Chapter 45

13 3 0
                                    


Krystal.

"I love you.." the man behind me whispered. It gives me shiver down to my spine.

Agad kong hinawakan ang kamay nito saka ako umikot, napahiyaw sya sa sakit dahil napaikot ang kamay nya.

"What do you think you're doing huh?!" Galit kong tanong,mas iniikot pa ang kanyang kamay.

"I missed you.. i want you back..." again, he whispered but i can hear it clearly. Before he could add something, ay umahon na ako ng padarag.

Nag uumapaw ang galit ko dahil sa ginawa nya, how dare he lay a finger in my waist. Mabibigat na hininga ang inilabas ko as i start to walk. Sinusubukan kong mag concentrate sa paglalakad pero sadyang galit lang ang naiisip ko.

"Aray!" I shouted out from the pain. Tears started to roll down in my cheeks because of anger and frustration! Damn! Bakit ngayon pa? Bakit sa harap nya pa?!

Napahawak nalang ako sa paang naliay. Ang sakit, nang sinubukan ko itong igalaw ay halos mapunit ang labi ko dahil sa pagpipigil na mapahiyaw.

"Hey what happened?! Are you alright? Shh don't cry." Sunod sunod nyang saad at saka ako binuhat. Sinubukan kong kumawala pero masyadong mahigpit ang hawak nya sakin.

"Put me down! Ano ba ibaba mo sabi ako e!" Pagpupumiglas ko pa. "I will really punch you hard if you don't put me down!" Pananakot ko pero pagpipigil na ngiti lang ang inabot ko.

"Punch me wherever and however you want. Even if you hurt me so bad i will not mind it." Mayabang nyang giit saka ako ibinaba sa isang malambot na upuan.

Wait. Sofa? Sofa?! How come there's sa sofa? Iginala ko ang paningin ko sa paligid at nasa isang bahay ako? I was too preoccupied by my frustration kaya hindi ko napansin na naipasok nya ako dito.

Tiningnan ko ang paa ko na halos magkulay violet na at paga. My ankle is badly sprained! Kung dapat kasi ay nag ingat ako.

"Stay here i will treat your sprain. Do you want to eat?" Umiling ako. Hangga't maaari ay ayokong makipag usap sakanya. I hate him.

Mabilis naman syang bumalik na may dalang cold compress, towel at pagkain. I told him i don't want anything to eat! Bakit  ba napakakulit nya? But then a thought entered my mind. Baka naman kasi sakanya yon! Nang makalapit sya sakin ay agad nyang iniyapos sa aking katawan ang tuwalya. I feel warmth.

He put the cold compress to my sprained ankle, unti unti nyang idinampi iyon sa bahaging paga na nagkukulay violet na.

"Bakit ba kasi hindi ka nag ingat. Pano kung wala ako?"

"Eh ano naman kung wala ka? Kaya ko ang sarili ko pwede ba." Giit ko. Hindi na sya muling nagsalita, ipinagpatuloy nya na lang ang paggamot nya sa aking naliay na paa.

Tumingin ako sa labas, and it's almost dark. Madilim na ang kapaligiran at may apoy na ang mga torch. Kailangan ko ng makabalik, siguro naman ay kaya kong maglakad.

I almost got out of balance when my phone rings. Napatingin sa rin sa  cellphone ko si Grey.

"H-hello?" Medyo kabadong salubong ko. Grey look at me intensely. "Gale."

"Hmm? How are you? Have you eaten?" Sunod sunod nyang tanong. Kita ko naman sa aking peripheral vision ang seryosong muka ng kasama ko, hindi ko alam kung paano ba ako aakto. "Maganda ba dyan? Send me some pictures hah? At ano nga palang suot mo? I already told you, don't wear revealing clothes or else uuwi talaga agad ako dyan."

"Hahaha" medyo awkward kong tawa  "I-im fine... the sceneries were good, It's so relaxing. Don't worry, i will not. Nasa apartment ka na ba?" Medyo naging komportable na ako, at hindi ko nalang pinansin ang presensya ng kasama ko.

"Im still at work, madami pa akong gagawin."  He then sigh. "I miss you love, naho-home sick lalo ako. I badly want to be with you." Malungkot nyang sambit, my heart ache with the thought of him being sad.

"Kaya nga ayusin mo na nga ang mga ginagawa mo dyan so that we  can be together again." Suhestyon ko. Bago pa sya makasagot ay inagaw ni Grey ang phone ko at saka pinatay ang tawag.

"Ano bang problema mo?! Give me my phone!" I shouted at sinubukang tumayo pero napa aray lang ako. Padarag naman syang lumapit at hinaplos ang paa ko.

"Wag kang malikot! Lalong lalala ang paa mo eh!" Medyo inis nyang giit, ano bang problema nito.

"Give me my phone! Kausap ko pa si Gale!"

"Oo kausap mo sya at sa mismong harapan ko pa! Tangina alam mo ba yung salitang nakakasakit na?!"

"Bakit ba parang kasalanan ko pa? At tsaka ano naman kung kausap ko sya?!"

Nanigas ang katawan ko nang idampi nya ang kanyang labi sa aking labi. I tried to push him pero masyado syang malakas. Hindi... Hindi dapat ako malasing sa halik nya. Unti unting  nagtubig ang aking mga mata, muli ko syang itinulak. At sa pagkakataong iyon sya na mismo ang kumawala.

"Dahil dyan! Dahil mahal na mahal pa kita!" Sambit nya saka sinimulang palisin ang luha ko.

Buong lakas kong idinampi sakanyang pisngi ang palad.

"Hindi mo na ko mahal! Matagal na! Dahil kung mahal mo talaga ako hindi mo ko magagawang ipagpalit sa iba. Kaya pede ba tama na!" I shouted while my tears were dripping down. "Uuwi na ako. Give me my phone."

"Hindi mo pa kaya, ihahatid na kita." He tried to reach for my arm pero iniiwas ko iyon.

"Kaya ko!" I insisted.

"Paga pa ang paa mo kaya hindi mo pa kaya, ihahatid kahit sa hanggang labas lang ng resort." Hindi nalang ako umimik tutal ay may katwiran sya.

Masakit pa talaga ang paa ko at hindi ako sigurado kung mailalakad ko ito pero susubukan ko.

Napahawak ako sa labi ko. Napakasama ng ugali nya, he kissed me kahit alam nyang committed na ako sa iba. I really hate him! Pag uwi ko ay ibababad ko talaga ang labi ko sa mouthwash!.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon