Chapter 1

6.3K 173 20
                                    

***May's POV***

Ako si May. Mary Dale talaga ang buong first name ko.

Nagsimula ang kwento ko noong nasa grade 11 ako sa Green Valley High. Isang private school ito at swerteng nakapasa ako bilang isang scholar.. Karamihan ay mga mayayaman ang nag-aaral dito.

Di kami mayaman pero hindi ko rin masasabing sobrang hirap kami. Ang tatay at nanay ko ay parehong nagtatrabaho sa munisipyo. Nasa Civil Registrar's office si mama at sa City Engineer's naman si papa. Nag-iisang anak lang ako kaya kahit papaano ay nai-po-provide nila ang mga pangangailangan ko. Hindi ako pinalaki sa luho ng mga magulang ko kaya natuto akong magtipid ng pera simula pagkabata.

Tipid ako sa pamasahe papasok ng school araw-araw dahil nilalakad ko lamang ito galing sa bahay...

Ang mga kaklase kong mayaman ay hatid sundo ng school service, kahit pwede naman nila lakarin ang eskwelahan.

Dahil nga private school ito ay konti lang ang naging kaibigan ko... yung tipong ka-level ko lang din...

Marami ding bullies sa school pero hindi pa naman ako nabibiktima sa awa ng Diyos. Ngunit may isang lalaki sa klase namin na lagi kong kaaway at ka-asaran. Pwede na ding i-consider na bullying ang pagtrato nito sa akin. Pero ako lang naman ata ang binubully niya sa school na ito.

Siya si Edward Barber, isang Filipino-German. Kaklase ko ito simula grade 7. Galing siyang Germany at noong una ay hindi ito marunong mag-Tagalog. Pero mabilis itong natuto dahil ayaw niya daw maloko ng mga tao.

Walang araw na hindi ako nito inaasar. Ito na yata ang daily dose of vitamins ng lalaking ito.

"May, bat ang liit ng ilong mo? Nakakahinga ka pa ba?" sabay tawa.

"Oo ikaw na ang mestizong bangus na may pinocchiong ilong! Tabi ka nga diyan!"

Magtatawanan naman ang mga kaklase ko....

Isang araw sa di inaasahang pagkakataon ay naiwan ko ang ballpen ko. Ang laki kong tanga.... exam pa talaga naiwanan ang ballpen...

"Mariz, may extra pen ka ba? Naiwan ko kasi.."

"Sorry, May. Wala."

Napapakamot ako ng ulo kasi wala na akong ibang mahihiraman bukod kay Mariz... Alangan kay ma'am eh di napagalitan pa ako....

Kinakabahan na ako kasi may time limit ang exam baka di na ako makasagot.

Napilitan akong lumapit kay ma'am.

"Ms. Tin, naiwan ko po kasi yung pen ko sa bahay... baka po may extra kayo diyan.."

"Hay naku May, exam iiwan mo ang ballpen mo? Nandoon pa naman sa faculty room yung gamit ko.. Class sinong may extra pen, pahiramin niyo to si Ms Entrata."

"O payat! I have an extra here.. Punasan mo ng alcohol pagkatapos ha.."

Arte naman ng lalaking to. Kung hindi ko lang kailangan... Hmmp.

"Salamat."

"Make sure to put an alcohol after..."

Gusto kong ibato sa kanya ang ballpen.

Natapos ko naman ang exam bago matapos ang naset na time ni ma'am. Pinaghandaan ko pa naman ito. Hindi ako pwedeng bumagsak sa kahit na anong exam dahil nakasalalay dito ang scholarship ko...

Pangarap kong maging Architect o di kaya'y isang pintor... mahilig kasi akong mag-drawing ng kung ano-ano... Marunong din akong mag-paint kaso sa water color lang... Wala pa akong pambili ng ibang medium na pwede kong gamitin...

Pag free time o recess, kung hindi nagri-review ay nagi-sketch lang ako. Malimit ako sa may chinese garden ng school namin. Ang presko kasi ng hangin dahil sa mga puno at mga bulaklak..

Kalimitang iginuhit ko ay mga bundok, dagat, falls at iba pa.. Kapag tao naman, iisa lang ang alam na subject ng kamay ko... Ewan ko ba... Mas kilala pa ng kamay ko ang bawat parte ng mukha nito...

Siya ang madalas kong iguhit..... ang aking kaaway. Sa malayo ko lang napag-aaralan ang mukha at itsura nito kasi hindi ko siya matignan sa malapitan. Sa tuwing naglalaro lang ito ng soccer or basketball, o di kaya'y sa canteen habang ito'y kumakain. Palihim ko siyang sinusulyapan at iginuguhit ng hindi niya alam.

Kasalukuyan akong naguguhit ng may biglang sumulpot sa harapan ko.

"Ay kabayo!"

"Mukha ba akong horse, May?"

Buti na lang at naisara ko agad ang sketch pad.

"Oo mukha kang Unicorn!"

"Kaw naman kalabaw... tignan mo..... ang itim-itim mo.." sabay pisil nito sa braso ko..

"Alis ka nga diyan! Istorbong to!"

"Nasa may palda mo kaya yung bola. Gusto mo ako kumuha?" sabay ngisi nito.

Ni hindi ko namalayan na gumulong pala ang bola at ngayo'y nasa may paanan ko. Nakaupo lang kasi ako sa isang bato kaya nakapasok sa ilalim ng mahaba kong palda ang bola.

Pinamulahan ako ng pisngi. Tinignan ko siya ng matalim at kinuha ang bola at ibinalik sa kanya..

"Bumaho ata yung bola." sabay amoy nito sa bola.

Kumuha ako ng bato at ibinato ko sa kanya. Mabuti na lang at nakailag ito..

"Napaka-bayolente talaga ng babaeng to..!!!" sabay alis nito.

Ganito ang araw-araw namin. Hindi kami nag-uusap ng normal. Madalas katabi ko ito sa upuan pero hindi namin kinakausap ang isa't-isa kung hindi lang naman asaran.

Isang araw nagpa-activity si ma'am. Pinares-pares kami at ang pinakamagaling na pares ay magtatamo ng additional points sa final exam.

Sa kamalasan ay siya ang naka-partner ko..

"Ms Entrata and Mr Barber."

"Wala na, talo na.. Tss!" narinig kong sabi niya.

"Ma'am may reklamo ata sa pairing si Mr Barber, pwede po magpalit na lang ng ka-pair?" Tinignan ko siya sa mata.

"What's the problem Mr Barber?"

"Nothing ma'am! Naghahalucinate lang po si Ms Entrata."

Aba't...

"Okay guys? go to your respective partners at pag-usapan niyo ang gagawin ninyo. Again, the best pair will have an additional points sa final exam."

Nag-usap usap na ang mga kaklase naming magkakapares. Hinintay ko siyang tumayo sa upuan. Pero wala ata itong balak... Inis na inis akong pinuntahan ang pwesto niya.

"Cooperation ang kailangan dito, Mr Barber... hindi kaartehan.."

"Ako ang maarte? Really?"

"Pede ba magsimula na tayo para matapos agad... Sayang din ng additional points na iyon.."

"You're just the one who needs it sabay irap nito.. "Fine, let's start..."

In fairness, sa pagkakataong ito ay sumeryoso siya... Kahit medyo awkward ay nagawa naming mag-collaborate sa activity na yun.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon