CHRIS POV
Nagising ako sa ingay ng manok ni tiyo carlito.
Parang alarm clock ko na ang potragis na manok ni tiyo. Araw arawin ba namang pumatong sa bintana ko at don mag iingay.
Litcheng manok! may kulongan naman siya.
Tinignan ko yong manok ng masama.
Sus! kung di kalang manok ni tiyo carlito kanina pa talaga kitang ginawang lichon kawali.
Arhggg! nakakainis gusto ko pang matulog.
Bumangon nalang ako at naligo, pagkatapos ay naghanda na ako sa sarili ko.
Maghahanap na naman ako ng trabaho nito.
Dalawang araw na ang lumipas simula nong na engkwentro ko yong gwapong mama hehe komusta na kaya siya no? sa yaman nya, imposibleng di pa niya napaayos ang kanyang sasakyan.
Makababa na nga!
Pagbaba ko nakita ko si anty det na nagaayos na nang pagkainan, sina insan naman ay nag hahanda na sa kanilang gamit para sa kanilang trabaho at si tiyo naman hayon himas himas naman ang letsing manok niya.
Sarap sarap pa ang kumag sa pag himas ni tiyo.
"O mga anak, pamangkin, carlito halina kayo at kumain handa na ang pagkainan"
"Oo tya/mama/parating na" sabay sabay pa naming sabi, nagkatawanan nalang kami.
Dumolog na kami sa pagkainan at kumain ng matiwasay.
" O pamangkin bihis na bihis kaha?" tanong pa ni tiyo carlito saakin.
"Oo tiyo maghahanap na naman po ako nang trabaho ngayon baka palarin hehe"
"Pamangkin wag kang mag madali na maghanap ng trabaho darating rin yan" sabi pa ni anty det.
" Ganon nga insan wag masyadong atat, darating rin yan" sabi pa ni kuya mark
" Salamat antie pero kaylangan ko na talagang makahanap agad ng trabaho agad agad alam mo naman anty matanda na si mama at kaylangan narin naming makabili ng lupa sa cebu."
"O siya kawbahala, basta mag ingat ka palagi sa paghahanap mo ng trabaho" paalala ni antie saakin.
"Opo antie salamat" nakangiti kung sagot ni antie.
Pagkatapos naming kumain, sabay sabay na kaming nagligpit ng pinagkainan namin at sabay sabay narin kaming umalis nina insan.
"Antie alis na po kame!" pasigaw kong sabi ni antie na nasa kusina
"O siya mag ingat kayo sa lakad niyo!" pasigaw din niyang tugon saamin.
"Opo ma cge alis na kame!" sigaw pa ni insan carl
Lumakad na kame at pagadating sa may iskinita naghiwa hiwalay na kame ng dereksiyon.
Ako sumakay na ako ng jip papuntang makati.
Pagdating ko sa makati namangha ako sa laki ng mga building.
Iba talaga dito para rin tong America e.. Naglakad na ako sabay buklat sa dyaryong dala ko.
Sabi kasi saakin ni lenny na pumonta daw ako sa makati maraming job hiring daw dito na nakalagay sa classified ads ng dyaryo, kaya bumili ako ng isa.
Sa bandang kaliwa nang dyaryo may nabasa ako isang ads.
URGENT HIRING CUSTOMER SERVICE ASSOCIATE AVM TELECOMMUNICATION 20-30k monthly for application just go AVM PRIME HOLDINGS building at Einstein St. Makati City.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED SECRETARY
Romance"EXPECT THE UNEXPECTED" Malaki ang mundo! Magkaiba ng estado! Paano mag crokros ang landas ng dalawang to? He's rich! She's poor! He is famous! She's Nobody! He's no problem! She's so many problem! He's Maraming hain, isang kakain. She's Isang hain...