*Kenneth's P.O.V*
Ano bang nangyayari kay Chelsy? Bakit niya ako iniiwasan? Dahil ba ito sa nakita niya? Magpapaliwanag sana ako kaso palagi siyang umaalis. Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap ko si Chelsy. Kailangan ko ng tulong sa unang pagkakataon.
Tinatahak ko ang daan patungo sa classroom dahil katatapos ko lang kumain sa canteen. Sina Chelsy? Hindi na sumasabay sa akin, kinabukasan pagkatapos ng bonfire party. Nakokonsensya ako, dapat hindi na ako nagpadala kay Kiara.
Papasok na ako sa classroom ng makita ko si Dexter na kausap si Jimmy, ang saya nilang dalawa habang nag uusap. Naiinis din ako dito kay Jimmy, bigla nalang siyang lumalapit kay Chelsy. Hindi ako palayag na makuha niya si Chelsy sa akin, naalala ko pa yung mga sinabi sa akin ni Jimmy nung maiwan kami sa canteen dahil pumunta sina Chelsy sa clinic para tignan si Kiara.
*Flashback*
"Gusto ko si Chelsy." Naudlot ang pag-alis ko nang sabihin ni Jimmy ang mga katagang iyon.
Tumingin lang ako sa kanya at ngumisi dito ng nakakaloko.
"Kung akala mong nag loloko ako. Pwes, sasabihin ko na ito habang maaga pa. Mahal ko si Chelsy at seryoso ako doon." Sabi niya sa seryosong mukha.
"Ayaw ko ng gulo pero hindi mo makukuha sakin si Chelsy, at seryoso din ako doon." Tinalikuran ko na siya at itinuloy ko na ang pag alis ko sa canteen.
Hindi ako makakapayag na mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.
---***---
"Kenneth nandyan ka na pala!" Sigaw ni Dexter sa akin habang kinakaway ang kamay.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay dumiretyo lang ako papunta sa upuan ko. Nakita kong nandito na rin si Eunice kasama nito si Chelsy na hanggang ngayon ay bakas parin ang lungkot dahil sa nakita.
Napansin kong ang sama ng tingin sa akin ni Jimmy, gumanti rin ako ng tingin sa kanya pero nanalo naman ako nang umiwas na siya ng tingin.
Ramdam ko parin ang kirot sa kaliwa kong pisnge dahil sa pagkakasuntok sa akin ni Jimmy. Mabuti nalang at hindi ito nakita ni Chelsy dahil nakatalikod ito sa amin. Bwisit na lalaking iyon. Masyadong pabida.
"Eunice samahan mo ako sa canteen bibili ng tubig." Mahinang wika ni Chelsy kay Eunice.
Tatayo na siya pero hinawakan ko siya sa braso. Ramdam ko ang gulat niya dahil sa biglang alog nito.
"P-pwede ba tayong mag-usap?" Kinakabahan ako sa magiging sagot ni Chelsy sa mga oras na ito. Nakatingin lang sa akin sina Dexter, Jimmy, at Eunice na nakahanda na para umalis.
"May pupuntahan kami. Wag muna ngayon." She said with her cold voice.
Pwersahan niyang hinila ang kamay niya kaya nabitawan ko ang braso niya.
Natulala lang ako sa nangyari. Ibang iba na siya sa dating Chelsy na nakilala ko, yung tipong habol ng habol sa akin, yung palagi kong kasama sa pag-uwi. Lahat yon nagbago at nawala. Kasalanan ko ang lahat ng ito, ako may kasalanan kung bakit siya nagkakaganyan.
Tumayo ako para magpahangin sa labas at isasama ko dito si Dexter, hinila ko ang polo niya nang walang paalam. Alam ko namang sasama siya sa akin, kailangan ko rin ng makakausap at mahihingan ng tulong sa unang pagkakataon.
Hila-hila ko si Dexter hanggang sa makarating kami sa rooftop, doon lang kasi tahimik at walang estudyanteng tumatambay.
"Hoy! Ang haras mo manghila! Ano ako stuff toy? Magpaalam ka naman na hihilahin mo ako para handa yung polo ko." Pag-rereklamo ni Dexter sa akin.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...