Chapter 1

45.6K 628 10
                                    

CHRIS POV

Naghahanda na sa pag alis niya si Christie papuntang manila. 

Ngayong araw na ito ang kanyang pag alis papunta don upang maghanap ng trabaho.

" Ma pakibilisan naman jan! malapit na ang oras ng flight ko!" 

" Oo hintay lang kadiyot, Nagbibihis pa ako"  

" Cge cge pakibilisan mo jan ma, uuna lang ako sa labas"

Paglabas nya sa kanilang bahay nakasalubong nya ang kanyang kapatid na babae. Bale pito silang magkakapatid at siya ang bunso, apat na lalake at  tatlong babae.

" Oh ngayon ang alis mo?"  

" Oo ngayon na me. Bantayan mo si mama dito ha.. habang wala ako. Alam mo naman si mama nalang ang titira dito" may dalawa kase kaming bahay at sa kabila ay yung mga kapatid kong may asawa na.

" Ahh. Cge cge wag kang mag alala nandito naman kami lage, kame na ang bahala kay mama basta alam mo na buwan buwan" nakangisi niyang sabe.

" Kayati ra! FYI my dear sisteret si mama lang ang padadalhan ko para maipon nya ang sahod ko at makabili na tayo ng lupa at para narin sa kanyang pang araw-araw na gastosin at isa pa anong akala mo saakin mag aabrod hindi no! don lang ako sa manila at hindi rin sigorado na malaki ang sahod ko sa mahanap ko na trabaho don."

"Sus! ikaw pa mangdurugas kaya yang mukha mo imposeble talagang hindi ka makakahanap ng trabaho don at saka makapal naman yang mukha mo" walang pake na naman niyang sabe.

" Hala! nanglait pa ang masmakapal pa ang mukha kaysa itim na pwet ng kaldero!" bwelta ko pa sa kanya.

" hahaha! I dont care. O siya kumayod kana at magparame ng pera!"

"Kapal talaga ng mukha ng talimpadas na to makaalis na nga" pailap kung sabi sa kanya.

Nagpaalam na ako sa pamilya ko. Mamimis ko talaga tong mga pamangkin ko. Lahat kasi sila ay dumaan sa aking pangangalaga kaya nga nalulungkot talaga ako na iwan sila. Pero kaylangan kasi para naman ito sa kanila ang pag alis ko.

" Manoy, Ma, tayo na at baka maholi pa ako" tawag ko pa kay manoy at mama.

" Cge cge tayo na" mama

Makalipas ang tatlongpung minuto nakarating na kame sa Mactan International Airport.

" Ma magingat kayo palage ha kong susumpong yang hika mo ominom ka kaagad ng iyong gamot para mawala agad" paalala ko pa kay mama, may hika kasi siya.

" Wag kang mag-alala gagawin ko yan. Ikaw ang mag ingat don alam mo na maraming barombado sa manila mag iingat ka palage." 

" Oo ma gagawin ko yan ako pa! hehehe."

FLIGHT 5J3456 PLEASE PROCEED TO DEPARTURE AREA

" Oh siya Christie tinawag na ang flight pumonta kana don baka mahuli kapa" sabi pa ni kuya

" Cge cge ma alis na ako magingat kayo palagi ha?"

"  Oo gagawin ko yan pakimusta nalang ako sa tiya mo pagkarating mo don."

"Oo ma ingat kayo sa pag uwi" at pumasok na ako matapos kong magpaalam sa kanila.

NAndito na ako sa loob ng eroplano.

Sana maging maganda ang pagpunta ko sa manila..sana makahanap agad ako ng trabaho.

Sa totoo mamimis ko talaga tong Cebu dito na kasi ako lumaki, nag-aral at nagkaisip. Mamimis ko rin yong mga kaibigan kong may saltik sa utak. Nung nalaman nilang aalis ako, di sila pumayag dito nalang daw ako sa Cebu magtrabaho pero sinabe ko sa kanila na kaylangan ko talaga tong gawin para narin masanay na ako na malayo sa kanila  dahil sa susunod na taon ay aalis na ako patungong dubai at don na magtrabo. Hai! buhay nga naman pero kakayanin kahit mahirap.

-----------

Pagdating ko sa Manila nakita ko agad ang antie ko na si antie audit at ang aking pinsan na si Carl na pangalawa nyang anak.

" Antie det! kuya carl!" tawag ko pa sa kanila habang kumakaway.

Lumingon sila nang marinig nila ako. 

" O anjan kana pala pamangkin sa wakas at nakita narin kita sa personal hehe" 

" Kaw talaga antie. Hi! kuya carl nagkita narin tayo sa wakas insan hehe"

" Oo nga insan  di ko inaakala na mas maganda ka pa pala sa personal, bagay sayo ang morena mong balat" may bahid na paghanga niyang sabi saakin.

" Joke bayan insan?" tanong kopa at nagkatawan kaming tatlo.

" Oh siya umalis na tayo punta na tayo sa bahay at naghanda kami para sayo at saka exited narin yong dalawa mo pang pinsan na makita ka" kay sayang turan ni antie.

" Si antie talaga nag abala pa" nakangiti kung turan ni antie.

" Ikaw pa insan malakas ka saamin eh kahit ngayon lang tayo nagkita hehe" sabi pa ni insan.

" Thank you so much antie at insan"

Umalis na kame sa airport at sumakay na kame ng taxi papunta sa kanila. 

Nang dumating na kame hindi ko talaga inakala na naghanda talaga sila. Nakilala ko narin ang dalawa ko pang pinsan sina kuya mark at paul na bunso ni antie det. Pati si tiyo carlito masaya rin dahil nakita na nya daw ako sa personal.

Masaya kaming nagsalo salo hanggang pinayuhan nila ako na dito nalang ako sa kanila tumira kesa maghanap pa daw ako ng paupahan gastos lang naman daw yon at sabi pa ni insan para safe narin daw ako. Tama naman sila at pomayag narin ako.

Dumating na ang gabi at binigay nila saakin ang isa pang kwarto sa bahay nila na walang gumagamit at don ako matutulog. Malaki ang kwarto at sakto lang saakin. 

Nagpasalamat narin ako sa kanila at pinayuhan nila ako na matulog dahil alam nila pagod ako sa byahe.

Nakahiga na ako sa kama ko at nagdasal na sana makahanap agad ako nang trabaho para may maipadala na ako kay mama. Natawagan ko na sila at masaya sila na dito ako tumira kina antie det. 

Sana sa pagpunta ko dito sa manila may magagandang mangyari sa akin.



******88***

This is the first chapter....

UNEXPECTED SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon