Chapter 51

20 1 0
                                    


Gale.

She's wrong if she thinks that i know nothing. Nagkakamali sya kung inaakala nyang wala akong nakita. Pero handa akong kalimutan lahat ng yon, handa akong magbulagbulagan. Kaya kong isantabi ang galit ko basta marinig ko lang sakanya na ako pa rin ang mahal nya.

Akala ko pag naging kami na, kami na talaga at di na yon magbabago, pero mali ako, maling mali. Masyado akong naging panatag, masyado akong nagtiwala. Sa tagal tagal nang pagiging magkasama namin, sya parin pala talaga.

"Gandrick what's with the noise?!Asan ka na ba? May nangyari ba? Come back here immediately! You know i can't handle this all!" Matigas na sabi ni Ate sa gitna ng ingay dito sa bar.

"You can do it all alone ate. I'm fine. I just need sometime to freshen my mind."

"Gandrick! What's the problem tell me! Nag away ba kayo ni Kassy?!" Iritado nyang giit.

"It's normal in a relationship. I'll hang up now. Babalik din ako dyan." Then i ended the call. For sure ay makikisali lang sya sa gulo namin.

Three days had passed already huh? Tatlong araw na kaming walang communication. Pagkatapos ng araw na nag jogging kami ay naging malamig na ang pakikitungo ko sakanya. I just can't help myself. Sa lahat ng galaw ko ay parang naiilang sya. Ngi text ay wala pa rin akong natatanggap mula sakanya.

Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari dito pag uwi namin sa Pilipinas ay sana di nalang pala kami umuwi. Iba na ang pakikitungo nya sakin dito simula nang bumalik ako galing NY ay iba na talaga.

Miya miya lang ay nakaramdam ako ng paglambitin ng braso sa leeg ko. I'm still sober so I'm pretty sure that i can still control myself.

"Wanna have tonight baby?" Isang matinis na boses ang bumulong sakin. I look at her, kahit sa dilim ay kita ang kutis nya na kasing puti ng papel, magandang pangangatawan at... what the hell I am thinking. Agad kong tinanggal ang braso nya na nakapulupot saakin. "You're hard to get huh?" Then she traced my adams apple down to my chest. "Oh come on.. I know you will give in. Take me somewhere far from here baby."

"Get lost." Iritado kong giit habang pinipilit na alisin ang pagkakapulupot nya sakin pero makulit ang isang ito kaya hindi na ako nakapagtimpi. "I said get lost! I am not here to entertain some bitches like you!" Isang lagapak naman ang sinalubong ng pisngi ko.

"Okay fine! I am also not here to entertain playing hard to get boys!" And she walked out.

Hindi ko magawang tumingin sa iba o magpa tukso. Ano ba talaga tong epekto mo sakin Kassy. Ikaw ang laman ng sistema ko.

For the nth time, inisang lagok ko ang hard liqour na ibinigay sakin ng kaibigan ko na may ari ng bar nato.

"Too loyal for Kassy huh? Sabagay she's almost perfect."

"Not just loyal, I'm faithful to her. She's the only one i want for my life, sya na talaga pare. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko anumang oras ipagpapalit nya ko?" Hinaing ko, tinapik nya ang braso ko at saka lumagok din ng hawak nyang alak.

"Alam mo pre you're just overthinking. Kilala mo naman yang girlfriend mo, di naman yan ganon. Di yan magkakagusto sa bagong kilala nya palang."

"Alam ko. Pero pano kung sa matagal nya nang kilala." Iiling iling kong bulong sa sarili ko. Nababaliw na ata ako. "Sana nga pare."

"Maiwan muna kita. Basta tawagin mo lang si Brandy kung may kailangan ka."

Sana nga ako pa din Kassy, mababaliw ata ako pag nalaman kong sya pa din. Ilang lagok pa muli ng rum bago ko napagpasyahang umalis na.

Paglabas ko ng maingay na bar ay isang di ko ginustong makita kailanman ang sumalubong sa akin. Ang liit nga talaga ng mundo e no. Irritation dripped down my whole system, lalo na dahil sa paraan ng paninitig nito sa akin. At tuluyan ng napigtas ang pagpipigil ko ng umangat ang labi nito at pakitaan ako ng nakakalokong ngiti.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon