Chapter 6

47 7 2
                                    

For better reading, you can play the video in the multimedia box.

Krystal Aem's POV

["Ako po si Mr. Chief Pi"] sagot nito

"Ah eh tapos po? asan po ba kasi yung boyfriend ko? Paka usap nga po sa ka-" naputol ang pagsasalita ko ng biglang dumating si Star

Mamula mula ang mga mata nito, halatang galing sa pag iyak. Hay nako sinasabing lolokohin lang din sya ng boyfriend nya

"Oh bakit ha?!Ano na namang nangyari sayo? Nung kaninang kailangan ko ng kausap ayaw mokong kausapen tapos ngayong kakausapin ko pa lang si Mattew e saka ka dumating!" mataray kong kong sabi

Hindi ko alam kung bakit pero agad nya akong niyakap ng mahigpit. Nagsimula na ito sa paghikbi , Medyo nahabag naman ako sa kalagayan nya. Ganto talaga kami, once na mahina ang isa, parehas na kaming mahina

"P-patay na sya A-aem" humihikbing sagot nya. Ramdam ko na ang pagtulo ng mga uha nya sa balikat ko

"Sino?! Yung mukang palaka mong boyfriend?" pabirong saad ko

"A-aem p-patay na si M-mattew. Wala na sya" iyak na iyak nyang sabi. Agad na nanghina ang mga tuhod ko pero pinilit kong magpakatibay

"Tanga ka na naman!Gaga ka talaga Star! Eto nga oh kakausapin ko palang sya!wag kang magbiro nang ganyan!Masasapak talaga kita" biro ko pa pero tumutulo na din ang luha ko sa takot sa mga pinagsasasabi nya. H-hindi yan totoo, alam kong mapagbiro talaga si Star. Umi iling iling nalang ako

["Ma'am nasa Mourge po dito sa San Luis Hospital ang boyfriend nyo- "] giit ni Mr. Chief Pi pero hindi na ito natapos dahil agad kong ibinato ang phone ko.

Hindi to totoo...

Bakit ba nila ako binibiro ng ganto?!hindi totoo ang mga sinasabi nila

"A-ano ba Star! Kung plano nyo pa to para isurprise ako tama na! Please asan na ba si Mattew?" desperada kong tanong. Inilingan nya lang ako habang lumuluha

"We need to accept the truth A-aem. T-tara puntahan na natin sya"

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, naghahalo halo ang emosyon ko. Hindi yan totoo! Hindi ko na mapigil ang tuloy tuloy pagtulo ng mga luha ko, sobrang nanghihina ang mga tuhod ko at nanglalamig ang buong katawan ko. Napaluhod na lamang ako sa malamig na sahig

"HINDI YAN TOTOO!!!!HINDI PATAY SI MATTEW!!" hiyaw ko pa. mas napahagulhol lang ako "MAGSABI KA NA NG TOTOO STAR KUNDI MAPAPATAY KITA!" hagulhol ko habang pinipilit na mapiglas ang yakap sakin ni Star.

Gusto ko syang sampalin, sipain, suntukin at kulamin dahil sa inis na binibiro nya ko ng ganto

H-hindi totoong patay si Mattew!Buhay sya! B-baby

Nilakasan ko ang loob ko. Pinilit kong pumunta sa SLH kahit na nanghihina ang katawan ko. Habang papalapit ako sa mourge ay mas kinakabahan at nanghihina ang tuhod ko.

Umiiling ako habang papasok sa isang malamig na kwarto na pinalilibutan ng mga malalamig na bangkay. Binuklat ko ito isa isa upang makita ang kanilang mga muka, kahit takot na takot ako ay pinilit kong maging malakas.

Hanggang sa isang bangkay nalang ang hindi ko pa nabubuklat...

Nasa likod ko lamang si Star, hinahagod nya ang likod ko.

"Andito lang k-ko Aem"

Nanginginig kong hinawakan ang telang nakabalot dito...Unti unti ko itong binuklat habang patuloy sa pag agos ang maiinit kong luha. Nailing nalang ako upang mabawasan ang halo halong pakiramdam

Mas napahagulhol ako ng makita kung sino ang nasa ilalim ng telang yon.

"H-HINDI!PANAGINIP LANG TO!" sigaw ko habang patuloy sa pag iyak. Gusto ko ng mamatay! Ayoko ng mabuhay. "M-MATTEW!!!MATTEW!!!"

"T-tama na Aem" umiiyak na sabi ni Star. Pero wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Mattew

Niyakap ko ang malamig nyang bangkay, pinigilan ako ni Star pero patuloy padin ako sa pagyakap sa kanya

"M-Mattew, bakit mo agad ako iniwan?Baby, it's our 3rd anniversary. D-dapat magkasama tayo, pero b-bakit naiwan akong mag isa dito?" Bulong ko

"Tara na Aem, aayusan na sya" sabi sakin ni Star

"H-hindi p-pwede, kailangan nya ng kasama. Dito lang a-ako Star" hagulhol ko pa

----END OF FLASHBACK----

Mattew Monteralba ⬇

Mattew Monteralba ⬇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon