Chapter 26

20 5 0
                                    

KRYSTAL'S POV

First day ko ngayon kaya nakapang civilian pa muna ko. Andito nako sa bangko na pag aari ng tita ko.

"So this is my niece Krystal Aem Dela Vega, she will be with us for 2 weeks, no worries mabait yan. So pare pareho lang kayong pilipino okay? Pantay pantay lang ang trautuhan dito okay?" Sabi ni tita Charlotte agad naman silang nagsitanguan. "This is Nicholas, Ash, Colleen, Pent then Lynie." Isa isa silang naglahad sakin at malugod ko itong tinanggap. "They will assist you for 2 weeks, so be nice to her okay? Maiwan ko na muna kayo."

Pagkaalis ni tita ay agad silang nagsilapitan sa akin at kinulit ako, buti naman hindi sila masungit.

"Ateee gurl you're so pretty!" Puri sakin ni Ash nga ba to? Ah oo! Si Ash ay parang may pagkamalambot pero ang ganda ng features nya, mula sa muka hanggang katawan.

"Ah hehe thank you po." Nahihiya kong sabi. Pabiro naman akong hinampas ni Lynie, ouch ah, medyo masakit yon.

"Ano ka ba! Wag kang mahiya samen! Ang soft mo noh?" May maikling buhok na hanggang batok si Lynie, kayumanggi ang balat pero maganda ang hubog ng katawan.

"H-huh?" Nalilito kong tanong, sunod naman na lumapit sakin si Nicholas, yung lalaking parang may lahing American dahil sa kulay blue nyang mata.

"Pagpasensyahan mo na sila ha? Ganyan talaga sila pag may bago dito, akala mo ngayon lang mga nakakita ng tao hehe." Halata mong shy type si Nicholas dahil napapakamot batok pa sya habang nagsasalita sa harap ko. Agad na may umakbay sakanyang kamay, si Pent. Kung si Nich mukang Americano eto naman mukang Koreano! Ang cute sobra hihi! Psh hajimaaaa Aem! Yari ka kay Grey!

"Hi Taltal! Ang ganda mo! You look like my future girlfriend." Banat nya kaya napanganga naman ako. Agad syang binatukan ni Colleen.

"Ah hehe I'm sorry but im already taken." Medyo awkward kong sabi.

"Ouch! But don't worry, kaya nga nauso ang salitang break up diba" Medyo nag init naman ang ulo ko sa sinabi nya, hindi purket kaya nyang manira ng relasyon e gagawin nya na. Napansin nya siguro ang reaksyon ko. "Just joking miss! I'm also  taken anyway." Psh! Taken na pala tapos ang landi pa! kung si Grey e aakto ng ganito baka talagang bugbog sarado sa kin yon.

"Manahimik ka na nga Pent! Okay let's go back to work!" Masungit na sabi ni Colleen. Agad na bumalik sila sa kanya kanyang pwesto. May pagka serious type sya kaya medyo nakakatakot. Pero maamo naman yung muka nya. "Ash ikaw na muna mag assist sa kanya, may ipapagawa pako sa mga tukmol na to e."

Agad akong nilapitan ni Ash at saka pa kinulit kulit ang buhok ko. Tinuruan nya ako sa mga dapat gawin at mabilis ko naman syang natutunan pero syempre yung iba medyo hindi.

6 pm na at awas na namin. Naging madali naman ang buong araw dahil inaassist pa naman nila ko, kumbaga stretching palang, for sure bukas medyo nakakapagod na. Agad na akong nagpaalam sa kanila at ganun din sila saken. Ang pinaka close ko na ay si Ash, napakakulit nya.

Mabilis akong nakarating sa hotel na pinag check in-an ko, malapit lang naman kasi e. Nakakalungkot kasi pagpasok ko sa room ko ang tahimik, walang sumalubong sakin. Sumalampak ako sa kama, hayss nakakamiss sila, parang gusto ko na umuwi kaso di pwede ako naman may gusto nito. Si Grey at ang kakulitan nya nakakamiss, kung hindi lang din sana sya mag oojt edi sana isinama ko na sya. Dun sya sa company nila nag oojt since sya naman ang magmamana non.

Tumunog ang iPad ko at tumatawag pala si Stella, agad ko itong sinagot. Bumulaga sakin ang muka ni Stella na nakapout.

"Hi baby! How was your day?"

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon