Chapter 27

29 5 0
                                    

Ang bilis ng araw wieee. Akalain mo yon pauwi nako ng pinas bukas ng gabi, kaya mamaya may pa farewell party sakin sila Ash sa bar.

Kaso kung kelan pauwi nako saka naman tinotopak itong abnoy kong boyfriend, ayaw ba naman akong pasamahin e sakin ngang party yon. Hehe di naman nya siguro malalaman? Tsaka pede namang sumuway kahit minsan diba?. Ayun badtrip ata sakin kaya hanggang ngayon di pa natawag, psh hampasin ko sya e.

Mabilis na lumipas ang oras, maaga ang awas namin ngayon  dahil nagpaalam sila kay tita Charlotte na may paparty mamaya para sakin at pumayag naman si tita.

"Oh sya pano ba yan? Kitakits nalang mamaya a? Sunduin paba kita gurl?" Tanong ni Ash, umiling nalang ako, huhu sya pinakamamiss ko e.

We bid goodbyes then nagmamadali akong umuwi sa hotel na tinutuluyan ko para makapagpahinga. Nang makarating ay agad akong sumalampak sa kama at natulog. Ang sarap sarap na ng tulog ko kaso nagising ako.

"YAHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko ng bumungad sakin ang muka ni Grey. Gosh! Namamalikmata bako o dala to ng bagong gising?! "Letchugas ka Aem! Miss ko na ata talaga sya,  nagha hallucinate nako." Biglang tumawa yung si Grey na iniimagine ko, kinurot ko ang palad ko at aray! Masakit!

"Babe ako to!" Umiling iling ako, no this can't be happening! Pano yan mapupunta dito e nasa Pilipinas yan.  "Hoy Krystal Aem Dela Vega ako nga to! Totoong buhay!"

"Weh?" Di pa din ako makapaniwala e. Lunapit sya sakin ng malapit na malapit, omaygash! Anong gagawin nya? Nang malapit ng maglapat ang labi namin ay agad ko na syang niyakap. "Omaygaddd huhu babeeee ikaw ngaaa. Pero bakit? Pano?"

"Miss na miss  na kasi kita Babe  kaya di ako nakapagtiis. Babe bakit pumayat ka ata? Bakit di ka kumakain ng ayos ha?!" Ang sungit na naman nya. Napatingin ako sa relo ko,shet! 8:30 na! E 9 ang usapan namin. "Oh anong problema mo?."

"Babe naman e! Ngayon yung farewell party nila para sakin!" Agad gumusot ang muka nya."Babe naman e! Huhu please na oh! Last day na namin to e! Mamimiss ko kaya sila!" Paawa effect pa kaya ko.

"Alright! Pero kasama ako."

"Ha? W-what?"

"Kasama ako! Got a problem with that?" Pinagtaasan nya pako ng kilay, ngumuso nalang ako at agad nya yong dinampian ng halik. Shet feeling ko pulang pula ko. "Go magbihis kana!"

"Pero babe kakagaling mo lang sa byahe. For sure pagod ka pa, kaya ko naman mag isa e."

"No. Im fine kaya sige na magbihis kana." Wala akong ibang nagawa kundi sumunod.

Naligo muna ako at pagkatapos ay nagsuot ng fitted denim pants at isang v neck spaghetti strap top. Paglabas ko tiningnan nya ako mula taas hanggang baba. May feeling nako na pagpapalitin ako nito.

"Magpali----" pinutol ko na agad sya.

"Pero kasama naman kita a!" Pagmamaktol ko.

"Alright. Napakapasaway mo talaga! Para sayo naman din to e. Tss." Hehe papayag din naman pala e. Agad kong sinakbit ang kamay ko sa braso nya. "Tara na." Maikli nyang anyaya.

Nagtaxi lang kami papunta don, well medyo malapit lang naman dito yon. Nang makarating kami sa bar ay agad ko silang hinanap, and there andun sila sa medyo likod. Hinila ko agad si Grey papalapit sakanila, nagkawayan sila habang mapanuring naka tingin kay Grey. Jusko ang mata ng Ash parang luluwa.

"Krystal!" Sigawan nila. Wala pa si Pent, pupunta kaya yon. "Oh kumain muna kayo." Anyaya ni Colleen, angganda nya sa suot nya ngayong tulip skirt at sando top, buti pa sya nakakapag suot ng ganon.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon