Krystal.
"Congratulations Bakla! Yayaman ka na naman!Libre mo naman akong rest house sa Palawan " biro ko sakanya, inirapan nya naman ako, baklang to talaga! Andito kami ngayon sa kakabukas nya lang na store .
"Oh shut up girl! Dyan ka sa katabi mo magpabili oh!" saka itinuro si Gale.
"Saka na pag pinakasalanan mo nako." banat nya na nagpangasim ng muka ni Ash bwahaha ang bitter talaga!
"Iww! Nangarap ka na naman ng gising! Tsaka pede ba kung maglalandian kayo wag sa harap ko tse! haharot!" napatawa nalang kaming pareho ni Gale. Pasimple naman akong inakbayan ni Gale.
Hinayaan ko nalang dahil bukas na ang alis nito. He's going back to New York, you know business things. Sayang nga lang at halos 3 linggo lang syang nakapagbakasyon dito,akala ko nga ay makakapagbakasyon siya dito ng mas matagal, kaso nagkasakit si tita Giana. Babalik din naman sya dito siguro after 1 month, dahil medyo madami ang conflicts sa company.
"Nga pala, Alane was looking for you. Hinahanap ka nya sakin, panagutan mo daw sya. Umamin ka nga, did something happen? Hmm may nangyar---" mapanuring tanong ko na pinutol nya.
"Oh My God Kassy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Never in my entire life mangyayari yan! Over my dead gorgeous body! Like duh! Lalaki din ang hanap ko no! I want a sword war in bed you know."
"Manahimik ka nalang Ash! Kung ano anong tinuturo mo sa girlfriend ko e!" giit ni Gale habang pilit na tinatakpan ang tainga ko, tinanggal ko naman iyon. Im old enough, im not a saint for Pete's sake!
"Psh whatever, anyways sibat muna ang dyosag baklang itech, need to entertain my other guess pa. Promise i'll be back."
"Hindi na din kami magtatagal Ash, mag aayos pa kami ng gamit ni Gale e."
"Aalis na uli kayo?" tanong nya, umiling naman ako, tinuro ko nalang si Gale. "Ah ganern okey! Bye bye Gale manyakis!" pang aasar ni Ash. Napatawa naman ako at pinandilatan lang sya ng mata ni Gale at mahinang sinuntok sa braso. "Aray ano ba! Guilty mo masyado tse! I Break mo na nga yan Kass! Tutal bestfriend naman tayo, bigay mo nalang sakin at itotorture ko HAHAHA"
"No way! Sige na aalis na kami, magdedate pa kami e."
"Psh! Bye Bye Gale! Wag ka ng babalik tse! Sasamahan ko manlalake si Kassy para sayo." sinamaan naman sya ng tingin ni Gale, alam nya talaga kung pano pipikunin ang isang to e.
After we bid our goodbyes, napagpasyahan naming mag lunch sa Mall tutal ay nandon nadin naman kami. At tulad nga ng kinwento ng mga kaklase ko ay may isang Poster nga ako dito. Pinicturan pa nga ako ni Gale doon eh.
Patuloy lang kami sa pagkekwentuhan habang kumakain, puro tawanan at harutan lang ang ginawa namin. Hanggang sa...
"Pano ba kita maiiwan nito dito. Baka mamaya ay may manggulo sayo dito habang wala ako."
"Gosh Gale! Parang di moko kilala, i can handle myself noh. Para san pa yung martial arts lesson ko kung di ko iaapply diba." Pangatwiran ko, bumuntong hininga naman sya
"Kahit pa. Tara na, pagod nako."
"Ahm pede bang mauna kana lang muna sa kotse? May bibilhin lang ako, promise i will be quick." His brow raise.
"No. Sasama ako."
"Okay." Maikli ko nalang sagot saka nagpatiuna. Pumunta ako sa market station. Kumuha ako ng mga delata, prutas, gulay, gatas at kung ano ano pa.
"Love para san yan? Madami pa namang pagkain sa bahay ah? Tsaka kakapamili pala ni Manang kahapon." Singit nya sa kalagitnaan ng pagsuri ko sa mga napamili.
"Basta."
Pagkatapos kong bayaran ang mga yon ay siya ang pinagbitbit ko at saka ako pumunta sa taas. Sa mga bilihan ng baby stuffs.
"Love ang dami ng ganyan ni Sky, di nya na kailangan ng ganyan." Singit na naman nya.
"Wag kang maingay pede? Basta buhatin mo nalang yang mga yan." Busangot kong sabi, ewan ko ba basta feeling ko nalang naiinis ako. Mood swings.
"P-pero Love.. hindi ba masyado naman atang maaga? Ngi hindi pa nga tayo nagawa? Advance ka mag isip?" Parang medyo nagulat pang giit nya, binatukan ko na nga. Napakaingay tapos kung ano ano pang pinagsasasabi. "Aray naman! Hmp! Wag na ngang magsalita! Di mo nako love! Aalos nako talaga! At hindi na ako babalik!"
"Gosh Gole! You're so childish! Pero mas maganda pa nga umalis ka na para wala ng maingay."
"Love naman e! Joke lang! Tatahimik na talaga ako."
Gaya ng sinabi nya ay tumahimik nga sya, ako naman ay sinuasuri ang mga bibilhin. Strollers, Crib, mga milk bottles, diapers, unisex na baby clothes at mga toys, even pillows. Is this enough? Ano pa bang kulang? Hmm mukang wala naman na.
Agad ko na iyong binayaran. Nang matapos ay sumakay na agad ako sa kotse at nagpahinga ng kaunti, nakakapagod. Si Gale naman ay inaayos ang mga pinamili ko.
"Love para kanino ba talaga yon? Ang dami ah." Salubong nya ng matapos.
"Malalaman mo din once na nandon na tayo." Sagot ko. He start the engine, while me, giving him the direction.
Naging mabilis ang byahe. I have her address, thanks to Luisa. Tumigil kami sa isang maliit na bahay na halos tagpi tagpi nalang. Halata ang pagkaluma, nangangalawang ang mga yero at halos butas butas na rin ang kahoy na dingding. Bigla akong kinuhit ni Gale at bumulong.
"Dito ba talaga yon?"
"Maybe? Kumatok ka." Utos ko sakanya, nagdalwang isip pa sya bago kumatok.
Mabilis namang bumukas ang pinto at bumungad samin ang payat na payat at may kayumangging kulay na kasing edad lang namin, she's carrying a crying baby. Nang mapalingon sya sakin ay nanglalaki ang mata at gulat na gulat. Nanh titigan ko sya ng deretso sa mata ay napatungo nalang sya.
"Love siya ba yung..." singit ni Gale.
"Anong kailangan nyo?" She asked. Kahit na ayokong makita ang pagmumuka nya kinalaingan ko pa din. I was close to her father back then, and i promise him that i will help Yngreed no matter what. "Please lang ayoko ng gulo."
"The feeling is mutual. We're just here to give these." Saka itinuro ang mga pinamili ko. Napaangat sya ng tingin sa mga gamit saka sakin.
"Hindi ko kailangan nyan."
"Hindi naman yan para sayo, para sa anak mo yan." Nakita ko ang pag aalinlangan sa mga mata nya. "Kung ako sayo ibaba ko yung pride ko para sa anak ko."
Sinenyasan ko na si Gale na aalis na kami, agad naman nyang hinawakan ang kamay ko. Bago pa kami makalayo ay...
"Salamat." Giit ni Yngreed. Hindi na ako lumingon. Nalaman ko kay Luisa ang lahat ng tungkol sakanya, kung ano ang nangyari. She told me that their company was bankrupted months after i leave at nabuntis din daw si Yngreed ng isa sa mga costumer nya sa bar, pero hindi sya pinanagutan. I feel pity after all, hindi sakanya kundi sa bata.
Mabilis naman kaming nakauwi sa bahay. Buti na lamang at hindi na nya ako gaano kinulit pagkaalis namin don. Naligo agad ako at ganon din sya.
"Love tulog na tayo." Anyaya nya habang tinutuyo ko ang buhok ko. "Dali na, maaga pa alis ko bukas. Gisingin pa ba kita?" Natigil ako sa ginagawa, napasimangot nalang ako dahil sa isiping magkakahiwalay kami. For 5 years ay nasanay na kasi akong lagi syang kasama. "Oh my baby is sad. I promise babalik agad ko. At sa pagbalik ko, papakasalan na kita Hahaha."
"We're not in rush Gale, malay mo diba ipagpalit mo pako sa iba."
"Never mangyayari yon. I will love you till death. I love you Kassy." He whisper while i'm resting in his chest.
---
A/N:Sorry sa sobrang late updateeeee
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Fiksi RemajaWritten way back 2016 Life is unpredictable, no one knows what will happen next. Yung okay kayo ngayon pero bukas wala na. Mahal na mahal mo sya pero nagawa mo syang sukuan, iwan at alisin sa buhay mo. Well, that's how fate is. It could be sometime...