Grey Lee's POV
"You know what kuya siguro bagay na bagay kayo ng ate ko. She's so Goddes" kwento pa nitong batang kasama ko. Napatawa naman ako, ganon ba talaga kaganda ang ate nya?
"Maganda ba talaga sya Stella or inuto ka lang nya?" Natatawang tanong ko. Sumimangot naman sya, may kahawig sya e di ko lang ma figure out."Oo nga pala where's your daddy?"
"Ate told me that he already died" malungkot na giit nito. Medyo naawa naman ako, ang swerte ko dahil kahit lagi kaming nag aaway ni Dad e nakakasama ko pa den sya. "But it's okay lang naman po. Ate,mommy,yaya and manong are always there for me naman po"
"Ah. Di ka ba nag iistudy?" I ask Stella
"Tapos napo kong mag study kahapon. Kuya can you buy me a some yogurt or milkshake?" She's so polite. I want to have a baby sister like her
Pumunta ako sa counter at bumili ng dalwang milk shake. Agad kong binalikan si Stella na nakatingala lang saken habang may hawak na mga crayons, nagdo drawing kasi sya sa isa sa mga subject journal ko. Napapikit ako nang mariin
"Kuya look! Ang ganda nung dinraw ko oh!" Saad nya saka ipinakita yung drawing nyang may babae at lalaki na ikinakasal "ito si ate ko then ikaw po ito" turo nya pa
"What the?! Bakit ako at ang ate mo?ano bang name nya?" I asked
"Kase po bagay kayo and mabait ka po. I know na you won't hurt her. Siya po si ate Krys" hmm Krys?wala naman akong ganong kakilala
"Ikaw ha batang bata mo pa yan agad iniisip mo. At tsaka may iba akong gusto" i said then pat her head
Krystal Aem's POV
Nabigla akong nang pagpasok ko sa cafeteria ay sumalubong saking ang nagtatawanang si Stella at Grey.. dapak! bat sila magkasama. Agad ko silang nilapitan
"G-grey...Stella " tawag ko sakanila kayat napabaling sila sa akin.
"Aem! Kilala mo si Stella?" Tanong sakin ni Grey "Sya Stella yung sinasabi ko sayo!Now who's prettier sya or ate mo?"
"Ateee" tawag sakin ni Stella saka ako niyakap
"Sya yung ate mo?" Litong tanong ni Grey at sabay kaming tumango ng kapatid ko. "The heck!kaya pla may kamuka kang bata ka!anyways yung mga kinwento ko sayo atin lang yon ha?Promise me"
"Promise po" saad ni Stella habang nakataas ang isang kamay
"Hoy anong promise promise ang pinagsasasabi nyo dyan?!hoy baka kung anong kabalastugan iyang tinuturo mo sa kapatid ko!"sigaw ko. Kainit kase ng ulo e may pa promise promise pa. Konsensya: nagseselos ka lang kase buti pa sila close kayo hindi!
Tanga!manahimik kang konsensya ka
"Ate are we going now to the mall?" Tanong sakin ni Stella at tumango ako "Isama natin si kuya!"pag aaya nya
"No Stella... May gagawin pa sya,Right?" Tanong ko kay Grey. Napaisip naman sya
"Hmm wala naman e. Sama nyo nako babe!" Masayang giit nya.
Babe babe ka dyan Ulol!pero wait ano daw? B-babe? Dapak shit!agad akong pinamulahan. Hindi nako makatingin ng tuwid sa kanya at parang nahalata nya rin yon kaya medyo nailang sya
"A-anong p-pinagsasasabi mo dyan. Tara na Stella" aya ko pa. At nabigla ako ng humawak din sa kamay ko si Grey at ngumisi
"Oo nga tara na Stella" pacute nyang sabi. Bat ba ang pogi nya pag nangisi
Agad na kaming naglakad papunta sa parking. Sumakay na kami sa kotse ko maliban kay Grey. Nagtatalo pa nga kami kung kaninong sasakyan sasakay pero i didn't hesitate. Sa kotse ko ako sumakay, at ayaw nya naman kaya sa kotse nya nalang daw sya sasakay
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Teen FictionWritten way back 2016 Life is unpredictable, no one knows what will happen next. Yung okay kayo ngayon pero bukas wala na. Mahal na mahal mo sya pero nagawa mo syang sukuan, iwan at alisin sa buhay mo. Well, that's how fate is. It could be sometime...