39th Period

93 8 0
                                    

*Chelsy's P.O.V*

Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon mabuti nalang at kusang umalis si Kenneth sa pagkakapatong sa akin.

"M-ma, mali po kayo ng iniisip. W-wala po kaming ginagawang masama. Maniwala po kayo!" Giit ko kay mama. Alam ko kasing iba ang nasa isip niya at baka makarating pa ito kay papa.

"Ano bang ginagawa ninyo at napunta kayo sa ganon?" Nagtataka niyang tanong sa amin ni Kenneth.

"Nalaglag po ako kanina sa hagdan tapos yung likod ko nabunggo rin doon." Maikli kong paliwanag.

Tumango tango lang siya na parang malalim ang iniisip.

"A, tita aalis na po ako. Nalimutan ko pong saraduhan yung pinto namin." Sabi ni Kenneth na lumabas na ng silid.

"Ma? May problema po ba? Sinabi ko na po sa inyo na aksidente ang lahat. Hinihilot lang po niya yung likod ko." Sabi ko sa kanya kahit na pakiramdam ko ay hindi siya nakikinig.

"Anak ganito kasi yon. Alam ko namang wala lang talaga yung nangyari kanina, ang piniproblema ko lang ay yung restaurant na pinapatakbo namin ng papa mo." Humigop siya ng hangin sabay bugo nito. "Parang napapagod na din kami sa restaurant na iyon. Ang hina kasi ng benta tapos madalang pang dumaan ang mga tao sa pwesto namin kaya pinag-iisipan namin ng papa mo kung isasara na ba namin yung restaurant."

Nalungkot ako sa narinig kong balita tungkol sa trabaho nina mama. Parang kailan lang nung nagsimula silang magbukas ng restaurant tapos ngayon magsasara na.

"Ok lang yan ma. Pwede mo namang ibenta yung resto tapos mag-Isip nalang tayo ng ibang mapagkikitaan." Suhesyon ko kay mama.

Ayaw kong nakikita si mama na down na down dahil pati ako nahahawa sa kanya. Mother's girl kasi ako kaya di ko maiwasang malungkot pag nasa ganitong sitwasyon, mahirap para sa isang anak ang nahihirapan ang kanyang magulang lalo na't sila ang lakas at insiparsyon nito.

"Naku! Linggo na pala bukas, sisimulan na naming ligpitin yung mga gamit sa resto. Sayang naman yon kung hahayaan lang natin don." Nagsimula ng magbago ang imahe ni mama na aking ikanatuwa.

"Tutulong po ako bukas ma. Wala naman po yata akong gagawin bukas." Pagpepresinta ko sa kanya.

"Diba sa lunes na yung bonfire party nyo? Hindi ka ba mag-hahanda?" Tanong niya sa akin.

Oo nga pala. Yung bonfire party ay sa lunes na kaya kailangan kong paghandaan iyon.

Teka? Linggo bukas? Tama ba yung iniisip ko?

"Ma? Anung date bukas?" Nasasabik kong tanong kay mama.

"May 12. Bakit?" Nanlaki ang mata ko sa nalaman ko.

May 12, Mother's day! Naku! Muntik ko ng makalimutan, mabuti nalang at naalala ko.

Mabilis kong tinungo ang aking kwarto para silipin ang alikansya ko. Yes! May piggy bank ako and in case of emergency binabasag ko ito tapos binubuo ko tapos pag di ko nabuo bibili nalang ako ng bago. Hehe.

Humanap ako ng pang basag sa alikansya ko. Naalala ko yung martilyo ni papa na ginagamit sa pag aayos. Lumabas ako ng mabilis sa kwarto para kunin sa tool box ni papa ang martilyo, nakita ko lang si mama na nag lilinis ng kusina. Paborito talaga niya yung kusina kasi maraming pagkain.

Pagpasok ko sa kwarto at agad kong binasag yung alikansya ko. Medyo marami na, pwede ng pambili ng regalo pero anong ireregalo ko kay mama?

Inisip kong mabuti kung anong ireregalo kay mama, gusto ko yung ma-susurprise siya pag nakita niya yung regalo ko. Gusto ko special para sa kanya.

Campus Crush (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon