Chapter 25

21 5 0
                                    

KRYSTAL'S POV

Nagising ako na wala ng katabi, tiningnan ko ang kabilang kama at andon si Grey...

Kayakap si Avey....

Hahahaha napatawa nalang ako, nga pala asan si Star? Bumangon ako sa kinahihigaan at narinig ko ang kaluskos sa banyo kaya lumapit ako doon.

"Star?"  Tanong ko, nagsarado naman ang tunog ng shower kaya malamang sya nga.

"Oh? Saglit lang naliligo pa ko."

Lumapit ako sa kama nila Grey, hahaha nakakatawa talaga silang tingnan. Nakadantay ang paa ni Avey kay Grey, magkayakap naman ang braso nila. Kinuhanan ko agad sila ng litrato.

Napapitlag ako ng makitang bahagyang nakamulat ang mata nito, ano to? Gising ba to? Ikinaway ko ang kamay ko sa muka nya pero ganon pa din. Ang sagwa matulog ni Avey. Bumaling ako kay Grey at matahimik lang syang natutulog. Napaka amo ng muka, mas nakikita ang mahahaba nyang pilik mata, bahagyang naka angat ang pinkish nyang labi, ano to nag liptint?.

Nang lumabas si Star ay agad akong pumasok sa banyo. Nagbabad ako sa thub at saka inisip ang mga nangyayari.

Is these even real? Yung dating trip ko lang, boyfriend kona? Yung dating sinusungit sungutan at iniisnob ako mahal nako? Hays i can't believe it.

Nang matapos ay lumabas na ako na nakabihis ng isang floral short at white hanging blouse. Tulog pa din yung dalwa kaya niyaya ako ni Star na bumaba at kumuha ng pang breakfast namin at mag sight seeing naden, double meaning yon para sa kanya. Nag order lang kami ng apat na kape then pancakes and sausages.

Pagkapasok namin sa room namin ay sinalubong kami ng ingay na nagmumula don sa dalwa.

"Dude! Mahal na mahal ko si Aem kanya lang tong katawan ko! Bakit mo ko minanyak! Hindi purket natutulog ako magte take advantage kana!" Feeling ko naman masusuka ako sa sinabi nya, ang daming alam. Kapwa sila yakap ang mga sarili.

"Hoy! Hoy! Ang kapal mo dude! E ikaw nga itong nakayakap sakin kanina!"

"Ikaw kaya! Wag mokong igaya sayo! Pure man to!"

"So anong pinapalabas mo? Na bakla ako? No way dude! Gusto mo mambuntis pa ko?!" Asar na giit ni Avey. Hindi naman na napigilang makisabat ni Star, nag iinit na ang ulo nito.

"At sino namang bubuntisin mo aber?!" Mataray nyang tanong kaya napalingon dito ang dalwa. Agad na  lumapit sa akin si Grey at dinampian ako ng halik sa pisngi.

"Good morning babe." Bati nya, aww nakakakilig na sana kaso dinugtungan nya. "Lumabas kang ganyan ang suot? Ang ikli! Magpalit ka mamaya." Hindi ko nalang sya pinansin.

"H-ha? I-ikaw?" Agad syang nasapak ni Star dahil sa  sagot nya.

"Buntisin mo sarili mo! Kayong dalwa napakaingay nyo! Nakakahiya kayo sa neighbors!" Sabi ni Star saka nilapag ang mga pagkain na dala namin.

"Oo nga! Wag na kayong magsisihan dahil pareho lang kayo! Gusto nyo ng proof? Meron ako." Singit ko, they shook their head.

"No way! Eww!" Maarte nilang sabi.

Matapos ang usapang yon ay kumain na  kami. Parang timang si Grey kasi naman sinusubuan pa daw ako e meron naman akong sariling kamay. Pilit kong inaagaw ang kutsara pero ayaw nya.

Nang makakain ay agad nya kong pinagpalit, nagsuot nalang ako ng stripe na long dress at nasa loob non ang swimwear ko. Habang sya naman ay nakasuot na ng board shorts at white shirt.

Bumaba  kaming apat at nagkahiwa hiwalay na sa baba. Nagkaron kami ng kanya kanyang mundo. Magkahawak ang mga kamay namin habang nag iikot.

"Ang ganda ni Ate girl at ang pogi nung boyfriend nya no?"
"Bagay na bagay sila no?"
"Sana may ganyan den akong kagwapong boyfriend."

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon