*Kenneth's P.O.V*
Ano to? Bat may chocolate saking bag? Si Chelsy ba nag lagay nito? Siguro.... Kasi sya yung huling nakasama ko bago ako umuwi dito sa bahay.
Speaking of Chelsy..... Bakit ako pumayag sa kanya na tuturuan ko sya? May buhay ba yung dila ko? Nagulat ako ng umo-o ako sa kanya... Pero okey lang,wala na akong magagawa...
"Kanina ka pa ba anak?" Kararating lang ni mama galing sa Market marami kasing dala.
"Kararating ko lang." Seryoso kong sagot.
Sa totoo lang galit parin ako sa mama ko. Simula nung mamatay si papa di na sya nag paramdam kaya nasanay akong mag-isa at kinakausap ang sarili sa salamin. Tapos ngayon darating sya at may dalang batang babae? Kahit paliwanag kung bakit di sya sumipot sa libing ni papa wala... Kaya hanggang ngayon ay nakatanim na sa isip ko na wala syang kwentang ina.....
"Oh? Kumain ka na ba? Ayan may dinala akong pagkain para--"
"Tutulog na ako,maaga pa ako bukas." Dumiretsyo na ako sa kwarto at di ko na sya nilingon.
****
"Kenneth pwede bang magpatulong dito." Ipinakita bi Kiara ang papel nya.
Kinuha ko sa kanya ang papel para turuan sya. Para sakin madali lang abg English,alam kong alam nya ang English... Sya pa na top 2 sa ranking.
"Bakit ka pa nag papatulong eh kahapon lang ikaw ang may pinakamataas na score sa English?" Nag tataka kong tanong.
"Ah-eh... Kasi--" di na nya naituloy dahil tinawag ako ni Chelsy. Napatingin din si Kiara kay Chelsy.
"S-sige Kenneth mamaya nalang..." Namumuo ang pawis nya sa mukha. Ewan ko kung bakit.
"Kenneth? Ang aga mo naman yata?" Sabi ni Chelsy habang papalapit sakin.
"May tinatapos lang ako..." Sagot ko.
"Lagi ka namang may tinatapos.." Narinig ko pa syang bumulong.
"Ikaw bakit maaga ka?" Tanong ko sa kanya.
"Di ba tutulungan mo pa akong mag review sa test."
"Masyadong maaga para dyan."
"Tama.... Inagapan ko para mag review dahil magandang excersise yon." Dahilan nya.
"Depende naman yon kung mag aaral ka ng mabuti at kung.... Makikinig ka ng maayos sa teacher." Pang iinsulto ko sa kanya.
"Grabe ka naman sakin,kaibigan mo ako noh." Halatang na-aasar na.
"Hmmm...... Mamaya nalang pag tapos ka na sa ginagawa mo ha...." Sabi nya sabay upo.
*******
Porsegido talagang makapasa si Chelsy sa 4th periodical exam nila at dahil last year na nila sa school ay ginagawa nya ang lahat matupad lang ang pangako nito sa magulang at guro nito. Kahit wala si Kennth para tulungan ito sa pag rereview ay may sailing sikap sya sa pag aaral. Nag pupuyat sya sa mga assignment nya,ni-re-review nya ang mga subject na kinahihirap nya. Lahat yon ginagawa nya kahit wala si Kenneth.Nagkataon pa na tambak ang mga project at assignment na kailangang gawin..... Minsan nakakatulog na sya sa sobrang puyat dahil sa pag rereview.
Dumating ang araw ng 4th period exam at kinakabahan si Chelsy. Pinag isipan nya talaga ang mga sagot na isusulat nya sa test paper,kadalasan ay nag dadalawang isip sya sa kung alin sa dalawang letra ang dapat nyang piliin.
Tumingin sya sa paligid,nakita nya si Ma'am Ruby na abala sa pagbabantay sa kanila. Nakita rin nito si Eunice na busising nag sasagot at maingat na nag iisip ng tamang sagot. Sa likod naman ay nakita nya si Dexter na nag nag huhula-hula,narinig pa nyang bumulong ito. "Ibigay mo sakin ang tamang sagot ballpen." Dahan dahan nitong binagsak ang ballpen at kung saan ito tumapat ay yon ang isasagot nya. Samantalang si Jimmy ay syang nangongopya lang sa walang kwentang sagot ni Dexter.
Tumingin naman sya sa kinaroroonan ni Kenneth. "Napakadali naman ng test para sa kanya." Bulong ni Chelsy sa sarili. Halata naman kay Kenneth na parang walang problema,kumapara kay Dexter na easy go lucky lang.
Pero kahit ganto ang ganap ng barkada,di sya papatalo,di nya sasayangin ang pag pupuyat nya para dito sa final exam.
*Chelsy's P.O.V*
Nakahinga ako ng maluwag ng makatapos ako sa exam. Grave ang hirap ng exam,baka di ako makapasa nito. Pano na yan.
"OK ka lang Chelsy?" Nag aalalang tanong ni Eunice sakin.
"Pano pag di ako nakapasa?" Nakasimangot ko syang sinagot.
Umakbay sya sa balikat ko. "Kaya mo yan... Nakita kita kanina napaka seryoso mo sa pag sasagot kaya sigurado akong makakapasa ka."
"Sana nga. Teka nasan si Dexter at Jimmy? Tsaka rin si Kenneth." Nag tataka kong tanong. Simula nung lumabas ako si Eunice lang ang lumapit sakin.
"Ako narito." Nagulat ako ng biglang umakbay samin si Dexter.
"Loko ka ah..." Nagulat din si Eunice sa ginawa ni Dexter.
"San ka pumunta Dexter?" Tanong ko.
"Nag pasama si Jimmy sakin papunta sa coach nya." Paliwanag nya.
"Kaya naman pala wala si Jimmy..." Nakatingin sya sakin na parang may mali.
Ahh.... Gets ko na kung bakit ganun sya makatingin. Wala akong feelings kay Jimmy noh.... Ayaw ko lang na may nawawala sa barkada.
Makalipas ang dalawang araw ay ipapakita na ang result ng exam. Kumabog ang dibdib ko pagkagising ko.
"Ma,sa tingin mo matutupad ko yung pangako ko sa inyo?" Wala akong lakas ng loob na pumasok kung di ni mama sasabihin na makakapasa ako.
"Alam mo anak... It depends...." Sabi nya ng walang reaction.
"Ma naman ih...." Nakakainis si mama sya na nga lang ang lakas ng loob ko ganun pa ang isasagot sakin. Di pa pwedeng"anak kaya mo yan..." Per hindi ih.
Umalis nalang ako... Mas nakabubuti pa yon kesa sa humingi ako kay mama ng pantanggal kaba ko.
"Kenneth!" Agad na bumungad sakin si Kenneth na malapit ng umalis.
Tumingin sta sakin ng walang reaktion.
"Hintayin mo na ako... Sasabay nalang ako sayo." Nag madali akong tanggalin ang kadena ng bike ko.
Natanggal ko ang kadena at pumidal papunta kay Kenneth.
"Kenneth... Bigyan mo naman ako ng lakas ng loob para pumasok...." Isa pa rin itong si Kenneth na nagiging inspiration ko... Sya pa!
"Wag ka nalang pumasok ngayon." Pang iinsulto nya sakin.
Ayaw din makisama ng mga tao ngayon. Kailangan ko sila... Una si mama tapos si Kenneth? Grabe naman sila.
Nakarating kami ni Kenneth sa classroom na nag kakagulo sa anouncement board kaya di na ako nag alinlangan na mag tanong sa iba kong kaklase.
"Mark bakit sila nag kakagulo dyan?" Kunwaring mag tataka pero alam ko na kung bakit...
"Nakalagay na dyan ang result.. Congrats at naka rank 11 ka..." Bati ni Mark sakin.
Ha? Ano? Rank 11? Pano? Imposible yan kasi ang hihirap ng mga questions.
Mabilis ako lumapit sa anouncement board para makita kung totoo ang sinabi sakin ni Mark..... At totoo nga! Rank 11 ako.
"Uy Chelsy naka rank 11 ka!" Di makapaniwala si Dexter sa nakita. Napansin ko rin si Kenneth na nakangiti sakin. Congrats to me..... Ahihihi.....
BINABASA MO ANG
Campus Crush (UNDER EDITING)
Teen FictionPapayag ka bang ang 'crush' mo ay crush na din ng buong school? Makakaya mo bang tiisin na makita siyang may iba siyang kasama hanggang sa natuklasan mong parang may iba na siyang gusto. Ano ang gagawin mo? (P.S: Marami po akong pagkakamali sa kwent...