chapter 39

832 23 0
                                    


"Doc,please ho wag niyo pong sabihin sa kahit na sino na n-narito ako sa hospital doc,please po...."nagmamakaawa na saad ko sa doctor na hawak ang kamay ko at hinahagod ang braso ko"okay,okay.may pera ka ba d'yan---"agad akong tumango

"Opo!o-opo!may laman pa po yung credit card ko kaya...magagamit pa po pang bayad d-dito"tumango ang doctor at nagpaalam muna para icheck ang katabi kong pasyente dalawang araw na akong hindi umuuwi sa bahay namin.

Tiyak na nag aalala na sila mom.napapikit ako ng mariin kasama ng luha ko,bakit ba kasi ako laging ganito?lintek!nakakainis kang na sobrang pabigat na ako Sana tinuluyan nalang ako ni zhavia edi sana tapos na lahat ng paghihirap ko.

Marami na akong hindi nagagawa sa school siguro tambak na ng projects at assignments ngayun no?dalawang araw na akong di nagpra-practice para sa prom ,siguro hindi nalamang ako pupunta tiyak na mag partner partner na.

Napatingala nalamang ako ng napagtantong umiiyak na pala ako,pano?pano pag hindi ako naging valedictorian?pano pag bumgsak ako at di na ka graduate?pano?kung ang iningat ingatan kong rank one ay mapunta sa iba?

Ayokong mawala sa akin iyon lahat!pinaghirapan ko lahat ng ginagawa ko,a-ayoko...lalaban tayo rein!

Napaayos agad ako ng bumukas ang pinto at inuluwa non ay si doctora santiana."rein,naku merong tao rito sa labas i think family mo iyon"tumingin siya sa labas at pinapasok si reina at si mom"oh god!rein..."niyakap agad ako ni mom,habang si reina ay seryosong nakatingin sa akin,hayst,panigurado sermon nanaman ang bibigay neto.

"Mom..."aniya ko at nag iwas ng tingin"mag uusap tayo mamaya...doc,can i talk to you?"tumango si doctora umakis sila si reina ay narito na sa tabi ko at seryoso pa rin angtingin"kamusta?"aniya at binigyan ako ng makahulugang tingin at nagkibit balikat"a-ayos lang"napa ayos ako sa pagkakaupo ng nanliit ang mga mata niya sa akin "alam ko ang nangyari,pwede mo naman sabihin sa amin diba?bakit kailangan mag tago kapa?are you out of your fvcking mind?the hell!rein!"

Nanuyo ang lalamunan ko"reina..."umiking siya at huminga ng malalim"akala mo ba maganda ang ginawa mo?huh?si lola...na stroke--"munting pag hinga ko ay naputol lola..."a-ano?"nag init ang gilid ng mata ko at yumukonh umiiling"yeah...at dahil sa kagagahan mo yun,pwede mo naman sabihin yun diba?marami kang pinag alala ang selfish mo,hindi mo lang man inisip ang mga nasa paligid mo,binully ka ni zhavia hindi ba?ano kaya ka nagtago kase natakot ka diba?tsss huwag kang mag alala di mo na rin matitikman yang mga pambubully'ng ginagawa nila sayo"tatayo sana siya.

"W-what do you mean?"nang hihinang sabi ko tumigil siya at naglakad palabas"baby..."naptingin ako sa pumasok yumuko siya para pumantay sa akin"pakiramdam ko napaka walang kwenta kong nanay,hindi ko man lang tinuon ang mga mata ko sayo...marami ka na palang karanasan sa paaralan na'iyan,bakit di mo sinabi?"nang gilid ang luha ni mom.

-NERDY GIRL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon