32nd Period

81 7 0
                                    

2 days after

*Jimmy's P.O.V*

Makalipas ang dalawang araw ay nahatulan si Micheal sa salang pagpatat at pangloloob. Di ko na inalam kung ilang taon din siyang makukulong ang mahalaga ay nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng lola ko.

Ngayon ay nakaburol ang bangkay ng lola ko diyo sa bahay. Gusto kong sa huling araw niya dito sa mundo ay gusto kong makita ang bahay na ilang taon naming tinirahan.

Maraming nakiramay sa pagkamatay ng lola ko at isa na don si tatay na couch ko.

"Pa... p-pasensya na po sa nangyari kay lola." Naka tungo kong sabi sa kanyan.

Natatandaan ko pa ang huli naming kita, nag eensayo ako sa kasama siya at simula noon naging busy na siya. Ngayon ko nalang ulit siya nakausap dahil sa nangyari. Sigurado akong galit na galit ito dahil naging pabaya akong anak at apo.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa mukha ko at unti-unting iniharap sa kanya. "Ok lang Jimmy. Hindi mo naman siguro ginusto itong mangyari ito sa lola mo. Diba?" Umiling ako bilang sagot. "Ito na siguro ang oras ng lola mo, di nga lang sa maayos na paraan. Pero kahit na wala ang lola mo, sigurado akong sinusubaybayan ka niya ngayon." Dito na nangsimulang tumulo ang mga luha ko sa magkabila kong mata.

Di ko lang talaga matanggap na wala na si lola.

"Basta ito ang lagi mong tatandaan..." nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Nandito lang ako sa tabi mo para alagaan ka..." hinaplos-haplos pa niya ang likod ko na parang bata. "Anak."
Sandaling natigil ang paghihinagpis ko nang marinig ko ang salitang 'anak' sa sarili kong ama. Hindi ko yon inakala, kasi ni minsan ay hindi ko narinig ang salitang iyon at nasanay na akong tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Salamat po.... papa" at tsaka ako gumanti sa pag yakap sa kanya. Ninanamnam ko ang posisyon naming ito. Dahil mahigit 15 years, pakiramdam ko ay wala akong amang tinuring. At ngayon, heto na siya magpapaka-ama na siguro siya sa akin matapos ang nangyari.

Ilang minuto rin kaming nagyakapan bago siya kumalas. Maraming tao na ang nagpapasukan kaya nakaramdam ako ng hiya dahil pakiramdam ko ay nakatingin sila sa amin habang nagyayakapan kami ni papa.

Sandaling lumabas si papa para daw magpahangin at para salubungin ang mgs taong pumapasok kaya ako ang naiwanag mag babantay sa labi ng lola ko.

Umupo ako sa harapan para masilayan ko ang kabaong ni lola. Maputi ito at napupuno ng bulaklak. May tig isang kandila ang naka sindi sa tabi ng kabaong. Maganda ito para sa akin dahil si papa ang bumili ng kabaong alam kasi nito na wala akong sapat na pera para ipambili ng kabaong, pati na rin ang bayad sa purinarya ay siya na din ang gumastos. Napakabait naman pala nitong si papa, nakikita ko na ang pagiging responsable niyang anak at ama.

"Jimmy?" Narinig ko ang pangalan ko na nagmula malapit sa pinto.

"Chelsy?" Nagulat ako nang makita kong si Chelsy pala ito.

Paano niya nalaman ang tungkol dito? May nagsabi ba sa kanya?

"Bakit ka nadito?" Tanong ko.

"Nakikiramay ako sa lola mo. Naglalakad kasi ako tapos nadaanan ko ang bahay niyo tapos nakita kong naraming tao ang pumapasok kaya sinilip ko kung bakit." Paliwanag niya.

Naka-uniform pa siya at mukhang katatapos lang ng klase.

Inaya ko siyang umupo para makipag kwentuhan at gusto ko rin siyang makasama kahit ilang oras lang.

"Kaya naman pala ilang linggo ka ring di pumasok. Hindi ko rin ma-contact ang phone mo kasi cannot be reach daw." Sabi ni Chelsy sakin. "Ano bang nangyari?"

Bigla akong napatingin sa kanya at ikinuwento ko ang lahat ng nangyari. Nalaman din niya na pumunta ako sa soccer game pero di ko sa kanya sinabi na nakita ko si sila. Ayaw kong maisip niya na siya ang dahilan kung bakit ko iniwan si lola dito sa bahay. Baka ma-guilty siya na siya pala ang may gawa nito.

"Bat hindi ka namin nakita?"

"Baka naman nagkasalisi tayo?" Matipid kong sagot.

Nag nod lang ito sakin habang dumadampot ng ilang biscuit napagod siguro ito sa paglalakad.

"Kumain ka lang diyan ha... wag mo lang ubisin yang tinapay." Biro ko sa kanya. Napatingin naman siya sa biscuit na kinakain niya na iilang piraso nalang ang natitira.

Balak pa niyang ibalik ang kakain niya biscuit pero pinigilan ko siya.

"Di ka naman mabiro. Marami pang makakain diyan pwede ka pang magtakaw. Haha!" Napa halakhak ako sa tawa dahil sa facial expression niya na di ko mawari kung nahihiya ba o parang natatae.

Mabuti nalang at dumating si Chelsy dito, kahit papaano ay napapawi itong kalungkutan ko at bagyanh nawawala sa isip ko ang pagkawala ni lola.

*Kenneth's P.O.V*

Bat wala pa si Chelsy? Malakas na ang ulan at sigurado basang basa na siya sa ulan. Nakapagtataka naman, madilim na pero di ko pa siya napapansing pumasok ng gate. Saan nanaman kaya nag susuot itong babaeng ito.

Konti nalang mababasa na ako ng ulan. Kanina pa ako nasa labas ng apartment para hintayin si Chelsy. Baka kasi kung anong mang-- arrrgg.... never mind. Tatawagan ko nalang siya.

Kukunin ko na ang telepeno ko nang may narinig akong babaeng may kausap sa telepono.

"Oo... nandito na rin ako sa apartment, wag ka ng mag alala. Ang oa mo rin e." Si Chelsy at sigirado ako kung sino ang kausap niya, si Jimmy.

Naglalakad lang siya patungo sa kinaroroonan ko. Syempre nasa gate ako e. Mukha namang nag enjoy siya habang kasama si Jimmy. Hindi naman siguro halata sa mukha niya.

"Bat gabi ka na?" Tanong ko agad sa kanya bago siya maka apak paloob ng gate.

"Naglakad ako diba?" Sagot niya.

"Sino yang kausap mo?"

"Si Jimmy... at may nalaman ako, ngayong hapon lang." Wala akong pakealam kung ano mang nalamam niya patungkol kay Jimmy. "Namatay na pala ang lola niya noong nakaraang dalawang linggo." Pagliwanag niya kahit wala siyang pahintulot. Pero nagulat ako sa sinabi niya, kaya pala ilang linggo ding hindi nakapasok si Jimmy.

"E ikaw? Anung ginagawa mo dito?" Pag uusisa niya sakin.

"Nagtatapon ng basura." Ipinakita ko sa kanya ang trashbag na naglalaman ng iilang pirasong papel na itinapon ko.

"Ang dami ha?" Sabay pasok niya sa gate.

Hmmmp... never mind. At least alam ko na safe pala siya at walang nangyari. Di ko alam ang gagawin kung malalaman kong may nangyari sa kanya. Di ako patutulugin ng konsensya ko pag nangyari iyon dahil---- never mind.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon