nd Period

82 5 0
                                    

(Wooh! Parang dati ko lang sinulat yung 31st period tapos nandito na ako sa 41st period! Grabe! Palapit na ng palapit ang pagtatapos ng Campus Crush at sana hanggang sa huli ay basahin niyo ito. Aasahan ko yan at aabangan ko kayo sa last chapter nito. ~John_Pen)

*Third Person's P.O.V*

Umuwing luhaan si Chelsy sa kanilang apartment, pinili nalang niyang maunang umuwi dahil sa labis na kalungkutan. Hindi na niya kinaya ang mga nakita niya. Gusto niyang kalimutan ang lahat ng nakita niya pero di niya magawa. Ang tanging magagawa nalang ni Chelsy ay matulog at ipahinga ang kanyang sarili. Pipilitin niyang kalumutan ang nakitang halikan nina Kenneth at Kiara.

"Ok ka lang ba talaga?" Tanong ulit ni Jimmy sa kay Chelsy.

Mabuti nalang at nandyan si Jimmy para I-comfort si Chelsy, masyado talagang nag aalala sa kanya si Jimmy feeling niya ang special niya pag siya ang umaasikaso dito.

"O-ok lang. Sorry naabala kita, kulang na kasi yung dala kong pera kaya wala na akong mapuntahan sina Dexter at Eunice kasi ay pagkain lang mga dala."

"Wag mo na akong masyadong ka-isipin. Tulong ko na rin sayo yon dahil alam kong masama ang nangyari sa bonfire party." Mabilis siyang niyakap ni Chelsy bilang pasasalamat.

Papasok na si Chelsy ng gate nang biglang tawagin ito ni Jimmy. "Nandito lang ako." Tsaka niya pinagpatuloy sa paglalakad.

Napangiti naman si Chelsy bago tuluyang pumasok ng gate.

---***---

Alas-syete na ng gabi nang matapos ang bonfire party at ang lahat ay masayang masaya dahil maganda ang takbo ng oras nila. Samantalang si Kenneth ay hindi malimutan ang nangyari kanina. Paano niya haharapin si Chelsy? May mahalaga din siyang sasabihin dito pero nabigo siya.

"Hoy Kenneth, inaatake ka na naman ng sakit mo." Nagulat nalang siya nang bigla siyang akbayan ni Dexter na katabi lang niya.

Natigil ito sa pag iisip at para kausapin si Dexter.

"Bat hindi sumabay si Chesly sa atin?" Tanong nito.

"Ewan ko, hindi ko nga din siya nakita pero sabi ni Jimmy sa akin kasama daw niya si Chelsy. Baka naman sumabay na siya sa pag uwi at inaatok na siya." Paliwanag ni Dexter.

Nag aalala tuloy si Kenneth sa kung anong mangyayari bukas, gusto niyang ipaliwanag sa lahat na wala siyang alam sa ginawa ni Kiara. Ayaw niyang lumayo ang loob nito dahil lang sa maling akala nito.

*Dexter's P.O.V*

Bat parang patagal nang patagal ay pa-wirdo ng pawirdo ang mga kasama ko. Kagabi lang ginagawa yung bonfire party pero ang parang ang daming nangyari. Tama naman yung ginawa ko diba? Ginawan ko naman yung dapat kong gawin.

~Flashback~

Nakatago ako sa damuhan at inaabangan ang pagkikita nina Chelsy at Kenneth, grabe ang daming lamok dito ako pa ang na-pupurwisyo sa pa-utot ni Chelsy mag sosorry lang naman, kailngan speacial?

Sa ngayon kasi ay si Kenneth palang ang nadoon at hinihintay siguro si Chelsy. Nasaan na ba ang babaeng iyon?

Hinubad ko muna ang salamin ko dahil may tumulong kung ano dito, ang hirap tanggalin parang ipot ng gagamba itong pumatak sa salamin ko. Medyo blurry na ang paningin ko dahil sa pagkakatanggal ko ng salamin pero naaninag ko pa naman ang paligid, di nga lang malinaw.

Napaharap ako sa pwesto ni Kenneth nang maaninag ko na may kasama na siya. Ito na marahil si Chelsy. Agad kong sinuot ang salamin ko at pinatugtog ang music na sinabi sa akin ni Eunice.

"Ayos." Bulong ko at umalis na ako sa kinaroroonan ko.

---***---

Ang hirap namang intindihin ng mga ugali nila, ako yung naiipit e. Hay! Mukhang ako nalang mag aadjust sa kanila total sila din ang nag aadjust para sa akin.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon