Dark.
Nakatulala na naman sya at tila nagpipigil ng iyak. Masakit din para sakin ang sinapit ni Kendall dahil naging kaibigan ko din naman yon, pero alam kong mas masakit para sakanya.
"Krystal kumain kana muna, ilang araw ka ng hindi kumakain, baka mamaya magkasakit ka na." Anyaya ni Tita Janice, tita ni Kendall, umiling lang ito. Ilang araw na kasi syang di kumakain, lagi namin syang pinipilit pero ayaw talaga nya. Iisipin ko na talaga na nagshashabu to, biruin mo naman walang tulog at walang kain. Pero naaawa ako sakanya, kasi kitang kita mo ang kalungkutan sakanya, masakit talagang mawalan ng kaibigan.
Kahit ako ay nagulat nang malaman na may sakit sya, kasi talagang hindi sya nagsabi man lang sa akin. Kaya pala tuwing sa kalagitnaan ng basketball match namin ay madalas nyang iniinda ang pananakit ng tuhod nya at madalas ay maputla.
"Ayaw mo naman sigurong sumunod sakanya diba?." Nag aalalang tanong ni Range. Biglang umiyak na naman si Kryss. Agad ko syang inalo.
"Gustong gusto ko.."
"Shh.. Kumain kana Kryss, sa tingin mo ba ay matutuwa sya nan? At tsaka baka mamaya mahilo ka sa libing, kaya sige na kumain kana." Ani ko na pilit syang pinapatahan. "Magpahinga ka na din muna, wala kapang tulog."
"A-ayoko dito lang ako." Umiiling nyang sabi.
Minsan ay ang hirap nya din talagang kausapin. Talagang kung anong gusto nya ay sya nyang susundin.
Pagkatapos ng isang oras ay wala talaga syang planong kumain at matulog, napaka tigas ng ulo. Agad akong nagpaalam na lalabas muna nang makita ko ang isang bulto ng lalaking tila ba gustong gustong pumasok.
Agad ko itong nilapitan at saka sinuntok sa panga habang hawak hawak ang kwelyo. Mabuti nalang at kaming dalwa lang ang narito.
"Anong ginagawa mo dito ha?! Napakatigas ng muka mo!." Sigaw ko sakanya. Napakakapal naman talaga ng muka ng lalaking to. Ano pagkatapos nyang saktan ang kapatid ko ay magpapakita sya ngayon at talagang sa eksaktong libing pa ni Kendall, para ano? Damayan ang kapatid ko?! Pwes hindi sya kailangan ni Krystal! Magkamatayan na pero hindi nya pwedeng lapitan ang kapatid ko.
"Wala akong masamang gagawin. Dadamayan ko lang si Aem, kailangan nya ak---" muli ko syang sinuntok, pero sa kabilang panga naman.
"Naririnig mo yang sinasabi mo?! Hindi ka nya kailangan! Wala kang kwentang gago ka!"hiyaw ko dito habang nagliliyab sa galit. "Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako sayo ha!." Dahil baka talagang matuluyan to sakin kung hindi pa ito aalis sa harapan ko.
"P-please.." binitawan ko ito sa kwelyo nya habang nakayukom ang panga at kamao. Tinalikuran ko na sya.
"Manigas yang t*ti mo!"
Hah! Bilib din kasi talaga ko sa apog nito e. Ano hindi nya makuha ang sa kapatid ko kaya humanap ng iba! At talagang nagpahuli pa! Tss tatanga tangang gago!
Krystal.
"Hoy taba ano bang problema mo at iyak ka ng iyak? Nakakarindi na ah!" Napatingala ako sa batang nasa puno
"Wala! Kung naiingayan ka edi umalis ka!"
Biglang bumaba sa puno yung batang lalaki mula sa puno. Inilapit nya ang muka nya ng kaonti sakin saka tinagilid ang ulo.
"Sinong inuto mo? Ako nauna dito no! Kaya ikaw ang humanap ng sarili mong pwesto tsupi!" Saka nya natampal ang sugat sa may tuhod ko kaya muli akong napaiyak. "Ang arte mo! Oi bata umalis ka na nga dito!."
"Ang sakit!!!" Palahaw ko. Tiningnan ko ang tuhod ko at nagdudugo na ito. Napatingin rin sya roon at parang naubusan sya ng dugo sa sobrang putla.
"H-hala sorry. T-teka s-saglit gagamutin ko."
Paulit ulit na nagfaflashback sa isipan ko kung paano kami unang nagkatagpo, kung kelan ako nagkaroon ng tunay na kaibigan at kung kailan ako nagkaroon ng unang pagkakatiwalaan.
Ngayon wala na... paulit ulit nalang syang magfaflashback sa aking isipan. Hindi ko na ulit sya makakasama, wala ng hahalik sa noo ko na kaibigan, wala na... kasi wala na sya. Wala ng dadamay sakin at wala nang magbibigay ng payo, wala na sya...
Ang hirap tanggapin na iniwan nya na kami at ang hirap paniwalaan na wala man lang akong ginawa para mas tumagal pa yung buhay nya. Gabi gabi akong nakokonsyensya tuwing naaalala kung gano ako kawalang kwentang kaibigan.
Masakit... higit pa sa sobra. Masakit maiwan ng kasintahan pero mas masakit mawalan ng kaibigan, kasi ang kasintahan makakahanap ka pa nyan, pero ang tunay na kaibigan? Parang medyo malabo na.
"Ngayon ay pinagtipon tipon tayo rito upang ihatid sa huling hantungan ang ating namayapang kapatid. Naway kasama na sya ng maykapal at mapayapa na. Ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa." Giit ng pari. Nagsimula na ang misa, at ang naririnig ko lamang ay mga hagulhulan.
Mas naghagulhulan pa ng ipinalabas ang video na ginawa ni Kendall. Nasa hospital bed sya at nakangiti sa Camera, mamimiss ko ang malambing nyang muka at masayang ngiti.
"Ano Gale ayos na? Ayos na ba? Dali!" Tanong nya sa nagvivideo sakanya siguro, hindi ako pamilyar sa sinabi nyang pangalan. Pero unang rinig ko palang sa boses nya ay nangilid na ang luha ko.
"Oo!"
"H-hello everybody?" Awkward nyang sabi. "Hays. Maybe right this moment i am with God. I want everybody to be happy kahit wala na ako, kaya shh Mom tumahan kana. First of all i want to thank you Mom, thanks for giving birth to me. If i will be given a chance to live again, i still want you to be my Mom, coz you're the best! You love me despite of everything. And i love you too Mom, please take care of your health. Dad, please don't leave Mom. You should also take care of yourself Dad. I also want to thank you for giving me the best genes haha. You taught me so many things na sayo ko lang talaga matututunan, courting girls and making them fall inlove with me. Im sorry dad if i can't handle the business anymore, alam kong kaya mo na yon Kendrick, i love you dad. Bro, wag mong papabayaan sila Mom at Dad a, kundi mumultuhin ko mga babae mo. And you stop flirting around kasi masama ang karma nyan sayo. Thanks bro! Kahit na wala kang ibang ginawa kundi ang bwisitin ako mahal na mahal parin kita! I love you baby prince namin! Haha." Imbis na matawa ay mas nag iyakan pa kami, lalo na si Kendrick na ngayon ay mukang hihimatayin na sa pag iyak. "At sa babaeng bumihag ng katawan at puso ko, sayong sayo ako, pati bangkay ko. Kryss, i want you to be happy coz you're my happiness. Don't get stuck in your past and go with the flow of life. I love you and i will always love you, even when im dead. At kung bibigyan man muli ako ng pagkakataon para magmahal, ikaw at ikaw pa din ang mamahalin ko. M-mom, Dad, Kendrick, Kryss and to all of my family and friends, thank you for making my short life unforgettable and full of love, goodbye..." nakangiti nyang sabi pero may bahid ng lungkot.
I hope you were now in heaven... and resting peacefully, till we met again my friend...

BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Novela JuvenilWritten way back 2016 Life is unpredictable, no one knows what will happen next. Yung okay kayo ngayon pero bukas wala na. Mahal na mahal mo sya pero nagawa mo syang sukuan, iwan at alisin sa buhay mo. Well, that's how fate is. It could be sometime...