CHAPTER 9

26.6K 596 26
                                    


CHRIS POV

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may malakas na kampana akong narinig.

"Insan hindi ka pa ba gigising jan?" nabungaran kong sabi ni insan. 

Siya pala ang may gawa ng ingay na mukhang kampana kasi may dala lang naman siyang dalawang takip ng kaldero.

"Ano bayan insan nakakabingi yon ah" ungot ko pa.

"Eh kasi naman insan kanina pa kita ginigising. Kaya nagdala nalang ako ng kaldero at saka para sa kaalaman mo insan NANJAN ANG BOSS MO SA BABA AT HINIHINTAY KA!" sabi ni insan

Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya. 

Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama hala 5:30 na.

Putchang gala!!!!! Malapit na pala ang 6:00 am.

"Oh insan ano tutunganga kalang jan? O paghihintayin mo pa ang boss mo haha"

"Patay ako nito insan" balisa kung sabi sabay baba sa kama ko.

"Haha buti alam mo insan" tawa pa siya ng tawa

"Tabi insan maliligo na ako" 

Para akong si flash sa pagmamadali ko. 

Lagot nanjan na si boss!

Pagkatapos ng mahigit anim na minuto tapos na akong maligo. Nagdali dali naman ako sa pagbihis. Handa na naman ang mga gamit ko, hinanda ko na kahapon.

Harap sa salamin. Ok na ba mukha ko. 

Litche! ang laki ng eye bags ko huhu. 

Kasalanan kasi to nila insan ehhh. 

Nagbonding pa kasi kame kagabi at nanood ng mga ibat ibang klase ng pelikula kaya ayon alas dose na ako nakatulug kung hindi pa kami pinagsabihan ni antie na matulog na nunka bang titigil kame.

 Hinga ng malalim...huuuu nanjan na si boss sa baba huhu ano bayan ang aga naman niya.

Kinuha ko na ang mga dadalhin ko at sabay labas sa kwarto ko.

Dahan dahan akong pumanaog sa hagdan. May mga tinig akong narinig sabay kita ko sa dalawang pares ng mamahaling sapatos sa may sala mukhang si boss talaga to.

Pagkababa ko nakita ko si boss na nakaupo sa may sala kasama si tiyo carlito at insan. 

Kaya pala walang akong alarm ngayon kasi dala pala ni tiyo Carlito si chokstogo. 

Mukhang napansin ako ni boss at tumingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko. 

"Good Morning boss" nahihiya kung bati sa kanya

Titig na titig lang siya saakin. Kinabahan ako six pakaya ang dapat punta niya dito bakit ang aga.

"Morning" alam ko walang good kasi bad na eh. Pinaghintay ko lang naman siya.

Biglang nagsalita si antie.

"O siya mag almusal na muna tayo. Kayo rin sir"

"Thank you madam but we have to go baka mahuli na kami sa team. It's already six" sabay tayo ni boss at tingin sa akin.

"Ahm oo nga auntie kailangan na naming umalis baka mahuli pa kami eh"

"Eh pano yan hindi ka pa kumakain?"

"Ok lang antie busog pa naman ako" kahit gutom na talaga ako ehh.

"O siya sige ikaw bahala mag ingat kayo sa byahe niyo ha"

UNEXPECTED SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon