Krystal.
"Hi Love!" Gale greeted me as i answer his call.
"Hello." Maikling bati ko lang dito, napahawak pa ako sa sintido ko na kumikirot kirot. "Kamusta? How was your work?"
"Hell. Its so tiring." He said then sighed. "Ikaw love? You look so stress, wag mo papabayaan sarili mo ha? I miss you Kassy." I smiled a bit.
"Ayos lang naman ako. It's just that andaming kong inaasikaso sa company, it's so stressing." Hinaing ko, i saw a hint of worry on his face. But i assure him with my smile.
"Yeah. It's written on your face. Don't worry, babalik din agad ako pagkatapos ng ginagawa ko dito."
"Don't rush things Gale, promise I'll wait. Nga pala remember Judith? My classmate?" He just nod. "She invited me in her wedding, hindi naman ako makahindi dahil naging malapit na sakin yon."
"Sure. Ayos lang naman, just make sure you'll be loyal to me while seeing Gorgeous man in suit." I laughed, this jealous boy. "Oh come on! Don't laugh at me! pero sabagay, wala naman ng mas gagwapo sakin."
"Kapal. Feeling ko magkaka ipo ipo na dito, sobrang hangin mo! So yun nga bukas ang flight ko papunta sa Coron, Palawan."
"WHAT? Anong gagawin mo don?!" Gulat nyang tanong. Gosh ang sarap nyang sakalin, kakasabi ko lang e.
"Sa kasal nga ni Judith! And sakto dahil yung isa sa imimeet kong client ay taga don, so we decided to just meet there since andon nadin naman ako." He shook his head, still unconvinced.
"That's too far Kassy!" He whined, i took a deep breath. "I'm going crazy if you go there alone. Magpasama ka kay Range."
"Ha? Pero nakakahiya naman, what if he's busy?."
"Busy? Haha. Wala naman yong ginagawa. Basta you'll be with him ako na bahala."
"Alright. It's already 10 pm, and i badly want to rest. Ayos lang ba?" I ask. Ang isang mata nya ay nakapikit habang ang isa naman ay pupungay pungay.
"Hmm. Sure, im going to take a nap too. I love you and i miss you love."
"Love you too." I whispered before i fell asleep.
Kinabukasan ay naghanda na agad ako para sa flight ko. For sure it will be a nice vacation-like for me. How i miss pure white sand beaches.
Pagkatapos ilagay sa maleta ang mga gamit ay bumaba na agad ako. At sakto dahil sinalubong ako ng napaka cute kong pamangkin.
"Hey there Baby Sky." Bati ko dito na karga karga ni Ate Channel. He smiled, ang cute dahil lumilitaw ang dalwa nyang maliliit na ngipin. "Ate Channel can i have baby Sky? Ako na muna bahala sa kanya." Alok ko, pumayag din naman sya.
They have their own house pero dito muna sila since gusto lagi ni Mom nakakasama si Sky at Storm.
Dumiretso ako sa kusina na buhat buhat si Sky, kumuha ako sa ref ng fresh milk at cereals. Pinatikim ko si Sky ng kaonti and its so cute to see how he giggles. I slightly pinch his cheek.
-----
Makalipas ang ilang oras ay dumating na si kuya Range. Agad nyang inilagay sa kotse nya ang mga gamit ko.
"Ayos na ba lahat?" He asked and i just nod. "So tara na?"
Nagtungo ako sa front seat at komportableng umupo doon. Nakapagpaalam naman na ako sa kanila kaya ayos na. Ganon rin ang ginawa nya.
"Hindi ba talaga ko nakakaabala kuya? You know, you can just send me in airport then leave. Kaya ko naman ang sarili ko." I asked in the middle of our trip.
"Ano ka ba. Hindi no, tsaka ayos na din yon. I can have my vacation." He assures me.
Mabilis naming narating ang airport. Nasa loob na kami ng eroplano at kalhating oras na lang ay lilipad na ito. Habang nag aantay sa paglipad ay nagbasa nalang ako ng isa sa dala kong libro.
"Hello?" Sagot ni Kuya sa tumatawag sakanya, napabaling lang ako sakanya saglit pero pinagpatuloy na muli ang pagbabasa. "What? Bakit? Anong nangyari? God! Why now? Sige oo susubukan ko."
"What happened kuya?" Nag aalala kong tanong, mukang may hindi din kasi magandang nangyari. Napasabunot nalang sya sa buhok nya saka lumingon sakin.
