22nd Period

118 14 1
                                    

*Chelsy's P.O.V*

"Uy Chelsy birthday mo na pala? Anung gusto mong gift samin?" Biro ni Dexter.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang salitang birthday...

"A-ako? B-birthday ko?" Nauutal ko pa pang tanong,yung totoo tao ba talaga ako? Pati sarili kong birthday nalimutan ko na kaiisip kay Kenneth.

"Sarili mong birthday di mo alam? Eh nitong nakaraang araw nag paparinig ka na ng regalo mo dahil malapit na birthday mo tapos ngayong birthday mo na ikaw pa ang nakalimot?" Nag flashback lahat ng nakaraang araw. Yung nasa classroom kami tapos nagparinig ako kayna Eunice na kahit Hello Kitty lang na stufftoy. Pero wala akong narinig na sagot.

"Kung ganon..... Nasan na yung gift mo sakin." Napaatras sakin si Dexter na parang ngayong lang akong nakausap.

"M-minsan ang w-wirdo no talaga." Lumapit ako sa kanya nang nakalahad ang kamay sa kanya,mukha tuloy akong palaboy.

"Wala....." Tumakbo papalayo si Dexter habang ako ay naka steady lang sa posisyon ko. Natakot ba siya? Kung wirdo ako,mas wirdo siya,nanghihingi lang ng regalo tinakbuhan na ako.

Pagdating ko sa classroom ay napansin ko agad si Dexter na pilit na kinakausap si Eunice,nagkagalit nanaman siguro yung dalawa.

Tumabi ako kay Eunice at nag tanong kung bakit di niya kinakausap si Dexter pero ang sagot niya ay wala lang. Grabe talaga tong dalawang to... Dinaig pa yung mag asawa.

Nakits kong kinuha ni Eunice yung tubigan Nita at hinila ako palabas ng classroom,hindi ko na talaga maintindihan yung mga kaibigan ko,kung saan saan nalang ako hinihila.

Kagaya ng pagkahila sakin ni Dexter pero this time mas malala ito. Kulang nalang ay maputol yung kamay ko sa pagkakahila ni Eunice sakin.

"A-aray! San mo ako dadalhin?" Di siya sumagot sa akin hanggang sa tumigil kami sa water refilling station.

Sabagay,tubigan. Walang laman kaya mag lalagay? Di ko naisip yon? Pero ang sakit ng pag kakahawak sakin ni Eunice. Mabagal kong hinaplos ang kamay ko at mukhang napansin to ni Eunice.

"Ok ka lang ba?" Lumapit ito sakin.

"Ang sakit kasi nung pagkakahigit mo sakin." Reklamo ko at mukhang natauhan sa sinabi ko.

"Hala! Oo nga! Masakit ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Hawak hawak pa nito yung kamay ko.

"H-hindi. Ok lang ako,gusto ko lang malaman yung sa inyong dalawa ni Dexter. Bakit di mo siya kinakausap?" Nakita ko na namumutla siya at parang di alam ang gagawin.

Tumungin sakin si Eunice at hinawakan ang magkabila kong bilikat. "Ano ba ang gusto mong regalo?"

"Ano ba yan Eunice..... Kinabahan ako sa iyo ih...."
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan talaga ako sa ginawa ni Eunice.

"Happy Birthday Eunice!"

*Dexter's P.O.V*

"Hoy Dexter! Malapit na ang Birthday ni Chelsy." Bulong sakin ni Eunice buti nalang at lumabas si Chelsy ng classroom dahil pag uusapan pa namin yung ireregalo namin kay Chelsy.

"Bakit?" Ngumiti ako sa kanya habang siya ay nakasimangot sa akin. Ang feirce talaga nya kahit kailan.

"Diba malapit na yung concer ng Bts?"

"Oo bakit?"

"Ibili mo kami ng ticket." Inilabas ni Eunice ang pera na nagkakahalaga ng 1500.

"Dagdagan mo nalang bilang birthday gift mo sa kanya."

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon