Chapter 29

22 5 0
                                    

Krystal

"To all graduates congratulations!" Bati ng Dean namin, nagpalakpakan naman ang lahat. "Maaari nyo nang ihagis ang mga toga caps nyo! Again Congratulations!"

Sabay sabay naming inihagis ang mga toga caps namin habang humihiyaw ang iba. The best feeling, sa wakas graduate na kami yih! Iniisip ko kung sino sino samin yung mga magiging succesful, hope na lahat.

Sa hindi kalayuan sakin ay may nakita ako na nakapagpangilid sa luha ko. I never expected him to be here. Sa lahat ng school gatherings ito lang ang pinuntahan nya, only this. Even in my elementary and high school graduation wala sya. Ngayon lang talaga. Dapat na ba akong matuwa?

Nginitian nya ako saka lumapit sa akin. Nang makalapit sya ay katahimikan ang namayani sa amin, walang gustong magsalita.

"Congratulations anak... I'm so proud of you." Pagbabasag nya sa katahimikan. Kumawala na ang mga nagbabadya kong luha.

"Dad..." saka ko sya niyakap ng mahigpit. All my life eto yung pangarap ko, to made him proud of me. Lolokohin ko lang ang sarili ko pag sinabi kong hindi dahil sakanya ang pagsisipag ko sa pag aaral. Ngayon sobrang saya ko kasi in my 20 years of existence ngayon nya lang ako nasabihan na proud sya sakin. I never imagined that this day will come.

"I'm so proud that you are my daughter, you never disappointed me." Mas naiyak ako kasi ang buong akala ko isa akong malaking disappointment sakanya, because of my attitude.

"Dad im sorry..."

"Stop crying anak, don't be sorry. Ang sarap pakinggan ng salitang Dad galing sayo."

Ilang minuto akong nanatiling nakayakap sakanya. Ilang taon ba kong hindi nakayakap sa kanya?.

"We'll have dinner later, come with us, isama mo na din si Range no i mean k-kuya Range."

"Alright. Pupunta kami. Mauuna na muna ako anak ha, just see you later." Ang sarap sa pakiramdam na tawagin kang anak, pero naiisip ko, naging anak ba talaga ako sakanya? Kasi all these years wala akong ibang ginawa kundi ipagtabuyan at kamunghian sya.

"Im so happy for you babe." Then he hold my hand. I hug him.

"Im happy for myself too. Congratulations Mr. Summa Cum Laude." Iniharap nya ako sakanya saka hinalikan ako sa noo.

"Mas proud ako sayo Ms. Summa Cum Laude. May party ako mamaya, you wanna come?"

"Ah eh kasi babe...*pout* may family dinner kami mamaya."

"Then i'll wait for you. I'll pick you up after ng dinner nyo." Haha may naisip nako.

"You'll come with me? Sumama ka sa family dinner namin mamaya. Andun si dad at si k-kuya Range, they want to meet you." Nanlaki ang mata nya at parang binuhusan ng yelo. Natatawa nalang ako sa muka nya, is he nervous? Bakit nung dati naman hindi sya ganto? Kung tutuusen mas nakakatakot pa nga si Kuya Dark kesa kay Dad e. "Anong nangyari sayo? Ayaw mo?" Agad naman syang umiling.

"H-ha? Syempre gusto ko! So how should i call him?"

"Kung anong gusto mo."

Nagpatuloy kami sa pagkekwentuhan. Perfect na sana tong araw na to kung andito lang sana si Star, hindi sya umattend ng graduation namin. I wonder what happen to her? Kahit si tito hindi alam kung anong nangyayari. Pangarap naming dalwa to e, yung sabay kaming gagraduate at sabay naming ihahagis yung toga cap namin. Si Avey naman hindi makausap ng ayos, naging mailap na din sya samin. I miss my bestfriend, ang isa pang dahilan kung bakit wala akong balita sakanya ay sarado lahat ng social media accounts nya, i bet she deactivate.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon