Chapter 26

20.6K 411 11
                                    


Chris POV


Maaga akong umalis sa bahay namin.

Gusto ko siyang komprontahin.

Gusto ko nang closure.

Gusto kong malaman kung totoo ba ang message niya sa akin kahapon.

Kasi ang puso ko kahit wasak na umaasa parin eh na hindi totoo ang message niya na act lang niya ang lahat ng nangyari kahapon.

Pagdating ko sa building dali dali kong pumunta sa elevator. Pagdating ko sa office mukhang dumating na siya dahil bukas ng konti ang door ng office niya.

Gusto ko siyang makausap kaya pumunta ako sa desk ko at nilagay ang mga gamit ko tapos naglakad ako papuntang office niya. 

Pagpihit ko sa pinto at pagtaas ng tingin ko ay para akong naestatwa sa nakikita ko. Bigla nalang parang nabasag ang puso ko. Ang sakit sakit na di ko kaya. First time ko tong maramdaman ang ganitong sakit di ko kaya!

Nasaharapan ko lang kasi ang taong mahal ko na may kahalikang iba. Nabitawan ko ang notepad ko.

 Napahinto sila. Ang ganda ng araw ko! hoooooo!

"Oops honey your secretary is here" sabi nung babae na kahalikan niya at yung babae pa talaga kahapon.

Lumingon naman si boss saakin. Kasing lamig ng antartic ocean ang pinukol niyang tingin saakin.

WASAK! Wasak na wasak na ang puso ko.!

"Can you leave us trina" malamig niyang utos sa babae.

"But honey" angal pa ng babae

"Leave first" 

"Okay" at lumabas na ang babae at binangga pa ako sa balikat.

"Hampas lupa" sambit pa nang babae saakin.

Gusto kung umiyak pero parang naubusan na ng luha ang mga mata ko, ayaw na niyang umiyak.

"Lets talk" malamig niyang sabi

"Okay" taas noo kung sangayon sa kanya. Kahit pride lang pairalin ko. May respeto pa naman ako sa sarili ko eh. Kahit masakit na masakit na talaga.

"I will direct to the point. Let's end this useless relationship"

Bawat salita niya parang kutsilyung tumutusok sa puso ko.

"B-bakit?"

"Simple. This relationship is not true. It is just a play sinubukan lang kita. I was challenge by you because you are the only woman who is not affected to me but I was wrong you are just the same like them. Tsk."

Parang sumabog ang mundo ko sa sinabi niya. Kung ganon?

"Ibig sabihin laro mo lang lahat ang nangyari sa atin?" nagpasalamat ako na di pumiyok ang boses ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Definitely. I was just bored about my life then you came you show to me as a new toy or flavor of my new game and then boom kinagat mo naman, so sorry but I'm not sorry" sabi niya sa akin na mukhang nauuyam sa ginawa niya.

Wala na durog na durog na ako sa mga sinasabi niya durog na durog.

"And one more thing. You are not my type you even did not commit my standard even just one preference"

Ayoko na suko na ako ang sakit sakit na ayoko na sobra na.

"Ganon ba? Ang galing pala ng laro mo paniwalang paniwala ako, durog na durog para akong ginawang counter strike game sa internet ikaw ang counter ako ang terrorist binaril mo ako ng ilang beses ayon bang triple kill amazing what a game!" 

UNEXPECTED SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon