Pumunta kami sa kinaroroonan ni Dexter at nakita namin siya na nag iintay sa main gate ng building.
"Manong papasukin mo na ako,may kailangan lang naming gawin." Nag mamakaawang nakayakap si Dexter sa gate.
"Hindi nga pwede at luma na and building. Di mo ba nakikita na abandonado na yan?"
Nakita kong lumapit si Eunice sa dereksyon ni Dexter at hinila ito palayo ng gate.
"Ano bang nakain mo at nag pupumilit kang pumasok dyan?"
"Ito kasi yung binigay na address nung promo kaya dito ako pumunta."
"Ayaw mo kasing maniwala na scam yang pinasok mo? Anung napala mo? Diba wala?" Ani ni Eunice na parang nag aapoy na sa galit.
"Eh,pano yung pera na binigay ko?"
"Wag mo ng isipin yon,ang isipin natin ay kung saan tayo matutulog. Delikado na kung magpalipas tayo ng gabi dito lalo na't malayo ang lugar na to." Sabi ni Jimmy.
"Bawal ba tayong makitulog muna dito?" Tanong ni Eunice.
"Pwede naman... Kung papayag yung guard."
"Wag na tayong mag paalam pumasok na tayo." Ani ni Dexter.
Sumalubong ang malakas na sapok sa ulo ni Dexter galing kay Eunice.
"Aray!" Palahaw ni Dexter.
"Di ka na talaga nag tino. Mag papaalam na nga lang di mo pa magawa. Ang ganda ng ugali mo."
"Wag na kayong mag away dyan. Mag paalam na lang tayo kay manong gu-" natigilan ako ng mapansin kong wala na yung guard sa upuan nya."Teka nasan yung guard?"
"Baka umalis?" Sabi ni Dexter habang hinihimas ang ulo."Sabi ko na sa inyo wag na tayong magpaalam."
"Kung ganon tra na at baka may makakita pa sa atin dito." Suhesyon ni Kenneth.
"Yes sir!" Pang aasar ni Dexter.
Sama sama kaming pumasok sa abandonadong building,sa totoo lang sobrang nakakatakot ang lugar na to. May multo kaya dito? Arrg... Wag mo masydong kaisipin yan Chelsy.... Walang multo ditooo....
"Ok ka lang Chelsy?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Eunice.
"O-ok lang ako. Pumasok lang sa isip ko yung multong napanaginipan ko."
"Wag mo nang kaisipin ang mga ganon. Ikaw baka mag katotoo yan.Ang isipin mo ay meron tayong vacation dito." Ngumiti si Eunice sakin at tsaka hinawakan ang kamay ko.
Tahimik kaming naglalakad hanggang sa tumigil sina Kenneth at Jimmy.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Pwede na yata tayo dito muna magpalipas ng gabi." Sabi ni Jimmy saamin.
"Teka? Dyan tayo matutulog? Anung gagamitin nating ilaw?" Angal ni Dexter.
"Wag ka ngang maarte dyan. Meron naman akong dalang kandila kaya wag kang matakot hmm.." Nakita kong ngumiti sakin at kahit hindi ako ang kinakausap nya ay feeling ko ako yung sinasabihan nya. I feel like im protected with Jimmy. Pero parang iba pag si Kenneth na ang kasama ko,kapag si Jimmy,feeling ko laging protektado nya ako samantalang kay Kenneth im comfortable with him.
"Aalis lang ako." Sabi ni Kenneth sabay alis.
"Saan sya pupunta?" Nag aalala kong tanong.
"Mag papahangin lang siguro. Ay! Teka nalimutan kong magsabi kay mama. Wait lang tatawag lang ako sa kanila." Kinuha ni Eunice ang phone sa bag nya at tumawag sa mama nya. Nakita kong ganun din ang ginawa nina Dexter at Jimmy kaya tumawag na rin ako kay mama baka mag alala yon sakin,wala pa naman akong paalam.
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...