*Kenneth's P.O.V*
"Nasa Hospital si Kiara?" Sigaw ni Chloe na kakapasok lang ng classroom.
Masyado syang nag aalala doon sa babaeng yon,napapansin ko na din kay Kiara na masyado siyang buntot ng buntot sakin parang Chelsy lang nung 2nd day ko dito. Pero kumusta na ba si Chelsy? Bored na yata yon don lalo na't wala sina Eunice. Nakita ko lang sila kanina na lumabas ng classroom,saan kaya sila pupunta? Di manlag ako tinawag.
Napansin ko yung bag ni Chelsy na bukas kaya lumapit ako dito para sarhan pero bago ko sarhan ito ay may nakita akong libro sa loob. Palihim ko itong kinuha,im sure mag hihinala sila na mag nanakaw ako pag nakita nila ako sa ginawa ko.
"The Unconditionally Love?" Ito ba yong libro na binili nya sa bookstore noong magkasama kami? Hah. Adik din pala siya sa mga love story.
"Kenneth ano yan?" Nagulat ako ng makita ko saking tabi si Chloe.
"Wow! Hilig mo rin palang mag basa ng ganyang story. Tulad pala kayo ni Kiara." Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Sa totoo lang ayaw ko ng ganitong story mas gusto ko pa ng mistery/thriller kasi mas exciting pa ang mag solve ng mga problem kaysa sa mabasa ang iba't ibang uri ng love.
Tumayo ako para makalayo kay Chloe,siguro mag sasabi nanaman yon kay Kiara na gusto ng love story kahit ayaw ko.
Ewan ko pero biglang nalang akong naglakad kung saan ko gusto,kung saan ako dadalhin ng mga paa ko hanggang sa nasa harap na ako ng announcer's room. Dahan dahan kong binuksan and pinto at saktong walang tao. Umupo agad ako at tumapat sa Microphone nagsimula akong magbasa sa may nakalagay na bookmark page 36.
"Ang kwetong aking babasahin ay pinamagatang 'The Unconditionally Love'" Binuklat ko ang libro kung saan nakalagay ang bookmark
"Chapter 10: Aliza P.O.V
Ang mga hangin na dumadampi sa aking pisngi kasabay ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan,hindi ko alam kung paano ako mag sisimula. Matapos akong iwan ni Franco,anung ginagawa kong mali at iniwan lang niya ako ng basta-basta?"Di ko maintindihan yung kwento. Bakit? Anung nangyari kay Aliza? Karelation ba nya si Franco? Babasahin ko na ang isang page ng bimukas ang pinto at pumasok ang isang guro.
"Hoy! Paslit! Anung ginagawa mo diyan!? Umalis ka na diyan! Tumigil ka na sa mga kalokohang ginagawa mo!"
Mabilis kong kinuha ang libro at tinago ito sa jacket ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong hinila ng teacher palabas ng silid papunta sa faculty. Nakita ko pa ang expresyon ni Ma'am Ruby ng makita ako na kinaladkad ng isang guro.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulantang na tanong ni ma'am Ruby. Well... Di na ako mag tataka kasi firstime ko.
"Yang estudyante mo,pumunta sa announcer's room ng walang paalam at puro kalokohan pa ang pinag-iiimik!" Pabulyaw ng guro habang tinuturo ako.
"S-sorry po mr.principal di na po mauulit." Napatingin ako sa teacher na kumaladkad sakin.... Principal siya?
Nakita ko nalang na lumabas and principal,grave di ko akalain na principal ang sumaway sakin at kumaladkad dito,nakakahiya naman.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...