"Nag collapse daw bigla si Mom, ayon nasa Ospital." Paliwanag nya. "Is it okay kung mag isa kang bibyahe? I promise once Mom is alright ay susunod din agad ako sayo."
"Ayos lang kuya. Kaya ko naman kasing mag isa, Gale is just over exaggerated. Sige na kuya, just tell tita to get well soon."
Madalian na syang nagpaalam dahil narin siguro sa pag aalala sa ina. I understand him, nasa abroad din kasi si Dad kaya sya lang ang maaasahang makasama ni tita.
Miya miya lang ay nagsimula ng lumipad ang eroplano. Im just sleeping the whole trip, o di kaya minsan pag nagigising ay kumakain.
Hours passed and i arrived here at Palawan safely. Konting minuto lang din ang byahe papunta sa hotel na pag checheck-inan ko. Sa hotel ring yon gaganapin ang kasal at bukas na agad yon,kaya nasisiguro kong naandon na ang iba sa mga kaklase ko. Pero kasama kaya ang isang yon? Hindi naman siguro, pero pano kung oo? E ano naman diba?.
Mabilis na akong dumiretso sa suit ko at nagpahinga. Siguro ay mamaya ko nalang sisilipin ang buong hotel. Hindi naman naging mahirap para sakin na makatulog dahil na rin malamang sa pagod.
~~~*ring* *ring*~~~
A ringtone wake me up kaya dali dali kong hinanap ang phone ko. Hindi ko alam kung sino ang caller dahil hindi nako nag abalang tingnan yon.
"Hello?" I said in a lazy and husky tone.
"Hello Kryss? How are you? Did you already arrived?" Tuluyan akong bumalik sa diwa ng marinig kung kaninong boses yon. Sumulyap ako sa wall clock at 4 pm na pala! "Hey! Still there?"
"Ah oo kuya. Yeah kanina pa, i just got awake when you call. Nga pala kamusta na ang Mommy mo?"
"Oh im sorry. I didn't mean to wake you up. Hmm she's still unconscious, we're waiting for her to wake up before doing some tests."
"Ah no ayos lang. I see, hope she'll be fine soon."
"Yeah. I'll tell her that you really worry a lot for her. So pano? I'll hang up? Just continue sleeping." Paalam nya saka ibinaba ang tawag.
Bumangon ako at parang kusang lumakad ang mga paa ko patungo sa isang malaking bintana. Namangha ako sa tanawin. Napakaputi ng buhangin at nakakamangha ang dagat, naghahalo ang kulay asul at berdeng kulay ng tubig sa gitna ng dagat. Na excite akong gumala kaya naman nagbihis agad ako ng pang langoy.
Isinuot ko ang navy one piece swimsuit ko, na may pagka- short type ang pang ibaba. Hindi naman ito gaano ka revealing dahil alam kong magagalit yon si Gale. Isinabit ko din sa leeg ko ang waterproof pouch ko na may lamang cellphone ko.
Pagkababa ko ng hotel ay bumungad sa akin ang madaming tao. Gosh! Pano pa ko magsiswimming nito? Maybe i can roam around? Malawak naman ang hotel resort nato kaya mas pinili ko na lamang ang gumala. Siguro ay makakahanap din ako ng hindi crowded na parte ng hotel.
Patuloy lang ako sa paglakad habang kinukuhunan ng litrato ang kapaligiran. I'll show these pictures to Gale later, for sure maiinggit yon.
I kept on walking in the seashore until i found the perfect spot. Hindi nako nagdalwang isip pa at diridiretso nang lumangoy doon. It's so nice. Walang tao. Patuloy lang ako sa pagsisid at pagfo floating. Hanggang sa di ko na namalayan ang oras, kulay kahel na ang kalangitan at napaka gandang tingnan non.
Tumuwid ako ng tayo habang pinapanood ang araw na unti unting lumulubog. Until i realized that someone's arms snaked around my waist from behind and rest it chins to my shoulder. I shivered...
Deja vu...
![](https://img.wattpad.com/cover/127349847-288-k949254.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is Not Over
Novela JuvenilWritten way back 2016 Life is unpredictable, no one knows what will happen next. Yung okay kayo ngayon pero bukas wala na. Mahal na mahal mo sya pero nagawa mo syang sukuan, iwan at alisin sa buhay mo. Well, that's how fate is. It could be sometime...