Chapter 46

12 3 0
                                    

Krystal.

"Hello Mr. Mordred?" Sagot ko.

"Oh hello ihja. I just want to inform you that i will not able to attend our meeting due to my hectic shedule." Malungkot nyang giit. So i can go back to Manila? That's a great idea! Hindi ko na makikita ang pagmumuka ng Grey na yon. "But don't worry, my nephew will attend the meeting instead of me. He's a business minded too, for sure magkakasundo kayo."

"Oh! Sige po.  Same restaurant and same time?"

"Yes yes. So I'll hang up na ihja." Paalam nya.

Naggayak na agad ako, its 9 in the morning and 11 ang meeting so i better prepare myself. I wear a maxi dress and pink sandals.

Naglagay din ako ng make up para medyo presentable naman. Saktong 11 ay bumaba na ako ng hotel. The restaurant was just outside the hotel so hindi na ako malalayuan pa.

I quickly reach the restaurant, sumilip ako don at walang tao maliban sa isang lalaking  nakatalikod sa gawi ko. So they made the restaurant reserved huh? Pumasok na agad ako.

"Good morning Mr.?" Tanong ko kaagad ng makalapit ako sa table. Nakatungo ito at nakatingin sa cellphone kaya di ko makita ang muka.

"Oh hello. No need for formalities, besides we already know each other." Nakangisi nitong saad ng humarap sakin. I was taken aback

"WHAT THE F^CK ARE YOU DOING HERE?!"

"Attend meeting?" Mayabang nyang giit at talagang nagkibit balikat pa!

"So you're Mr. Mordred's nephew?"

"Uh-huh" Gosh!Ang sarap nyang ingudngod sa kape na nasa harap nya.

Padarag akong umupo sa harap nya. Lintek na Mr. Mordred yon! Pamangkin pala to! Kalma Krystal, wag kang magpaapekto sa gagong yan.

"I'll start with my proposal." Panimula ko. "So listen carefully Mr. Funtales---"

"Ang dali naman? Aren't we going to eat lunch first?"

"Kumain ka kung gusto mo, nevermind nalang ako. Nakakawalang gana pag ikaw kasabay ko." Saka ako umirap.

"Oh? Nakakawalang gana pala talaga pag gwapo kasabay mo." Banat nya. Gosh! Kailangan ko na talagang matapos to!

So sinimulan ko nang iexplain sakanya yung mga plano ko, mas madali ang pagsasalita ko at halos magrap nako para lang mabilis matapos itong meeting nato.

"Here ma'am, sir." Saka inilapag ng isang waiter yung dalwang red wine sa harap namin. Kakaiba pa yung tingin sakin nung waiter, is he kind of maniac? Gosh!

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa harap at halos maduling ako sa sobrang lapit ng muka nito sakin. He smirk in front of my face and i swallowed hard because of it!

Parang nanuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako nung red wine.

Pagkatapos non ay ipinagpatuloy namin ang meeting. I tried to focus on the meeting but i just can't help it. I'm feeling dizzy, mataas ang alcohol tolerance ko kaya imposibleng dahil ito sa wine na ininom ko.

"Are you okay?" Tanong ni Grey, i can't answer properly because my eyes were starting to close. "I'm sorry." That was the last thing i heard before everything went black.

-----

Napadilat ako ng mata. Pansamantala akong tumitig sa kisame, saglit bakit parang iba to?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng maalala ang nangyari. Gosh! Nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin, nakaupo ako sa isang kawayang higaan na may foam. May isang bintana rin na naggigiit na hapon na dahil sa madilim na kulay ng kapaligiran. Teka asan ba ako? At anong ginagawa ko dito? Sinong huli kong kasama. Tek-- Oh my God! Sh*t si Grey!

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Bumungad naman sa akin ang isang sala na may mga kawayang pahabang upuan. Makikita rin mula sa sala ang karagatan dahil sa teresita na gawa sa kahoy na pasamano at kawayang nagsisilbing pangharang.

Tumingin naman ako sa likod ko at tumambad sakin ang estante na may maliit na tv. Sa gilid noon ay may lagusan pa. Pumunta ako doon at naamoy ko ang isang nilulutong pagkain.

Una kong nakita ang kanyang hubad na likod. Pilit kong ikinukunot ang noo ko pero para bang namamangha talaga ako dahil sa ganda ng katawan nya, payatot to dati pero ngayon nagsisigawan na ang mga muscles nya. He have a golden skin tone now na mas nagpaganda ng katawan nya. Damn! Bakit ba iyon ang iniisip ko!

"Nasan ako?! Bakit mo ko dinala dito?!" Sigaw ko sakanya. Napalingon naman sya sakin at nginitian pa ako na parang hindi ako sumigaw. Nakita  ko naman ang niluluto nyang adobong baboy.

"Gising ka na pala, buti naman. Umupo ka muna dyan at ipaghahanda kita." Saka nya ako itinungo sa mesa.

"Hindi ako gutom! Sagutin mo ang tanong ko! Iuwi mo na ako!" Angil ko. Hindi naman nya ako pinansin, bagkos ay tinapos nalang ang niluluto. "Ipapakulong kita!"

"Edi mas lalo kitang di iuuwi." Tumawa pa sya saka inilapag sa mesa ang adobo at kanin. Bigla namang tumunog ang taksil kong tyan. "Hahaha ganyan ba di gutom? Oh c'mon babe let's eat."

"Kung hindi lang ako gutom hindi ko talaga kakainin tong niluto mo!"

"Sabi mo eh. Just eat." Saka namin sinimulang kumain.

Ayoko ng magsalita, dahil naalala ko na dapat ngayon galit ako sakanya. Pagkatapos naming kumain ay sya na rin ang nagligpit, wala ako sa mood para tulungan sya. Tumambay muna ako sa sala at nakatanaw lang sa dagat na maalon. Madilim na ang kapaligiran at tahimik. This is the place where i want to live, just a small house where i can bond with my family and i dreamt it with him. Pero... ngayon naglaho na ang pangarap kong yon, pangarap na sya ang gusto kong kasama.

My tears start to fall, at ayaw nitong paawat kaya nagmamadali na akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama. Tumalikod ako para hindi nya makitang umiiyak ako kung sakali mang pumasok sya.

Sunod sunod na nagsilabasan ang luha. The memories we made were showing up in me, mga ala ala noong mahal na mahal pa namin ang isat isa. Those days we always rely on each other, those days that can't be forgotten.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinilit kong pigilan ang ingay na nagmumula saking pag iyak. Gumalaw ang kabilang dulo ng kama hudyat na umupo sya doon.

Mas lalo lang akong naiyak dahil sa isiping  malapit sya sakin.  Sya na minahal  ko ng sobra, sya na pinagkatiwalaan ko ng buong puso at sya na dumurog sakin ng buo.

If he didn't cheat, maybe we're now happy in each other. Playing with our supposed to be children and solving our small fights together. Pero wala, wala na.. it's all gone.

I'm now committed to Gale, so i shouldn't think about this things.

"I want to go home." Pagmamakaawa ko habang pinipigilan padin ang luha.

"Hindi ka na ba talaga masaya sakin?." Bulong nya, ramdam ko ang lungkot sa boses nya.

"Please iuwi mo nalang ako."

"Just give me three days, three days to prove my love for you. To prove you that i'm the one you love." He said desperately. "Co'z i still love you Babe."

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon