6th Period

239 21 6
                                    

Third Person's P.O.V

Tahimik lang si Chelsy na nag lalakad kasama si Eunice patungo sa kanilang classroom. Napansin naman ni Eunice ang pagiging tahimik ni Chelsy dahil sa hindi ito nakikinig sa kanyang mga kwento.

"May problema ba, Chelsy?" Nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

Nagulat si Chelsy nang tapikin ni Eunice ang balikat niya kaya naman napatingin siya dito.

"Pasensya na. May sinasabi ka ba?" Matamlay na tanong niya.

Napa-buntong hininga nalang si Eunice sa inasal ni Chelsy, pakiramdam niya ay napaka-bigat ng problema ng kanyang kaibigan kaya siya nagkakaganito.

"Bakit ba napaka-lalim ng iniisip mo? Share mo naman sa akin." Aniya kay Chelsy.

"Malapit na kasi ang birthday ni Kenneth, hindi ko alam kung anong ireregalo ko sa kanya." Matamlay ulit niyang sagot sa tanong sa kaibigan.

"Sus maryosep, Chelsy! Dahil lang don malulungkot ka?" Gulat na gulat na tanong ni Eunice.

"Bakit? May alam ka ba tungkol sa mga gamit pang-lalaki?" Kunot noong tanong ni Chelsy.

"Wala pero ang kasama mo ngayon ang pinaka-magaling mamilo ng regalo sa buong campus!" Taas noo niyang pagmamalaki kay Chelsy sabay akbay sa balikat nito.

"Seryoso ka ba diyan, Eunice?" May halong pag-tataka pa si Chelsy nang tanungin niya iyon. Gusto kasi niyang maging espesyal ang regalonh ibibigay niya kay Kenneth at gusto niyang makitang naka-ngiti ito kahit ilang segundo lang.

Hindi na nasagot ni Eunice ang tanong ni Chelsy nang biglang tumunog ang school bell kaya nag-mamadali silang pumasok ng classroom dahil baka maabutan sila ng princip na nag-uuli sa buong campus after recess.

Agad na bumungad sa kanilang dalawa ang halos mapaos na kasisigaw na si Kiara.

"Hoy! Ano ba kayo?! Sumali naman kayo sa sport fest kahit isa lang sa inyo!" Nag-mamakaawang sigaw ni Kiara pero parang walang nakikinig sa kanya dahil sa mga magugulo niyang mga kaklase.

Tumigil sa pag-sigaw si Kiara nang makita niya sina Eunice at Chelsy na kakapasok lang ng classroom. Lumapit ito sa dalawang dalaga na umiinom ng tubig dahil sa pagtakbo.

"Eunice, Chelsy! Sasali ba kayo sa sport fest?" Tanong niya na halata na sa kanya ang pagiging pagod dahil sa gulo gulo niyang buhok.

Umiling lang ang dalawana sinyales na ayaw nilang sumali, ang totoo nga ay wala silang pakialam kung magkakaroon ng sport fest, ayaw talaga nilang mag-participate kaya naman malungkot na nilisan ni Kiara ang pwesto nina Chelsy at tumabi sa upo ni Chloe.

Problemado si Kiara kung ano ang dapat niyang gawin para makumbinsi ang mga kaklase niya na mapasali sa sport fest dahil kung hindi ay mapapagalitan siya ng kanilang P.E teacher. Sa sport fest kasi nakasalalay ang grades ng buomg klase. Pag walang sumali, wala silang grades na makukuha.

Biglang tumahimik ang buong klase nang biglang dumating ang P.E teacher nila at halatang galit ito. Sumenyas ito palabas ng classroom upang papuntahin ang lahat sa field.

"Bakit ayaw niyong lahat makipag-participate sa sport fest?" Galit nitong tanong sa mga estudyante habang isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga ito.

Isa-isa niyag pinahanay ang mga estudyante sa field para ibabad sa initan. Desidido talaga ang guro na pasalihin ang mfa estudyante niya da gaganaping sport fest.

"Gumawa kami ng panibagong patakaran para mapasali ang bawat isa sa inyo." Anunsyo niya.

"Kung sino ang mga sasali sa inyo ay pasado na agad sa periodic test ng P.E at kung papalarin kayong manalo ay magkakaroon ng premyo ang bawat myembro ng isang pares ng sapatos worth three thousand pesos for boys. Sa mga babae naman ay ang magiging premyo ay diamond watch worth five thousand pesos."

Nag-hahong gulat at tuwa ang nsging reaksyon ng lahat nang marinig ang sinabi ng kanilang guro. May ilang nakapag-desisyon na sa pagsali nila, may ialn namang nag-dadalawang isip sa pag-sali

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon