23rd Period

107 15 1
                                    

*Dexter's P.O.V*

Nagising nalang ako sa aking kwarto habang nakapalibot sa akin sina mama at papa.

"Anung nangyari sayo at nakita ka namin sa gilid ng kalsada?" Nag aalalang tanong ni mama.

"Hindi ka ba nila binugbog o nahirapan ka ba himinga ng mga oras na yon?" Dagdag pa ni papa na halatang nag aalala na rin

"Nakalanghap po kasi ako ng usok Maya nahirapan akong makahinga,wag nyo na po ako masyadong intindihin wala naman pong masyadong nangyari sakin." Pinili kong magsinungaling dahil ayaw kong masyadong nag aalala ang magulang ko nang dahil sakin. Hindi rin ako komportable pag masyadong nakatutok sakin isa rin ito kung bakit ako nabubully ng grupo no Ian.

"Tumulog ka lang diyan at ipagluluto kita ng hapunan alam kong napagod ka sa nangyari." Tumayo si mama at lumabas ng kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni papa.

"Pa? Yung nangyari kanina." Napatingin sakin si papa.

"Inaway ka nanaman ba ng grupo nina Ian?" Napatingin ako kay papa at nakita ko siyang nakangiti.

"Pa,wag mo sanang-"

"Oo,hinding hindi ko sasabihin sa mama mo,baka ma-stroke pa dito. Mahirap na,wala tayong pang bayad sa ospital." Kahit papaano nagagawa parin ni papang humirit ng ganon kahit ganito na ang siwasyon ko. Kapag kasama ko si papa parang kaharap ko lang ang sarili ko,parehong pareho talaga kami ng ugali parang yung mga ginagawa ko sa mga kaibigan ko ginagawa rin niya kay mama kaya minsan nabibwisit ito sa kanya.

Ang sweet diba? Sana ganyan din kami ni Eunice future. Maging katulad nina mama at papa pero mukhang ako mag tatagal dahil sa karamdaman ko. Ahhh... Wag mong kaisipin yn Dexter! Sasamahan mo si Eunice pagtanda.

*****

"Nasan na yung pera?!" Isinadal ako ni Eunice sa pader ng gym at alam kong galit siya sa pagkawala ng pera.

"Nawala ko nga."

Hinawakan ako ni Eunice sa kuwelyo. "Alam mo ba kung gaano kahala ang perang iyon?!"

"Pasensya na Eunice... Babawi nalang ako... Lilibre kita mamaya?" Pwersahan niya akong itinulak sa pader at mabilis na naglakad palayo.

Pano na yan? Anung gagawin ko? Mukhang ilang buwan akong di kakausapin ni Eunice?

Naisipan kong pumunta sa canteen para bumili ng maiinom. Umupo ako sa isang table at nag isip kung ano ang gagawin ko kung sakaling di ako pansinin ni Eunice.

"A-hah!" Napapitik ako ng malakas kaya nagtinginan sakin ang ilang estudyante.

Bilhan ko kaya siya ng Yakult? Baka mawala na yung galit niya. Tsaka kay Chelsy. Babawi ako sa nagawa kong kasalan.

Bumili akong dalawang Yakult at mabilis na pumuntang classroom mabuti nalang di pa nadating si ma'am Ruby.

Nakita ko si Eunice na nakaupo sa tabi ni Chelsy,dahan dahan akong tumabi kay Jimmy ng ngayon ay natutulog pa.

"Eunice oh." Inabot ko sa kanya ang isang Yakult pero para akong hangin na di niya makita.

"Galit ka ba?" Pumunta na ako sa harapan niya pero parang wala ako.

Inihagis ko kay Chelsy yung dalawang Yakult at nakita kong nagulat siya.

"Para saan ito?" Nagtataka niyang tanong.

"Para sa inyo." Tumitig siya kay Kenneth at mukhang ibibigay pa niya ang isa sa lalaking yon.

"Kay Eunice ang isa."

"Kala ko naman sa amin ni Kenneth." Malakas niyang bulong.

Minsan talaga na iisip ko na may sapak talaga si Chelsy,hindi ba niya naiisip na ang lakas niyang bumulong?

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon