Chapter 30

31 5 0
                                    


Krystal

"I'm here again, sorry ha? Naiistorbo pa kita, alam mo namang ikaw lang ang pwede kong puntahan pag may problema ako. Ikaw lang nakakaintindi sakin e." Bimuntong hininga ako habang pinapahid ang takas na mga luha. "How i wish that you were here, to comfort me pero hindi naman siguro magkakaganito kung nandito ka."

Wala ayaw na talagang tumigil sa paglandas ng mga luha ko. Pakiramdam ko pasan ko ang mundo, pakiramdam ko ako ang may pinakamabigat na problema. Gusto ko ng mapaglalabasan ng sama ng loob pero wala e, i don't know where Star is. At si Grey? I don't know, we're cool off i guess? Kung kailan kailangan ko sya saka naman nagkanda letche letche.

FLASHBACK

After diagnosing his ill, nagpakalayo layo muna ako. I want to set my mind free. Ilang linggo akong hindi nagparamdam kay Grey, ginawa kong busy ang sarili ko kasi baka sakaling malimutan ko yung mga problema, baka sakaling mawala sila.

Isang gabi habang nakatulala sa kawalan ay nagring ang phone ko, ngayon ko lang ulit to nabuksan. Ayaw ko man itong sagutin ay wala akong ibang nagawa.

"I miss you..." napapikit ako sa sinabi nya, ramdam na ramdam mo ang lungkot sa boses nya.  "Can you p-please come here?"

"P-pero..." hindi pa ako handang humarap sa sa tao, not with this problematic state of me.

"Please take care of me. Walang ibang naiwan dito sa bahay. Please  come..." may halong pagkadesperado na sa boses nya.

Ibinaba ko na ang telepono ko saka nagmamadaling pumunta sa bahay nila. Nalimutan ko, na may tao nga palang kailangan pa rin ng atensyon ko. Nalimutan ko na responsibilidad ko sya dahil girlfriend nya ko. And im so stupid for not doing my responsibilities.

Nang makarating ako sa tapat ng gate nila ay walang ibang tao, tama nga sya. Iniwanan ko nalang sa labas ang sasakyan ko saka nagmadaling pumunta sa loob ng bahay nila, agad akong pumunta sa kwarto nya dahil baka sakaling naandon sya.

Pagbukas ko ng pinto ay nanghina ang mga tuhod ko, balot na balot sya kumot at para bang may sakit. Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang noo. Mainit sya, iminulat nya ang kanyang mata.

"You're here..." saka nya ako niyakap ng mahigpit. "I miss you so much babe."

"I miss you too. What happen to you? Bakit ang init mo? Uminom ka na ba ng gamot?"

"Not yet, walang magpapainom sakin ng gamot."

"Tss. Dito ka muna, I'll cook for you." Saka ako tumayo para bumaba at magluto.

"Marunong ka? Anong ipapakain mo sakin? Cake?"

Di nalang ako umimik. Masyado mokong minamaliit huh? Baka pag natikman mo luto ko e mabaliw ka. Bumaba na ako at naghanap muna ng mga ingredients, may mga lata ng Heineken at mga iba pang hard liquors. Siguro silang mag ama ang umiinom non, malamang sino pa ba. Pero hanggang ngayon napapaisip ako kung asan nga ba ang nanay nya, never nyang nabanggit ang nanay nya sakin.

Nagsimula na akong maggayat gayat at gisa gisa. After ng mga ilang minuto ay natapos din ako sa sopas na niluluto ko. Tinikman ko ito, shet ang sarap ko talaga magluto.

Naghanap ako ng first aid kit sa bahay nila pero wala akong makita kaya pumunta ako sa kotse ko at kinuha sa bag ang gamot na naandon. Syempre dapat laging handa, sa mga panahong problemado ako hindi imposible na lagnatin ako. Pagbalik ko ay nabigla ako dahil may isang lalaking nilalantakan na ang niluto ko, nakaupo sya sa high chair habang nasa kitchen table top naman ang isang mangkok na halatang mainit pa dahil nausok pa. Tss... masyado mokong minaliit.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon