Natapos ang buong araw at dumating ang araw na kinahihintay ng lahat... Ang sport fest...
Kinakabahan si Chelsy sa mangyayari,kasama nya ang mga kaibigan nya habang pinapanood ang mga lalaking nag lalaro ng volleyball.
"Kaya mo yan Chelsy!" Cheer ni Dexter habang tinutulak papunta sa gitna. Dahil sila na ang kasunod ay kinakabahan na talaga si Chelsy dahil di nya alam kung ano ang gagawin nya.
Nasa gitna na ng court si Chelsy di nya alam na sumunod sa likod si Kenneth para sabihan ito.
"Keep calm and enjoy your game." Anito sabay alis.
Nag simula na ang game at nauna magserve ang kalaban.
Hinagis nito ang bola at pumunta papunta sa grupo ni Chelsy pero sabay... Kinapos ang hagis kaya tumama ang bola sa net...
"1 point for left!" Sigaw ng referee.
Hanggang 12 points lang ang kailangan para maipanalo at makuha ang prize. Nakaabot din sila ng isang oras at nag wagi na ang isang grupo...
"Yeeeeyy!" Nag sigawan silang lahat ng manalo ang grupo ni Chelsy...
"Nice one Chelsy!" Sigaw ni Jimmy na nasa tabi.
"Ang galing ni Chelsy... Apear..." Aniya sabay apear kay Dexter.
Napangiti si Dexter ng dumampi ang kamay ni Eunice sa kamay niya.
Nagpasalamat si Chesly kay Kenneth habang hawak hawak ang prize nya na relo.
Habang si Jimmy naman ay kumuha ng towel at ibinigay kay Chelsy na pawisan.
*Eunice's P.O.V*
Sabi ko na eh.... Di makakatiis si Kenneth na tulungan nya si Chelsy...
*flashback*
"Kenneth... Teka!" Sigaw ko habang hinahabol si Kenneth na nag babike. Syempre nakabike ako para maabutan sya...
Tumigil sya sa kanyang pag babike ng maabutan ko sya.
"Kenneth turuan mo naman si Chelsy... Gusto talaga nyang manalo kasi ung prize na makukuha nya ay ireregalo nya sayo sa birthday mo." Pag mamakaawa ko.
Halatang nagulat sya sa sinabi ko kaya sya umalis...
Nung hapon ay hinintay ko pa si Kenneth kung darating ba talaga sya at awa ng dyos,dumating si Kenneth at nagsimula niyang turuan si Chelsy kahit na hirap si Chelsy sa pag serve palang ng bola.
****************
"Buksan mo na yung box!" Suhesyon ni Dexter na gustong gustong makita ang laman ng box.
Binuksan ni Chelsy ang box at bumungad samin ang kulay pink na relo.
"Bakit kulay pink?" Tanong ko.
"May crystals pa?" Tanong din ni Jimmy.
"Ibigay mo na kay Kenneth.." Sabi ko kay Chelsy.
"Pero lalaki sya..." Pabebe pa ito.
Kinuha ni Dexter ang relo. "E di sakin nalang."
Nagkukwentuhan kami ng biglang tumunog ung phone ko... Alarm pala yon.
"Di ba may homeroom pa tayo? Pede kayang di na ako umattend kasi mag kikita kami papa?" Tanong ko.
"San ako pwedeng dumaan?!"
"Sa Southgate..." Suhsmesyon ni Kenneth.
"Sasamahan na kita." Boluntaryong sumama sakin si Dexter.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...