Chapter 27

1.8K 123 6
                                    

***May's POV***

Pumayag ako sa proposal ni Marco na maging partners kami sa business but for the meantime magsisimula na muna akong magtrabaho as head architect ng kompanya.

Pumasok ako ng maaga para mapag-aralan ang mga gagawin ko.

I headed to Marco's office. Medyo bigatin na rin ang kompanyang ito. May kalakihan ang kanilang limang palapag na building at maganda ang pagkaka-disenyo nito.

Kumatok muna ako bago pumasok ng pinto. Marco was talking to someone... sekretarya niya yata ito..

"Marco.."

"Ey May, ang aga mo!"

"May?!" nagulat ako sa biglang lumingon na babae.

"Lizzy?" hindi ako makapaniwalang nandito siya.

"May! Nandito ka na pala... Marco... ba't di mo sinabi?"

"Nakalimutan ko sorry.. By the way Lizzy, May will be a part owner of this company..... May, currently... Lizzy is my personal secretary..."

"Really? Hello bes... Namiss kita.." sabay yakap ko sa kanya.

"Namiss din kita May!"

So Lizzy is an employee in Marco's company... Hindi sa ayaw ko siyang makita pero katulad ni Lau... Sila ang nagpapaalala sa akin ng nangyari...

I guess panahon na nga lang siguro ang makakapaghilom ng sugat sa puso ko. Wala na akong magawa. Hindi naman pwedeng tumakas na lang ako sa lahat ng tao... Mga tao pang nagkaroon ng puwang sa puso ko...

I will try to live as normal as possible...

***Marco's POV***

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya ulit...

Ano kayang nangyari sa kanya sa Amerika? Nagkita kaya sila ni Edward? Gusto ko siyang tanungin pero nangangamba pa rin ako sa anumang kasagutan niya...

Sa ngayon ay magkakasama pa sila ni Lizzy... Wala naman akong magawa kasi nauna ng mag-apply ito rito..

Lizzy and I are dating for a month now pero hangang doon lang. Sinabi ko sa kanya na I'm not yet ready for a serious relationship. Ganoon din naman siya. Nagkasundo kami na malaya kaming makipagrelasyon sa iba lalo na kapag dumating na ang sa tingin namin ay takdang tao para sa amin... Weird pero okay naman. No strings attached.

Medyo tutol nga lang si mommy pero at least hindi naman niya pinaparamdam iyon kay Lizzy sa tuwing magkikita ang mga ito...

Hindi ko rin alam kung papaano ko sasabihin ito kay May... Bestfriend ko siya pero hindi ko masabi ang mga nangyayari sa akin...

Awkward noong mismong unang araw.

"Marco, ihatid mo ko sa bahay. May ibibigay ako kay Tita. Nakalimutan ko lang dalhin kanina..."

"Ah kasi May... may pupuntahan pa ako mamaya.."

"Ay ganoon ba? Sige dalhin ko na lang bukas... Okay, magtaxi na lang din ako pauwi... Sige ma-una na ako.. Ingat ka!"

May date kasi kami ni Lizzy ngayon... Sinabi niyang out of town ang gusto niya... Pero nakita kong parang biglang nalungkot si May...

"Magta-taxi ka? Sige ihahatid na muna kita saka na lang ako pupunta sa pupuntahan ko..."

"Sure ka? Baka matagalan ka sa bahay... Nandoon si Mama alam mo naman iyon... Kung importante iyang pupuntahan mo... wag na.. kaya ko namang umuwi.. Don't worry nag-check na rin naman ako ng kotseng bibilhin para may magamit ako sa pang-araw araw. Sa ngayon magko-commute na muna ako..."

"Hindi na. Ihahatid na muna kita."

Tamang-tama namang pumasok ng room si Lizzy.

"Oh Bes nandiyan ka pa pala, mauna na ako. Naghihintay na kasi si Mama sa bahay.."

"Sige May, ingat!.. See you tomorrow..."

"Lizzy i--ihahatid ko si May... I'll call you later..." nagulat si Lizzy pero hindi na ako nagpaliwanag. Hinila ko na si May palabas ng opisina ko.

"May..." nasa kotse na kami ngayon papunta sa kanila.

"Hmn?"

"May nabangit ba sa iyo si Lizzy?"

"Tungkol saan? Hindi pa kami nagkakausap. Na-busy ako kanina doon sa mga dapat gawin sa kompanya mo... "

"Ah salamat nga pala... Masaya ako na maa-aapply mo pa iyong mga process na natutunan mo doon sa Amerika..."

"Oo sobrang magkaiba sila pero maganda talaga pag nai-apply na natin dito sa kompanya mo... Mas mapapadali at mapapaganda ang trabaho ng mga tao mo.."

"Salamat May.."

"Ano ka ba? Para kang ibang tao... Dami ko pa ngang utang saiyo..."

Nakarating kami sa bahay nila at di nga siya nagkamali dahil hindi ako agad pinaalis ng mama niya.

Agad kong tinawagan si Lizzy pagkalabas ko ng bahay nila May.

"Okay na Marco, sa next weekend na lang natin gawin iyon. Bigyan mo muna ng time yang bestfriend natin. Miss ka na niyan for sure..."

"Okay lang saiyo?"

"Okay lang, wala naman tayong commitment di ba? Tsaka bestfriend ko rin naman iyan... maiintindihan ko... Pwera na lang siguro kung main-love kayo sa isa't-isa then out of the picture na ako..."

Ganoon kaprangka si Lizzy. Pero hindi naman ako insensitive para balewalain ang nararamdaman niya.

"Don't worry Lizzy, babawi ako saiyo... Pasensiya na talaga.."

"Okay lang ako Marco... Sige see you tomorrow. Huwag mo na rin ako sunduin, may kotse naman ako... Si May wala pa... "

"Okay Lizzy, bye for now. Ingat ka. Salamat."

"Bye."

***May's POV***

Hindi ako sigurado pero iba ang pakiramdam ko. Parang may nagbago kay Marco. Parang pilit na lang ang mga dati niyang ginagawa sa akin... Dati walang pag-aalinlangan, pagbibigyan agad ako nito... Sabagay ang dami niya na rin kasing trabaho...

Nami-miss ko lang siguro iyong dati naming samahan. Iyong walang ginawa kung hindi mag-asaran at tumawa..

Si Lizzy din ay parang iwas sa akin. Hindi ko alam kung nagkakataon lang... Hindi ko maintindihan. Though medyo pabor naman sa akin kasi hindi pumapasok sa utak ko iyong isang taong ayaw kong maalala.

Hindi bale, gagawin ko na lang ang lahat para matulungan si Marco na mapaganda ang takbo ng kompanya. Napakalaki ng tiwala sa akin ng Daddy niya at ayaw kong masira iyon. Napapalaking tulong ang ibinigay nila sa amin ng nanay ko noon. Panahon na para ibalik ko sa kanila iyon.

My May, My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon