Chapter 38

24.5K 443 2
                                    


CHRIS POV

Kinabukasan maaga akong nagising, alas kwatro pa ng umaga gising na ako.

Kagabi pagkatapos kung maghugas ng pinagkainan namin, hinanap ko si my love ko at nadatnan ko siya sa dagat naliligo.

Sus lang! nung nakita ko siyang naligo kagabi grave mga inday para siyang si Poseidon the god of the sea.

Hmmmm lang talaga, Nakakagigil.

Nang matapos siyang maligo sa dagat dali dali naman akong pumanhik sa kwarto ko. Grrr baka mahuli pa ako no na nakatingin sa kanya.

Nakakahiya kaya. Ngayon kapa nahiya!

Hanggang sa hindi na ako lumabas at iniisip ko nalang ang gagawin kung plano ngayon hehehe.

Nabalik ako sa katinuan ko ng matanaw ko ang isang yati na papalapit sa isla alam ko ang crew nato ni aizen susundo sa akin pabalik sa siyudad.

"Hmmm let my plan beggin" Lumabas na ako sa kwarto ko para salubungin sila alam kong tulog pa si aizen ngayon. Alam ko rin na hindi niya ako ihahatid kaya sumasang ayon sa akin ang plano ko.

Nang makalabas ako ng bahay, sakto rin ang pag daong nila sa isla. Nakita kong bumaba ang isang crew.

"Good morning ma'am christie ako po pala si larry isa sa mga crew ni chairman, ahm handa na po ba kayo? dahil aalis napo tayo meron pa po kasi kaming gagawin sa siyudad pasensya napo na napaaga ang pagdating namin kasi po nagmamadali rin po kasi kame"

"Ahh ganun ba ok lang larry at saka salamat sa pagpunta niyo dito ha pero hindi ako sasama sa inyo pabalik sa syudad"

"Ha? ehh ang sabi po ni chairman sunduin daw namin kayo dito dahil  uuwi nadaw po kayo?" naguguluhang tanong niya saakin.

"Ehh nagbago na kasi ang isip ko pero may hihingin akong pabor sa inyo?"

"Cge po ano naman po yun?"

"Ahmm kapag tumawag si aizen sa inyo ngayon sabihin niyo na sumama na ako sa inyo pabalik sa syudad, wag niyong sabihin na nandito parin ako sa isla"

"Bakit naman po?" curios niyang tanong saakin.

"Basta sabihin niyo lang na umalis na ako sa isla at kasama niyo na ako"

"Pero ma'am baka magalit si chairman na nagsinungaling kami sa kanya alam niyo naman po yun" may pangamba niyang pahayag saakin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Wag kang mag alala ako ang bahala kay aizen basta gawin niyo lang ang utos ko OK ba?"

"Ehh cge po ma'am kung yan ang gusto niyo"

"Cge salamat ha" sabay ngiti ko sa kanila.

"Opo wala pong anuman, cge po una nalang po kami"

"Cge salamat uli basta yun ang sabihin niyo ha"

"Makakaasa po kayo ma'am" sabay alis niya papunta uli sa yati.

Nakatingin lang ako sa kanila habang papaalis sila, lumingin ako sa may gawi ng balkonahe ni aizen nakita kung gumalaw ang kurtina niya at nakita ko ang mga kamay niya.

Dali dali naman akong pumasok muli sa bahay at pumasok uli sa kwarto ko.

Wooff! malapit akong mabuko ha!

Dahil katabi ko lang ang kwarto niya pumunta ako sa may balkonahe ko hinawe ka bahagya ang kurtinang nakatabing dito.

Sumilip ako. Nakita kung papalayo na ang yating sinakyan ng mga crew. Lumingon ako sa gawi ni aizen at biglang may tumusuk sa puso ko ng makita kung nakatingin siya yati na papalayo habang lumuluha siya.

UNEXPECTED SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon