CHAPTER 13

24.3K 527 11
                                    


CHRIS POV 

Bumaba na ako sa taxi na sinakyan ko papunta dito sa park. Hindi ko alam kung anong pangalan ng park nato. Basta pinahinto ko lang taxi driver ng makita ko ang park na ito.

Tumingin ako sa paligid. Hindi naman gaano na karami ang mga tao. Office hours pa kasi ngayon.

Naghanap ako ng isang bench na mauupoan. Sarap ng hangin tama nga tong lugar na pinuntahan ko nakakawala ng stress ang paligid.

Sa paghahanap ko nang mauupoan hindi ko namalayan nasa may daan na ako ng park at sa isang iglap napaupo ako sa kalsada may bumangga saakin. 

Pakshet sakit ng pwet ko!

Tumayo ako tapos pagpag sa may pwet ko.

"Nasa talampakan bayang mata mo?! Hindi mo ba nakita na may taong dumadaan?!" kastigo ko pa sa taong bumangga saakin.

" Im sorry miss hindi ko sinasadya. It just happen I talk to someone on my phone. I didn't found you coming"

"Sino naman ang kausap mo aber?" sabay taas ko nang tingin sa kanya.

Napamulagat ako sa nakita ko. 

Ito ba ang nakabangga saakin?

Kaya pala napaupo ako laki ba naman kasi ng katawan at shit rin gwapings tong si kuya! Pero mas gwapo parin si boss ai. 

Ano bayan isiningit pa talaga si boss.

Erase erase.

"I talk to my  mom. Im sorry again. Do you want me to take you to hospital?"

"Ang OA mo haha. Ok na ako salamat na lang. Sa susunod kasi tumingin ka naman sa paligid mo habang tumatakbo ka para wala kang mabangga kung sakali man."

Napakamot siya sa ulo niya."Ok. I will do that. Are you sure ok ka lang talaga?"

"Kulit mo rin hombre ka no. Ok nga ako"

"Napa aruruy ka kasi merlat ka" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya gulat na gulat ako. 

WHAT THE HELL BAKLA SIYA!!.

"My god! Shudi abas ka dong?" tanong ko pa.

Napatakip siya sa kamay niya. 

Mukhang narealise niya ang sinabi niya.

Baklang bakla nga. 

Sayang ang gwapo pa naman niya.

"Ahm.. ano sige na nga tutal alam mo naman wag mong ipagkalat ha"

"Hahahaha...eh kung ipagkalat ko may magagawa ka?" ngisi ko pang tanong sa kanya.

"Ipapasalvage kita kay inang reyna chararat ka"

"Hahaha.. paano mo naman masasabi na ipagkakalat  ko ehh di ko nga alam yang pangalan mo ehh. Think think rin chupape"

"Anong sabi mo chupape? Sa gwapo kung to chupape ang tingin mo saakin?"

"Hahaha ang ibig sabihin non shufu na bakla. Gwapong bakla. Ikaw lang ang bakla na hindi alam ang salitang yan haha"

"Eh san mo naman yan nutunan ang mga salitang pang baklush aber?"

"Sa mga friend kong bakla sa Cebu hehe."

"Taga Cebu ka day"

"O dong ngano man?"

UNEXPECTED SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon