37th Period

83 8 0
                                    

*Chelsy's P.O.V*

"Oh anak? Bakit naka busangot ang mukha mo? Masama ang ganyan baka pumangit ka." Ito agad ang sumalubong sa aking nang pumasok ako sa apartment.

Naku! Pinapairal nanaman ni mama yung pananalig niya sa mga pamahiin.

"Ok lang po ako ma. Naka singhot lang ng usok ng jeep." Palusot ko dito kahit impossibleng mangyari dahil naka tricycle ako.

"Kumusta naman yung bonfire party nyo next week?" Tanong ni mama habang nag hahain ng pagkain.

Oo nga pala. May bonfire party kami next week at dapat paghandaan ko na ito,teka? Pano kung... doon ako humingi ng tawad kay Kenneth? Tama! Good timing yon dahil busy ang mga tao doon. Tama,tama.

"Opo ma! Salamat po! Di na po ako kakain." Tumakbo na ako sa kwarto ko at mabilis akong nagbihis ng pantulog.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-chat si Eunice. Gusto ko kasing mag desisyon kasama siya,damay siya dito e.

C:Eunice,mag usap tayo!

E:Ha? Para saan?

C:Next week na ang bonfire at gusto kong mag sorry tayo sa kanya. Anong gusto mong gawin?

E:Ha? Bakit may gagawin pa? E mag sosorry lang naman tayo. Hay naku Chelsy.

C:Basta! Anu ka ba? Kung mag sosorry tayo dapat special para ma-feel niya na sincere tayong nag sosorry sa kanya.

E:Hmm... Bahala ka? Mag pa-flower ka kaya? Ang bongga non!

Napa-isip ako sa message ni Eunice. Flower? Napaka oa naman, parang niligawan ko si Kenneth. Mag mumukhang ako pa yung lalaki.

C:Di ko type yung flowers mo. Isip ka pa.

E:Ang sakit sa brain ha? Subukan mo yung fireworks?

Fireworks? Hmmm... ano? New year? Ang hasel naman sa pera. Masyadong magastos kung bibili pa ako ng paputok.

C:E kung... tugtog nalang? Yung slowdance music? Tama ba?

E:Siguro? Pero parang ang romantic.

C:Tumpak! Yun na ang point ko. Gusto ko medyo romantic yung paghingi ko ng sorry.

E:Ang lakas ng trip mo. Ikaw din pala ang makaka-isip ng gagawin.

Hindi na ako nag reply kay Eunice dahil natauhan ako sa sinabi niya. Tama siya, bat pa ako nagtanong kung ako din ang makakasagot. Hay! Nakaabala pa ako.

Humiga ako sa kama at huminga ng malalim.

Ano kaya ang kalalabasan ng mga gagawin ko? Sana maganda ang panahon, sana walang estorbo.

Nagtaklob ako ng kumot at taimtim na ipinikit ang aking mga mata.

---***---

Maganda ang ihip ng hangin at tamang tama ito para gawin ang aking balak. Nasa kalagitnaan na pala ako ng bonfire party at abala ang lahat sa kasiyahan.

"Bat mo ako pinapunta dito Chelsy?" Nagtatakang tanong ni Kenneth sa akin.

Kinakabahan ako. Baka mapahiya ako.

Nakita kong nasa likod si Eunice na mukhang support sa gagawin ko. Aba! Dapat lang! Siya may gawa ng ulo oh.

"K-Kenneth m-mag s-sorry l-lang a-ako..." nakatitig lang siya sa akin habang ako'y nag kakanda-utal utal na sa pag sasalita. "...tungkol sa di pag kakaintindihan natin. Sana mapatawad mo kami ni Eunice sa nagawa naming kalokohan."

Pagkasabi kong iyon ay biglang tumugtog ang speaker na naka-tago sa damuhan. Maganda ang tunog nito na para kang nasa school prom. Sobrang romantic talaga.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon