Krystal.
"Love naman wag yan!" Angil ni Gale, binalingan ko sya ng masamang tingin.
"No! I want this! Kanina mo pako pinagpapalit ng pinagpapalit! Lahat nalang maikli! Manipis!" Bugnot ding saad ko.
Pano ba naman kanina pako papalit palit ng damit! Lahat nalang para sakanya ay di pwede. Pag hindi maikli e manipis! Gosh hindi pa sya nasanay! Kaya eto nag end up nalang ako sa isang black spaghetti strap crepe dress.
"Aish! Isuot mo to oh!" Saka nya inilagay sakin ang isang faded maong jacket. Aangal pa sana ko pero pinanlakihan nya ako ng mata, inirapan ko nalang sya saka nagpatiuna sa kotse nya.
Pero infairness ang gwapo nya sa suot nya, simple pero maangas tingnan sakanya. Black maong jacket na may white shirt sa loob saka black pants sa pang ibaba saka monk shoes.
Mabilis naming narating ang venue dahil di naman kalayuan samin yon. Sinalubong kami ng ingay ng venue andaming tao. Hindi pa naman nagsisimula at mukang marami pa ang wala.
Dinala nya muna ako sa mga kaibigan at dati nyang kaklase at ipinakilala.
"Mga dude! This is my girlfriend Kassy, for sure kilala nyo naman sya." Saka nya nginisian ang mga kaklase nya.
"Oh buhay ka pa pala? Tagal mong nawala ah? Iba na talaga pag Sikat! Busy na masyado."
"Taena yan yung sinusundan mo lagi diba?"
"Oo nga dude yan yon diba? Yung kasama mo sa modelling sa New York?"
"Pare mas maganda pala sya sa personal! Agawin ko na ba?" Kantyaw nung mga lalaki, binatukan naman sila ni Gale"Mga siraulo! Hanggang ngayon mga gago padin kayo! Baka mamaya mamana pa ng mga anak nyo kawawa naman!" Nagtawanan lang mga kaklase nya
Nagpaalam na muna kami sakanila para puntahan naman ang mga kaklase ko. Nakahawak si Gale sa bewang ko, so yung totoo anong pinaglalaban ng lalaking to?
"Ah guys si Gale nga pala boyfriend ko." Pakilala ko na nakakuha ng atensyon nila. Nagulat sila pero nginitian naman nilang lahat si Gale saka kinamayan.
"Wait. You mean Gale Andrick Maniego?" Parang gulat na gulat pa si Lana, tumango lang naman at nag 'uh-huh' si Gale. "Omaygashhh! I am your big fan! Lagi kong pinapanood mga behind the scenes ng photoshoots mo!"
"Ah hehe. Thanks for supporting me, siguro ay di na uli masusundan ang mga photoshoots ko."
"Oo nga daw! Sayang naman! Grabee Krystal ang swerte mo! Ang hot hot ng boyfriend mo!" Tili pa nito, napapakamot nalang si Gale ng ulo.
"May nakita akong poster nyong dalwa dyan sa may Mall! Ang sexy mo dun Krystal!"
"Talaga? Hindi ko yon alam ah! Halos kakauwi lang din namin ni Gale at hindi pa gaano nakakapaggala."
"Krystal ayiee ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend mo! Kung alam ko lang na may gwapo pa palang tulad nya edi sana hindi muna ako nag asawa!" Singit ni Karen, nagtawanan naman kami.
"Psh! E kung isumbong kaya kita kay Kenneth?!" Pananakot ni Judith
"Napaka KJ mo! Palibhasa ay ikakasal kana kaya nagpapaka loyal ka!"
"Ay oo nga pala, sana ay makapunta kayong lahat sa nalalapit kong Kasal sa isang linggo. Aasahan ko kayo ah!" Pang iimbita ni Judith.
"Andami nang nagbago no? May kanya kanya na kayong pamilya at ang iba ay nagsisimula na." Mukang ako nalang ata ang napag iwanan ng panahon, yung iba ay may anak na, habang ako eto kakaboypren palang. Nga pala may balita ba kayo kay Star o Avey?" Tanong ko pa sakanila pero they just answer me with their shrugged.

BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Teen FictionWritten way back 2016 Life is unpredictable, no one knows what will happen next. Yung okay kayo ngayon pero bukas wala na. Mahal na mahal mo sya pero nagawa mo syang sukuan, iwan at alisin sa buhay mo. Well, that's how fate is. It could be sometime...